Blog Twelve: Starry, Starry Night

2.5K 138 4
                                    

Blog Twelve: Starry, Starry Night

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Goodnight!” masiglang sabi ng babae sa amin ni Cyber habang kumakaway at pumapasok sa loob ng kuwarto niya.

“Wait lang, Miss, anong pangalan mo?” I called, but she seemed not to hear me kasi mabilis na sumara ang pintuan ang kuwarto niya at naiwan kaming dalawa ni Cyber sa sala. In fairness to her kubo, kumpleto. May sala, dining area, at kitchen pa.

Nagkatinginan kami ni Cyber. “So,” panimula ko, “sinong mauuna sa banyo?”

“Malamang ikaw,” he muttered.

“Why? Ayaw mo pang maligo?”

“Pagkatapos mo na. Alam ko namang ligong-ligo ka na eh.”

“OMG, you know me so well,” tumatawang sabi ko. “That’s why we’re Hashtag Best Friends Forever and—”

“Maligo ka na,” he snapped.

Ngumuso ako. “Sungit,” I complained. I grabbed the towel and clothes na binigay ng babaeng mukhang manika sa akin at pumasok na sa loob ng banyo.

After kong mag-toothbrush at maligo, nakita ko si Cyber na nakatayo sa may bintana at nakatingin sa labas.

“Cyber, I’m done. Ikaw na,” I said cheerfully.

Without a word, he got his towel and clothes. Pumasok siya sa loob ng banyo nang hindi umiimik. Naman! Why ba he’s so sungit? Sobrang sungit! Suplado! Would it kill him to talk to me? So arte.

And after he finished his evening rituals, hindi pa rin siya umiimik. Without a word, pumasok siya sa loob ng kuwarto. Susundan ko dapat siya, pero lumabas siya ulit at may dala-dalang unan.

“Oh, why may dala kang unan?” I asked.

“Malamang dahil dito ako sa sala matutulog,” he muttered, gesturing sa wooden couch.

“OMG, why ditto ka matutulog eh may bed naman sa kuwarto?”

“Timang ka ba? Matutulog tayo sa loob ng iisang kuwarto at sa iisang kama?” singhal niya sa akin.

“Why? What’s wrong with it?” nagtatakang tanong ko.

He shot me a look. “Hindi ba malinaw sa’yo ang kasarian mo at kasarian ko kaya tinatanong mo pa ‘yan?”

“What’s wth our kasarians? I’m a girl, you’re a boy. And so?”

“Takte, makatulog na nga lang,” he said in frustration and went over to the wooden couch. Umupo siya doon at tumabi ako sa kanya.

“Why ayaw mo ako kasama sa kuwarto?” I wailed. “I’m so mabango naman, ah! Amuyin mo pa ako!”

“Hindi iyon ang punto,” he snapped at me. “Babae ka, lalake ako. Hindi tayo mag-asawa o magkasintahan para magtabi sa iisang kama sa loob ng iisang kuwarto.”

“Eh we’re Hashtag Best Friends Forever naman eh!”

“Kahit na,” singhal niya sa akin.

“Huh. So arte,” I said rolling my eyes.

“Matulog ka na nga doon sa kuwarto.”

I stood up. “Fine. You’re so arte,” I said cheerfully. “Good night, Cyber!”

“Go.”

“Wait!”

“Ano na naman?” iritadong tanong niya.

“Where’s my good night kiss?”

He blinked. “Excuse me?”

“My good night kiss,” I said smugly. “Kuya Cielo gives me one every night on my forehead.”

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon