Blog One: Red Hoodie

4.5K 151 17
                                    

Blog One: Red Hoodie

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“I’m so late!” natataranta kong sigaw habang tumatakbo sa loob ng campus ng Unibersidad de Barrio Belleza. “I’m so, so late!”

Gusto kong isumpa nang sampung beses ang kuya kong batugan. Because of him and his issues, na-late ako! Ngayon pa talaga! Ngayong first day pa! Buwiset!

Dahil bonggang-bonggang paglipad ang ginawa ko, who cares ang peg ng kagandahan ko sa mga nasagi kong estudyante. At who cares din ang peg nila noong nasagi nila ako. Obviously, hindi lang ako ang late ngayong araw.

Nagkakagulo ang main campus dahil sa mga latecomers na katulad ko. Hindi lang ako ang tumatakbo dahil obviously, marami ring may mga kuyang batugan na paalis ka na dapat ng mga oras na iyon eh saka pa lang gigising at hindi ka makalabas ng bahay dahil ini-lock niya ang gate at naiwala pa ang susi. Buwiset.

Sa kamamadali ko, nabunggo ako sa isang lalaking nakasuot ng kulay pulang hoodie. Sa sobrang tangkad at laki ng katawan niya, para akong tumama sa pader. Napaupo ako sa semento, pero dahil wala na akong time pa para magmaldita, mabilis akong tumayo at nilagpasan siya bago ko pa makita ang pagmumukha niya.

“Miss.”

Who cares nga ang peg ko, right? So malamang deadma ang beauty ko. Madrama akong tumakbo papunta sa College of Mass Communication at pagdating ko sa hallway kung saan supposedly nandoon ang homeroom ko, nadulas ako dahil sa lecheng pinturang nakakalat sa sahig.

Eh magpapatinag ba naman ako? Of course… not! Pakialam ko ba kung punong-puno ng pintura ang palda ko eh kapag nauna ang rumored terror prof ko sa akin ngayon, hindi lang palda ko ang mapupuno ng pintura. Pati class card ko eh mamumula sa kulay ng red ballpen ng terror na prof na ‘yun.

Agad kong binuksan ang pintuan ng classroom ko, pero bago pa ako nakatapak sa loob, may lumanding na tela sa ulunan ko mula sa likuran. Agad kong kinuha iyon.

Lumingon ako para makita kung sinong gago ang nagbato ng pulang hoodie niya sa akin, pero likod na lang ng lalaki ang nakita ko at papasok na siya sa kabilang classroom. Pero bago pa siya nakapasok sa loob ng kabilang classroom eh narinig ko siyang nagsalita.

“Itakip mo sa palda mo. Mukha kang natagusan.”

Agad kong tiningnan ang palda ko sa may puwet at binati ako ng pagkalaki-laking mantsang kulay pula.

Nganga. Pero saglit lang akong ngumanga at itinali ko kaagad sa bewang ko ang hoodie para matakpan ang pulang pintura slash mukhang tagos sa palda ko.

When I looked up, my classmates were all staring at me.

Oops.

Kumurap ako at awkward na ngumiti. Nag-angat ako ng palad. “Uh… hi?”

“Are you blocking the entrance, Miss?”

I spun around and saw a terror-looking professor standing behind me, ready to eat me up alive.

Agad akong umiling. “No, Ma’am.”

“Then go inside and find a seat!” she barked.

Nataranta akong pumasok sa loob ng classroom at agad na naghanap ng empty seat. Later on, I found out that her name is Miss Munchkin. And I’m not kidding. It’s really Miss Munchkin. Munchkin del Torre. Akala ko noong una eh Miss Minchin.

Okay, so I did survive the first day of school.

But who the hell owns this red hoodie?

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon