Blog Sixteen: Deal

2.9K 123 6
                                    

Blog Sixteen: Deal

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Celeste!” malakas na sigaw ni Kuya Cielo from outside my room. My gosh! Why naman sobrang aga niyang mag-ingay? Besides, weekend naman at walang pasok!

After our camp in Mount Belleza, nothing has changed. Masungit pa rin si Cyber. Pero guwapo siya, of course. Maganda pa rin ako. Abnormal pa rin ang kapatid ko.

The school days went by quickly. Namalayan ko na lang eh patapos na ang second semester ng freshman year ko. Feeling ko eh may pakpak ang mga araw at so bilis their lipad. Hindi ko man lang naramdamang natapos na ang first sem at ngayon eh patapos na ang second sem. Ni hindi ko nga na-feel ang classes ko eh. I dunno. Maybe it’s because I do my best to enjoy them kahit na everytime nagsasalita ang ibang profs ko eh ‘yung pretty eyes ko na lang ang gising, but my mind is already saying hello to dreamland. But wanyway, weekend came like a flash of lighting. Siyempre, maganda ako eh.

“What? What?” I asked as I threw the door open.

Ang buong akala ng kagandahan ko ay si Kuya Cielo lang ang bubungad sa akin, but I was wrong. OMG. I shouldn’t have opened my bedroom door dahil limang mga nakangising mukha ang bumungad sa kagandahan kong abot ang Venus.

Pare-pareho ng mga ngisi sina Kuya Cielo, Kuya Boom, Kuya Box, Kuya Clynn, at Kuya Czar. At hindi ko nagugustuhan ang mga ngisi nilang iyon.

“What?” I asked again, medyo nagpa-panic na this time.

“May nabalitaan kami,” masiglang sabi ni Kuya Boom.

“Kung what man ‘yang nabalitaan niyo, I’m innocent sagad. Wala akong kinalaman diyan,” mabilis kong sabi.

Nagtinginan silang lima. OMG, iba talaga ang kutob ko eh! Weekend ngayon at feeling ko, bored na bored silang lima at ako ang malas na napili nilang i-bully!

“Wala raw siyang kinalaman, Boom,” natatawang sabi ni Kuya Box sa kambal niyang kamukha niyang mukhang Pongid.

“Eh kasi, ‘Tol, defensive,” sabi ni Kuya Boom.

Nagpamewang ako. “I so Hashtag Cannot Relate sa mga pinagsasabi niyo.”

Tumawa sina Kuya Clynn at Kuya Czar. “Boylet mo raw si Cyber Sandejas sabi ni Cielo,” sabi ni Kuya Clynn.

Kumurap ako. “Boylet? Excuse me? Familiar ako sa froglet—kayo ‘yun—pero hindi ako masyadong familiar sa boylet.”

Imbes na maasar ay nagtawanan silang lima. Tinaasan ko sila ng kilay.

“Sabi sa’yo, Cielo, eh. ‘Di aamin ‘tong kapatid mo. Ganyan naman ang mga babae,” sabi ni Kuya Czar kay Kuya Cielo.

Tumingin si Kuya Cielo sa akin. “Hoy, Celeste, magtapat ka nga. Boyfriend mo si Cyber Sandejas, ano?”

Ngumiti ako nang malapad. “Of course he is my Hashtag Boy Friend Forever sagad!” masiglang sabi ko.

Siniko ni Kuya Boom si Kuya Cielo. “‘Di naintindihan ang tanong mo, ‘Tol. Ibang boyfriend ang sinasabi niya.”

“Hoy, Celeste, ayusin mo nga ‘yang pananalita mo. Saka ang tinatanong ko eh hindi lalaking kaibigan. Boypren. Jowa. Takte, ano ba namang utak ‘yan?” reklamo ni Kuya Cielo.

I blinked. “OMG, are you trying to insult my sexy brain cells? And FYI, Cyber and I are so not mag-jowa! We’re Hashtag Best Friends Forever!”

“Panakip-butas ‘yan, ‘Tol. ‘Yang mga ganyang sagot, panakip-butas ‘yan para mapagtakpan ‘yung tunay na relasyon,” natatawang sabi ni Kuya Clynn kay Kuya Cielo.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon