Blog Twenty Seven: Rollercoaster Ride

2.3K 108 3
                                    

Blog Twenty Seven: Rollercoaster Ride

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Be careful!” natatarantang bulong ko habang umiiwas sa mga CCTV cameras ng bahay namin. Mabuti na lang talaga ay alam ko kung paano mauuto ang mga ito. Of course. Sayang naman ang pagiging isang Celeste Cheng ko kung hindi ko iyon aalamin, right? Right. Maganda kasi ako. At kahit mukha akong gumulong sa lupa, I’m sure as hell na hindi nabawasan ang kagandahan ng ko. Of course. Confidence, confidence. I need to be confident, pero sa totoo lang, nagpa-panic na ako dahil baka biglang maging failed operation ang acting ni Cassiopeia at mapadpad dito sa bahay sina Kuya Cielo ora mismo.

He shot me a look. “Bakit ba kasi kailangan pa nating pagtaguan ang mga CCTV cameras?”

“Eh kasi mautak si Kuya. Kapag gusto niyang maghanap ng pang-blackmail sa akin, kakalikutin niya ang CCTV cameras to use something against me,” paliwanag ko.

“Kung ganoon, mukhang marami ka ngang ginagawa na hindi mo dapat ginagawa kaya ka nag-aalalang makita ng kuya mo ang mga iyon,” he said.

I blinked. “Of course not! I mean, wala!” I said defensively.

He shrugged. “Defensive.”

I ignored his comment and just pulled him quickly noong biglang umikot ang CCTV camera at napadpad sa direksyon namin. “Bilis, bilis!”

Dahil sa sobrang pagkataranta ko, I lost my balance, but he caught my arms and steadied me. “Thank you, thank you,” I said distractedly.

We managed to escape the claws of CCTV cameras. Noong nakapasok na kami sa loob ng bahay, I turned off all the CCTV cameras. Okay, fine, I shouldn’t have done it, pero kasi si Kuya eh! I know my brother so well, and he’s really nasty lalo na kapag bina-blackmail niya ako or he wants to get things to go his way.

“Hindi mo dapat ginawa iyon,” Cirrus suddenly said.

“Huh? Ang alin?”

He gestured to the security room. “Hindi mo dapat pinatay ang mga CCTV cameras lalo na’t may kasama kang isang estranghero.”

“I thought we’re past the strangers part? Besides, may gagawin ka bang hindi maganda sa akin? Wala naman, right?” I asked distractedly while trying to find the first aid. OMG, he should clean up his wound first pala! “I think kailangan mo munang linisin ang sugat mo. Wait lang. I’ll get you some clean clothes. Diyan ka lang, huwag kang gagalaw. Baka lalo kang magdugo.”

He gave me a funny look. “Weird girl,” I heard him mutter, pero hindi ko na siya pinansin.

Dali-dali akong nagpunta sa kuwarto ni Kuya Cielo—na hindi man lang niya inabalang i-lock—at kumuha ng iilang shirts and pants na I think hindi niya mami-miss. Fortunately, mukha naman silang magka-size ni Cirrus, so I think kakasya ang mga ito. I also got a towel for him. Pagbalik ko, nakatayo pa rin siya sa puwesto kung saan ko siya iniwan.

“Ba’t hindi ka umupo sa couch?”

“Sabi mo huwag gagalaw eh.”

“Pero—”

“I didn’t sit to avoid staining the couch with my blood.”

“I see, I see,” I said distractedly. I’m seriously getting distracted sa sugat niya! “Quick, clean up your wound muna tapos gamutin natin.”

“Natin? Kaya ko namang—”

“The guest bathroom is on the left. Just go, please? I’m about to vomit na,” I pleaded.

He frowned. “You have hemophobia?”

Tumango ako. He suddenly looked concerned, but before he could say anything, I told him to quickly clean up his wound.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon