Blog Thirty Six: Smile

3.1K 151 21
                                    

Blog Thirty Six: Smile

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Nakanganga silang lahat. I’m so not exaggerating! They really are nakanganga! And I’m so, so not exaggerating! In fact, they are the ones exaggerating, not me. I mean, why are they so gulat sagad to the point that they are just nakanganga?

It’s just an Artwork!

“I. So. Can’t. Believe. It. Sagad,” kumukurap na sabi ni Cadmus.

“Takte, ako rin. Imposible,” bulong ni Kuya Cielo. Siniko siya nina Kuya Clynn at Kuya Czar.

Inirapan ko siya. “What do you mean, impossible? I’m possible!” I sid smugly.

Umiling siya. “‘Di ako naniniwala,” sabi niya.

“Eh ‘di ‘wag! Pakialam ko ba kung maniwala kayo or not? Read my lips—I. Don’t. Care. Besides, what are you all doing here in my room?” maarte kong tanong.

Nagkatinginan silang lahat.

“Sabi kasi ni Tita Celestina, may dala-dala ka raw oil painting kagabi,” paliwanag ni Calla. “Eh wala naman tayong oil painting activity kahapon.”

“And so? And so? Am I not allowed to paint?” tanong ko.

“Takte, dinoktor yata ‘yan eh,” bulong ni Kuya Cielo kay Kuya Boom.

Inirapan ko sila. “Seriously? Like it’s a big deal sagad sa inyo?”

Ngumiti nang malapad si Cassiopeia. “Dalhin natin ito kay Lolo!” masiglang sabi niya. And before I knew it, dinampot na nila ang oil painting kong hindi pa natutuyo ang paint at inilabas from my sacred room.

“‘Yung painting! Baka masira!” I screamed at them kahit na alam kong iingatan nila iyon. Kahit mga sira-ulo ang mga iyon, they handle Artworks with care, so hinabol ko na lang sila at hindi isinumpa sagad.

Seryoso silang dadalhin nila kay Lolo ‘yung painting. At talagang itinakbo pa nila iyon sa bahay ni Lolo. Leche. Ganoon talaga sila ka-exag? I mean, it’s just a painting, for goodness’ sake! Painting! Painting. Lang. Iyon. Leche.

Noong dumating kami sa bahay ni Lolo Cheng, nadatnan namin siyang nagdidilig ng kanyang prized halamans na ewan ko kung anong mga halamans iyon. Basta may dahon, alam kong halamans na iyon.

“Lolo!” madramang sabi ni Cadmus. “Look at this, Lolo!”

Agad inabot ni Kuya Cielo kay Lolo Cheng ang canvas na naglalaman ng oil painting ko. I gave them all a dirty look.

Kumurap si Lolo Cheng. “This is Celeste’s painting, isn’t it?” tanong niya.

Nagkatinginan ang mga pinsan ko. “OMG, I so can’t believe it!” madramang sabi ni Cadmus. “Lolo! Seriously?”

“Oo nga, Lolo, seriously?” hindi makapaniwalang tanong ni Cara.

“Imposible,” umiiling na sabi ni Kuya Cielo.

“What the hell is impossible?” asar kong bulong kay Cassiopeia na nasa tabi ko.

“Sa tingin ko, sinasabi nilang imposibleng nahulaan ni Lolo na ikaw ang gumawa ng ganyan kagandang obra,” sabi niya sa akin.

“Like, seriously?” bad trip kong tanong. Ganoon talaga ka-fail ang tingin nila sa akin when it comes to Arts!?

“Excellent, Celeste. Alam kong kaya mong lumikha ng ganitong obra. Ayaw mo lang,” sabi ni Lolo Cheng sa akin.

I wrinkled my nose. Alam naman pala niyang ayaw ko eh, pinipilit niya pa ako!

“Takte, imposible talaga,” bulong ni Kuya Cielo.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon