Chapter 34

7.6K 475 28
                                    

"MABUTI naman. Kanina, nakita ko si Attorney Purificacion. Naaalala mo pa ba siya? Iyong naikuwento kong judge dati sa contest?" wika ni Flor kay Zeph.

Tumango siya. Naaalala niya ang lahat ng ikinuwento nito sa kanya, partikular ang Atty. Purificacion na iyon na ayon na rin kay Flor ay siyang naging dahilan kung bakit napaluwas ito sa Maynila. The man made an indecent proposal to her.

Nagkibit-balikat ito. "Hanggang ngayon, may gusto pa rin sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What did he say?"

"Ganoon pa rin, niyayaya pa rin ako. Ibabahay raw niya ako."

There was a knot that formed at the pit of his stomach. At the back of his mind, he knew he was not going to like this. "And what did you tell him?"

"Wala. Ano'ng sasabihin ko roon?" Tumawa ito. "Pero naisip ko, sana pala, nagpaganoon na lang ako sa kanya noon." She poked her leg with her forefinger twice, referring to sex. "Eh, di sana, sitting pretty ako ngayon."

He was shaken. His bile ducts raged but he couldn't say anything. She went on.

"Masyado kasi akong maprinsipyo noon, eh. Pero ngayon, wala na. Naisip ko, hirap na hirap na nga ako sa buhay, kung magpapakatino pa ako, walang mangyayari sa akin. Ikaw, akala ko naman, mapapabuti ako sa 'yo. Hindi pala."

Once again, she poked her leg twice with her finger. "Nagpaganyan pa ako sa 'yo, wala naman pala akong mahihita." Nagbuga ito ng hangin, astang suyang-suya. "Itinapon ka ng matapobre mong mga magulang dahil sa akin. Ako tuloy ngayon ang nagpapalamon sa 'yo. Pesteng buhay 'yan. Akala mo naka-jackpot na, lalo pa palang nabaon sa hirap."

He stood up, although he had no idea how he was able to when his knees felt so weak with so much rage. Ang nakakuyom na mga kamay niya ay naisuntok niya sa mesa, tumaas-baba ang kanyang dibdib. He wanted to hit her, but he couldn't. She just grabbed his heart, his ego, and his soul with her hand and pierced them with razor-sharp nails, and ruthlessly stepped on them over and over again.

He could feel tears falling from his eyes because he was raging mad.

"Take back those words," he demanded.

Muli, tila suyang-suyang nagbuga ito ng hangin. "Totoo lang ang sinasabi ko. Akala ko, naka-jackpot ako sa 'yo, miserable pala ang labas ko. Akala ko, hindi ka matitiis ng mga magulang mo, pero natiis ka rin pala. Wala na akong pag-asa sa 'yo kaya magkatapatan na tayo. Gusto na kitang isauli sa mga magulang mo, eh. Kung ganoon kaya ang gawin ko? Bigyan kaya nila ako ng pera? Ano sa tingin mo?" Nakakaloko pa itong tumingin sa kanya, hinubad ang singsing na bigay niya rito, saka ibinato iyon sa kanya. Nasalo niya iyon. "Umalis ka na, wala na akong planong magtiyaga sa 'yo."

His very soul that she had crushed, she now pierced the pieces so violently. He trembled with rage. Hinaklit niya ang braso nito, hanggang sa mapatayo ito. And he saw in her eyes a glimpse of fear, and for a split second, tenderness. It came and went so fast he was a hundred percent sure he only imagined it. For how could such emotion pass through the eyes of this woman?

"You are worse than a whore, do you know that?" he said.

"U-umalis ka na."

"You are going to regret this. Mark my words, you bitch." Marahas na binitawan niya ito at walang lingon-likod na umalis na roon.

He hailed the first cab he saw and asked the driver to take him to his hotel. Pagtapak pa lamang niya roon ay sinalubong na siya ng doorman.

"Pay the cab," he ordered. Diretso siya sa front desk. "Where are my keys?" Iniabot kaagad iyon sa kanya. Tuluy-tuloy siya sa unit niya at doon ay tinawagan ang kanyang ina. "I'm back."

"Welcome back, hijo."

"We'll talk tomorrow." Ibinaba na niya ang telepono. He just sat on a chair, not bothering to turn the lights on.

He sat there for hours, as still as a boulder. It was as if the past months were scenes from a movie. Every scene he remembered so vividly. Flor put on a damned good show. He was but her puppet. "Hate" was so weak a word to describe what he now felt for her. And he vowed to make her life as miserable as possible.

She had better be ready when the right time came.


Basa nang basa pero ayaw i-like my page? Like na.

www.facebook.com/vanessachubby

www.facebook.com/theromancetribe

Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now