Chapter 44

10.1K 658 19
                                    

HINDI na yata magsasawa si Flor sa pagtanaw sa napakagandang karagatan ng Puerto Princesa. Tapos na ang trabaho niya para sa araw na iyon. Gaya ng nakasanayan niyang gawin ay nakapuwesto lamang siya sa buhanginan at nakatanaw sa karagatan.

Doon siya dinala ni Molly, sa islang pag-aari ni Narciso. Noong una ay naisip niyang isang malaking kalokohan iyon sapagkat alam niyang matalik na magkaibigan ang dalawang lalaki. Ang sabi lang sa kanya ni Molly ay magtiwala siya rito. Dahil wala siyang ibang pagpipilian ay ganoon nga ang kanyang ginawa. Mukhang maayos naman ang lahat sapagkat dalawang linggo na siya roon ay hindi pa nagpapakita ito. Nakailang tawag na siya sa kanila at nalaman niyang hinahanap daw siya roon ni Zeph.

Hindi niya sinabi sa mga kaanak niya kung nasaan siya. Ang alam lang ng mga ito ay maayos ang kanyang kalagayan. Mas maganda na iyong ganoon, kaysa masabi pa ng mga ito kay Zeph nang hindi sinasadya o kung ano man.

Maganda ang resort na iyon, halos lahat ng turista ay mga foreigners. At siya ay nagtatrabaho roon bilang housekeeper. Ang nais nga ni Molly ay ipasok siyang cashier subalit nahiya siya. Alam niyang deluxe resort iyon at ang mga may hawak ng ganoong posisyon ay mga nakapagtapos ng pag-aaral. Sa huli, pumayag na rin ito sa nais niya.

Malaki ang suweldo roon, sapat sa pangangailangan ng kanyang mga kapatid lalo pa at may trabaho na rin ang ilan sa mga ito sa grocery. May usapan na sila ni Molly kung paano ipapadala ang pera upang hindi malaman sa kanila na nasa Puerto Princesa siya.

Sa palagay niya ay magiging maayos na ang buhay niya. Matatahimik na siya roon. Salamat na lamang at mayroong Molly at Narciso.

Siyempre ay nangungulila pa rin siya kay Zeph. Mahal na mahal pa rin niya ito sa kabila ng lahat. Pero naroon na siya, nagsisimula na nang wala ito.

---
To support the writer, you may click the star button below. You may also leave a comment. If you are in the mood to support the one giving you free reads, you can to facebook and like my page:

Facebook: vanessachubby and theromancetribe

Thanks.


Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now