Chapter 26

7.3K 281 16
                                    

"GODDAMMIT!" Kulang na lang ay ibato ni Zeph ang baso ng tubig sa pader. Iritadong nagsindi siya ng sigarilyo at tumayo. Pinagmasdan uli niya ang sulat na natanggap niya. Isang magalang at pormal na sulat iyon na nagsasabing hindi siya natanggap sa trabaho. It was another rejection. He was out of time. Kailangan na nilang magbayad ng renta sa bahay pero wala na silang savings sa bangko.

He felt so powerless, so damned miserable. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakainutil na tao sa buong mundo. Si Flor na ang gumawa ng paraan para makabili sila ng grocery items. Nahihiya na siya rito. Hindi lang basta-basta ang mga pinamili nitong pagkain nila kahit sinabihan na niya itong tama na sa kanya ang ordinaryong tatak ng kape at kahit wala nang creamer. Kahit ano ay okay na sa kanya. Nginitian lang siya nito at sinabing huwag daw siyang mag-alala, ito na raw ang bahala.

Right now, she sold those Avon products and stuff. Araw-araw itong umaalis para doon, habang siya naman ay maghapong naghahanap ng trabaho sa bahay. Umaalis lamang siya kapag may interview siya. Minsan ay gusto na niyang magwala. More than ten interviews, still no job.

Sinubukan na niya kahit iyong mga posisyong masyadong mababa para sa kanyang kakayahan, subalit wala pa rin. He tried even those call centers. He couldn't believe he was overage to work for those establishments. And he couldn't believe his credentials worked to his disadvantage. Iyon ang dalawang rason kung bakit hindi siya matanggap sa trabaho—kung hindi siya overage ay overqualified siya para sa posisyon.

And he thought they were right. Damn those idiots for not hiring him when he could turn any company into a gold mine.

"Idiots," nasambit niya. Magkakahalong galit, pagkapahiya, kawalang-magawa ang nadarama niya. Alam niya, sa susunod na magsabi sa kanya si Flor na nais na nitong magtrabaho ay mahihirapan na siyang pigilan ito sapagkat alam niyang kailangan din ng pamilya nito ng pinansiyal na tulong. Siya ang lalaki pero ito ang nagtatrabaho. Minsan ay wala na siyang mukhang maiharap dito.

Noon nag-ring ang cellphone niya. Sinagot kaagad niya iyon. Kulang na lang ay mapahiyaw siya sa saya nang isang representative ng isang kompanyang pinagpasahan niya ng resumé ang tumawag. May interview siya bukas na bukas din, alas-nuwebe ng umaga. Nagpasalamat siya at nanalangin. He had been praying a lot lately and he felt so guilty he had forgotten about his Creator for so long. Kung kailan siya nasa posisyong iyon ay saka lamang siya nakaalala. He couldn't even remember the last time he went to church before Flor made it their ritual to go to church together every Saturday night.

Habang wala pa si Flor ay nagpasya siyang pakialaman ang kusina. He didn't know how to cook but he thought he could try. Ilang ulit na niyang napanood si Flor na magluto. Kayang-kaya naman siguro niya iyon.

Bago mag-alas-siyete ng gabi ay may sinaing nang bahagyang sunog at corned beef na may itlog. Masagwang tingnan subalit masarap naman nang tikman niya. Naghain na siya.

Kung makikita lamang siguro siya ngayon ng mga kaibigan niya, tiyak na matatawa sa kanya. But he was way past that now. He didn't care about any of that all that much now. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay tuparin ang binitiwang pangako kay Flor. At wala siyang balak sumuko.

Mayamaya ay nakarinig siya ng kalampag sa labas, pagkatapos ay ang tinig nito.

"Mamang Pogi, nasaan ka?" Hindi nagtagal ay nasa kusina na ito, mukhang aligaga. Halatang nabigla ito nang makitang nakahain na siya. Oh, he could look at that surprised look on her face forever. Namaywang ito. "At nagmamadali pa ako dahil wala pa akong nailuluto. Nakapagluto ka na pala."

Ang lakas ng tawa niya. "Hindi ako delikadong tao, alam mo 'yan."

Itinirik nito ang mga mata. "Masarap ba 'yan? Mukhang pinaglaruan ng bata, ah."

Lalo siyang natawa. Dumulog na sila. Siyang-siya siya nang purihin nito ang luto niya. Hindi na raw masama. Nagkuwento ito ng mga nangyari sa araw nito. At gaya ng hinala niya ay nagsabi na itong maghahanap na talaga ng trabaho. Isa lamang ang pakiusap niya rito: bigyan pa siya ng kaunting oras. Tumingin lamang ito sa kanya, tinging puno ng pananampalataya sa kanya, saka tumango.

And it was enough for his heart to swell.

They ate and then made love and when he woke up the next day, his breakfast was already waiting for him, so were the clothes he was going to wear for the interview. She kissed him for good luck and he was so sure he was going to bag the job.

So it was quite a shoot down when he got rejected yet again. He couldn't believe he told the one who interviewed him—a woman at least five years younger than he was and couldn't even speak straight English—he was willing to work any job the company had for him. Never in his entire life did he think he would almost beg for a job. Alas, he was told he would be given a call if a higher position were vacated, for the job was simply not fit for someone with his credentials.

Nais niyang sabihing dapat ay sinabi na nito iyon bago pa man siya ma-interview, subalit sa huli ay nagpasya siyang umalis doong dala pa rin ang dignidad niya. Nagpasalamat siya at umalis na.

He was a desperate man. Ayaw muna niyang umuwi at hindi niya makuhang sabihin na naman kay Flor ang nangyari. He hailed a cab.

"Saan po tayo, Boss?"

"Kung saan may trabaho," nasabi tuloy niya.

Natawa ang matandang driver. "Naku, hindi eroplano itong taxi ko, Boss. Sa ibang bansa lang may trabaho."

Ilang ulit na ring pumasok sa isip niyang sa ibang bansa maghanap ng trabaho subalit hindi naman niya maaaring iwan si Flor. Isa pa ay hinihintay niyang magbago na ang isip ng kanyang mga magulang. Naniniwala pa rin siyang darating na iyon.

"Malaki po ba ang kita n'yo sa taxi na ito?"

"Barya lang, Boss. Hindi kasi akin itong taxi. Maganda ang kita rito kung sa 'yo ang taxi. Kikita ka rin siguro ng isang libo isang araw kung masipag ka. Ang sistema kasi, mahigit isang libo na ang boundary ko rito. Kung akin ito, eh, di malinis na ang isang libo ko isang araw."

"May alam ba kayong puwedeng kunan ng taxi?"

"Aba, ayos kayo, Boss, ah! Meron naman. Iyong kompanya ko dati, nagbebenta na ngayon ng taxi dahil nagkakagulo ang management. Balita ko ay may ilang unit pa roon. Maganda na iyon, may linya na. Napakahirap pa naman ngayong kumuha sa LTFRB ng prangkisa."

"Sige po, doon n'yo ako dalhin."

"Areglado, Boss."

After an hour, he had already talked to the taxi operator and was on his way back to Flor with the good news.

___

Like my page: www.facebook.com/vanessachubby

The Romance Tribe: www.facebook.com/theromancetribe

Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now