Chapter 23

7.2K 339 10
                                    

NATETENSIYON si Flor sa ubod-habang katahimikan sa sala ng mga McNally. Tapos na silang lahat na maghapunan at ilang na ilang siya sa hapag. Hindi nakaligtas sa kanya ang makailang ulit na mapang-uring pagsulyap sa kanya ng ina ng binata. Hindi pa man ay nanghihina na ang kanyang mga tuhod. Nahuhulaan na niyang hindi sa maganda magtatapos ang usapan.

Kasasabi pa lamang ni Zeph sa mga magulang nito na engaged na sila. Wala ni sinuman sa mga ito ang nakapagsalita. Ang ama nito ay blangko ang mukha, ang ina naman nito ay hindi maitago ang pagkadismaya.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Zeph. Hindi niya alam kung nagbibigay siya ng suporta o kumukuha siya niyon doon, pareho marahil.

"Look, it's not going to be soon," patuloy ni Zeph. Nakangiti pa ito. "Flor is going to study, I'm going to expand the business. I just thought you, guys, should know."

Wala pa ring nasabi ang mga ito. Para nang may alambreng nakatusok sa kanyang likod. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo niya pero hindi naman makatingin sa dalawang matanda. Ang hiling niya, sana man lang ay magsalita ang mga ito.

"I never expected you will treat us this way," mayamaya ay wika ni Zeph. May bahid ng galit ang tinig nito. "Flor, let's go—"

"Look at that ring," sa wakas ay wika ng ina nito, nakatingin sa kanyang kamay. "It's not the family heirloom I've always thought you'd give your fiancée, Zeph."

"Yes, it is not. If you want me to give her the ring, we'd accept that."

"What made you think I would give it to you if you're going to give it to her?"

"I thought we already talked about this? It was a mistake to come here. Good-bye. Flor—"

Ang ama nito ang nagsalita sa puntong iyon. "Son, do you think this woman loves you?"

"Yes, I do."

"Flor, do you love my son?"

"Y-yes, S-Sir."

"Would you love him if he was not Zeph McNally?"

"Daddy!"

"It's just a curious question, Zeph. Because we are taking back everything we have given you if you go on with this farce."

Hindi nakatugon kaagad si Zeph. Nang tingnan niya ito ay kitang-kita niyang namumula na ang mukha nito, tila tinitimping maigi ang galit.

"We are sorry. We don't believe this woman loves you at all. No offense meant, but we don't trust you," wika sa kanya ng ina nito. Napaiyak na siya. Ang bigat-bigat ng dibdib niya at hindi na niya nakuhang pigilan pa ang mga luha.

Masakit pakinggan, masakit tanggapin sa sikmura ang harapang pagsasabi ng ganoon sa kanya ng matanda. Subalit lalong masakit sa kanyang makitang dahil sa kanya ay kailangang dumaan sa ganoon ni Zeph. Ibig niyang magsalita subalit wala siyang maapuhap na anumang sasabihin. Para bang kinikiskis ng liha ang kanyang lalamunan sa naipong luha roon.

"The presidency is yours then. I don't need it," wika ni Zeph.

"Z-Zeph..." naguguluhang sambit niya.

"And the hotel?"

"Is mine."

"Technically it is. But where did you get all the money you built it from?"

"Then I'm giving it back to you as well."

"Your cars, your bank account, your credit cards, everything you have, we want them all back," mariing wika ng ama nito, halatang galit na rin. Patuloy lamang siya sa pag-iyak, hindi makapaniwalang sa ganoon nauwi ang lahat nang dahil sa kanya.

"You are going to have them all back."

"Zeph, please don't do this," wika ng ina nito, tila napapaiyak na rin. "It would break my heart—"

"You've broken mine, if you still haven't noticed, but I'm going to show you that Flor loves me. And I want you two to apologize to her when we have proven you wrong. Can I have your word on that?"

"Zeph, hijo..." anang ina nito.

"Do I have your word on that?" mariing wika ni Zeph.

"Yes," tugon ng ama nito. "All you can take with you are your clothes and your personal things. And you better forget about asking your friends for help. You do realize what you're doing, Zeph?"

"Yes. Flor, let's go."

Hilam ng luha ang mga mata na sumama siya rito palabas. Wala pa rin siyang masabi rito. Sa sasakyan ay panay lamang ang hagod nito sa kanyang buhok, panaka-naka ay hinahagkan iyon.

"Sshh... everything's going to be fine."

"Z-Zeph, iwan mo na lang ako. H-hindi mo alam ang ginagawa mo. Pamilya mo ang itinatwa mo. Hindi ka rin sanay na wala ang lahat ng kailangan mo sa 'yo. 'Wag mong ipagpalit ang lahat ng 'yon sa akin lang. N-nabibigla ka lang—" Natahimik siya nang hagkan siya nito sa mga labi.

"I'm a go-getter, Flor, you know that. We can do this. We will prove them wrong. Are you with me?"

"Pero—"

"Sabi mo, mahal mo ako."

"Mahal na mahal."

"Tama na sa akin 'yon."

Niyakap niya ito nang mahigpit, umaasang sa pamamagitan niyon ay maipadama niya rito ang labis-labis na pasasalamat sa pagmamahal nito sa kanya.

---

If you like this story, like my page: www.facebook.com/vanessachubby

The Romance Tribe: www.facebook.com/theromancetribe


Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now