Chapter 43

11.8K 429 57
                                    

Sinabi nang nakakaasar ang pa-update nang pa-update. Kaya tuloy nagtatagal. "Sana tapos na next update." O, eh di lalong hindi tapos. Beh.

___

ZEPH,

Hindi na ako kasosyo sa grocery namin sa San Dionisio. Pakiusap kong sana ay hayaan mo na lang ang mga pinsan ko. Wala naman silang ipinakitang masama sa iyo kahit minsan, hindi ba? May dadalhin sa iyo si Dina. Katibayan iyon na hindi na ako kasosyo sa kanila.

Ayoko sanang umabot pa sa ganito na kailangan kong magtago pero kailangan kong gawin para sa akin, para na rin sa iyo. Pasensiya ka na sana sa lahat ng nasabi ko noon sa iyo. Sana, dumating ang panahong hindi ka na magagalit sa akin.

Sana rin ay huwag mo na akong hanapin. Gusto ko sanang matahimik na tayong pareho. Balak mo na yatang pakasalan si Sophie? Good luck sa inyong dalawa.

Mag-iingat ka parati.

Flor

Hindi na mabilang ni Zeph kung ilang ulit na niyang nabasa ang sulat subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Flor. Kahapon ay personal siyang nagtungo sa mga ito subalit wala ito roon. Hindi alam ng ina nito kung nasaan ito at galit sa kanya. Bakit daw kinailangang umalis ng anak nito nang ganoon na lang. Siya lamang daw ang maaaring maging dahilan.

Nakausap niya si Dina. Maging ito ay galit sa kanya bagaman pormal siyang hinarap at ibinigay sa kanya ang isang brown envelope na naglalaman ng lahat ng resibo at kasulatan, at perang siyang ginamit pala ni Flor sa pagsisimula ng negosyo ng mga ito.

Naniniwala siyang hindi alam ng mga ito kung nasaan si Flor sapagkat nasa karakter nitong protektahan ang mga mahal nito sa buhay. And it pained him that she probably saw him as a monster.

Yes, it was his intention to make her life a living hell, like she did his, but he never really planned on sabotaging that business she started with her cousins. Hindi siya ganoon kasama. He just said that because he knew how much she cared about the people she loved. And he was right. She believed him.

Of course he hated her. He hated her to high heavens. But with that hatred came his need to be with her because he was still very much in love with her. Hindi ganoon kabilis mawala ang damdaming iyon. Tila walang pag-asang mawala kahit kailan.

He wanted her to regret everything she said to him. He wanted her to see what he had that she no longer would have. Kaunting tiis na lamang kasi ay hindi pa nito ginawa noon, samantalang siya, mula sa pagiging hari ng kanyang emperyo ay bumaba sa pagiging taxi driver.

Didn't she realize he was not going to let her live a life like that for long? Kung kailan nakausap na niya si Narciso at nakipag-ayos na rito ay saka ito nagsalita ng ganoon—inalis pati dignidad niya.

If only she knew he truly wanted to forget about her and use his anger for him to be reminded of what kind of a woman she was, but failed, maybe she was going to laugh at his face and tell him what a big idiot he was.

Yes, one time she saw him with another woman but he never had sex with her. He only wanted her to realize she was worth nil in his life. In front of her, he told Sophie jokes that would make her think he was thinking of settling down again—but this time with another woman.

Too bad he couldn't pretend that long because he went to her room and made love with her. All he wanted for his birthday was to be with her. How pathetic.

God! Didn't she know she was the only person in this whole world he told all his feelings to?

Unti-unti nang nabura ang galit niya. Panaka-naka na lamang. At para siyang gagong gustong sabihin ditong baka maaaring sumubok uli sila. That was probably the dumbest thing he had ever thought of. And now she was gone. He didn't have a clue where she was.

And he was worried about her. So damned worried.

Nasisiguro niyang makikita pa niya ito sapagkat hindi siya titigil hanggang makita uli niya ito. Subalit hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nagkita na uli sila. He was sure of one thing though: he was through making her feel miserable.

Siya rin ang nahihirapan kapag nakikita niyang umiiyak ito. Kapag may nasabi siyang alam niyang nakasakit dito, siya rin ang hindi mapakali. But his pride wouldn't let him say he was sorry. So he just apologized the only way he could without saying a word—make her feel how much he wanted her and how much he needed her.

But maybe she didn't realize that, for how could she? He kept contradicting it with his words.

Hindi pa niya alam ang hakbang na gagawin para hindi ito malayo sa kanya kapag nakita na uli niya ito pero natitiyak niyang hindi ito dapat mapalayo sa kanya. That was just the thing—he needed her near.

Saka na lamang niya pag-iisipan ang bagay na iyon. Sa ngayon, kailangan niyang makita uli ito. Pero hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maghanap. Nang umalis ito ay wala na siya. Ang sabi lang ng guwardiya ay sumakay raw ng FX at ang sabi ay babalik din.

Flor, where are you? He sighed.

Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now