Chapter 29 - The Other Story

106K 1.1K 24
                                    

"Boss, baka mapatay mo na yan." Hindi na napigilan ni Wilson ang paalalahanan si Aled. Halos isa'ng oras na nito'ng binubugbog ang di-umano ay isa sa mga mastermind ng pagpapadukot kay Sandy.

Halos malumpo at hindi na makilala sa mukha ang lalaki. Isa'ng malakas pa na suntok ang binigay nito sa lalaki bago ito tuluyang tumalikod at nagpunas ng kamay upang matanggal ang dugo roon.

"I'm done. Dalhin nyo yan sa pulis. Kasuhan nyo ng kidnapping at frustrated murder." Itinapos pa ni Aled ang towel sa mukha ng lalaki.

Lumabas sila sa mismo'ng warehouse kung saan dinala ng mga ito si Sandy. Pinagbuksan nila ng pinto ng kotse si Aled. Inabutan ni Wilson ng alcohol si Aled na ibinuhos nito sa mga kamay nito at umalis na silang lahat doon.

Pinapunta na ni Aled sa hospital kung saan dinala si Sandy ang driver.

He was worried sick. Kung hindi pa nila na trace ang tawag ay malamang na malaman na ng mga magulang nya at ni Sandy ang pagkaka kidnapped dito. Uuwi na mula sa Canada ang parents nya in two day's time.

He saw Prince holding Sandy's hand when he went in. Nakapikit pa rin ang asawa nya. Awang awa sya rito. May sugat ito sa mga kamay at paa nito. Her face was swollen, as if someone hit her many times in her cheecks.

Dahan dahan na binitiwan ni Prince ang kamay ni Sandy ng mapansin na nakapasok na si Aled. Tumayo ito.

"S-sabi ng doctor, wala naman daw bali sa mga buto nya. External ang lahat ng bruises nya. Kailangan nya lang daw ng pahinga. Hindi pa raw nila alam kung magbubunga ng trauma kay Sandy ang nangyari." Paliwanag agad ni Prince sa kanya.

Tumango lang sya. Hindi nya alam ang sasabihin. Magpapasalamat ba sya dito?

They traced the call but Prince came first. Hindi nya alam kung paano nito nalaman ang nangyari pero nawala ang lahat ng hinala nya na ang Chiamera ang kumuha sa asawa nya ng makita nya na lang na karga nito sa mga bisig nito si Sandy. Wala ito'ng malay at puno ng dugo.

He was stunned for a moment pero alam nya na wala ng panahon para pagsabihan nya ng masama ang lalaki. He was there first. Hinayaan nya na ito'ng dalhin sa hospital si Sandy while he took care her kidnappers.

"Sa tingin ko, k-kailangan malaman ng mama at mga kapatid ni Sandy ang nangyari." Mahinang sabi ni Prince.

That's what he tought too.

Ayaw nya lang isipin ng pamilya ni Sandy na nagkulang sila sa security kaya na kidnapped ang asawa nya. Good thing that the kidnappers were not professionals or from the underground society. Walang nakakakilala sa mga ito. He was thinking na randsom money lang talaga ang gusto ng mga ito.

"I'll go first." Maya maya ay sabi ni Prince.

Nasa pinto na ito ng magpasalamat sya dito. "S-salamat, Prince."

Nilingon sya nito. Ngumiti ito at tuluyan ng umalis.

Tiningnan nya si Sandy. He sat next to her.

Natural lang naman na mag-alala sya rito pero ngayon lang sya nakaramdam ng ganito katinding pakiramdam. Kung hindi sya pinigilan ni Wilson ay malamang na napatay nya na ang mastermind ng pagkaka kidnapped kay Sandy.

He never imagine na makikita nya ang babae sa ganoong kalagayan. Wala ang sigla nito. Payapa lang ito'ng nakapikit habang may dextrose na naka kabit sa kamay nito. Inilabas nya ang kanyang cellphone. Alam nya na kailangan ni Sandy ang mama at ang mga kapatid nito.

---------------

"Damn it! Ngayon ko lang naalala!" Halos magwala na si Prince ng mapansin nya na nawawala ang cellphone nya. Hindi nya alam kung saan ito nawala o kung nawala ba talaga. Puno ng pag-aalala kay Sandy ang kanyang utak kaya hindi nya na talaga naalala na mahawakan man lang ang cellphone nya.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon