Chapter 67 - War With Who?

57.7K 700 87
                                    


Nanginginig na kinuha ni Sandy sa kanyang purse ang kanyang cellphone.

Kasalukuyan na silang bumabyahe papunta sa pinaka malapit na hospital nang maisipan nyang tawagan si Prince. Maiintindihan naman siguro nito kung bakit sila na ang nagdala sa hospital kay Dychie. Naiiyak pa rin sya. Bakit ganoon? Sino ang gumawa nito sa babae?

Nasa front seat si Aled, at isang guard nito ang nagda drive. Sila ni Dychie ang nasa likod. Ipinahiga nya ito sa kanya. There's blood eveywhere! She was parying for her life. Sana ay hindi pa huli ang lahat pagdating nila sa hospital. She can still hear her breathing, bagamat napaka hina na niyon. Hindi talaga ito kumikibo.

Kitang kita nya kung gaano nanggigigil sa galit si Aled. Hindi nito halos tigilan ang pagbulyaw sa mga guard kung bakit hindi nalaman o napansin ng mga ito na may nangyayari nang ganun sa mismong resort at event nya, at sa babae pa na nagke claim na pinsan nya.

"Why the fuck are you so slow?! There's someone dying! Damn it!" Maya maya ay narinig nyang bulyaw ni Aled sa driver.

"B-boss, b-binibilisan ko na po." Nauutal na sagot ng driver.

"Babe, relax. We'll get there, eventually." Sabi nya. Nang marinig nya'ng nag HELLO si Prince sa kabilang linya. "H-hello, Prince?"

"What do you want to talk about? Asan ka? Okay lang ba kay Aled na mag-usap tayo?" Tanong nito.

Napakagat sya ng labi. Hahayaan nya na muna ang self interest nya sa mga nangyari. "A-ano kasi. Prince, something happened to Dychie.." Mahinang sabi nya.

"What? She was here, she was just outside, taking a walk." Hindi naniniwala na sabi nito.

Humagulhol na sya. "Prince, someone or some people did bad things to her. N-nakita sya ng isang guard na naka handusay sa labas ng pinaka malapit na cottage. We are rushing her now to the hospital. S-sumunod ka na lang."

"What?" Natatawa pa ito. "I-i don't understand, s-she was just here..."

"Please, Prince. We'll find who did this to her, but we need to save her now. S-sumunod ka na lang, okay? We're rushing her to the nearest hospital."

"A-are you serious? Damn it! Okay, i'll be there. God." Sabi nito bago nito patayin ang linya.

Within almost fifteen minutes ay nai rush na sa emergency si Dychie. Pareho silang duguan ni Aled. Hindi sila mapakali hanggang sa dumating si Prince. Humahangos din ito.

"W-what happened? What happened to her? N-nasan si Dychie?"

"She was beaten." Sagot nya. Napansin nya na lumayo si Aled, umupo ito sa hilera ng upuan na halos 5 meters ang layo sa kanila ni Prince. "S-she was beated so hard. N-nakita sya ng isa'ng guard sa nearby cottage. Tapos tinawag nya na si Aled, we came there and rushed her here as soon as possible." Nanginginig pa rin sya habang nagsasalita.

Napasabunot si Prince sa buhok nito. "Damn! S-she was just taking a walk.. i mean she told me she was just going to take a walk, or go outside. Ibinilin ko pa nga na huwag syang lalayo, na dun lang sya sa lugar kung saan makikita sya ng mga guard. Stubborn girl!"

"I-ikaw lang naman ang kasama nya diba? Bukod sa ating tatlo, may kakilala ba sya sa party? I mean, may nakilala ba sya sa party ng ngayon lang din?"

Umiling si Prince. "No, but she told me na may certain girl na Jade ang pangalan ang matagal nya ng kaibigan ang imi-meet nya sa party na iyon."

"Jade? Jade what?" Agad nyang tanong. "W-we can look at the guest list."

"No, naaalala ko na. Jade Valerio. Tama, it's Jade Valerio. Can you please ask Aled if he knows someone with that name?"

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon