Chapter 24.

105K 1.5K 47
                                    

"Ha?" Natigil ang pag pihit nya sa seradura ng pintuan papasok sa kwarto nya.

"Sleep with me tonight. I'll wait." He winked then went inside his room.

Hindi kaagad na process ng utak ni Sandy kung ano ang nangyari. Did her husband just asked her to sleep with him to night? Did he just winked at her? ANYAREEEE?!

Nakapasok na sya sa kwarto nya pero hindi nya alam ang gagawin. Pupunta ba sya? Wala naman sanang problema. Alam nya naman na hindi mapagsamantala si Aled. Natulog na silang magkasama before, diba? Nung okay na okay pa sila. Ano'ng gusto nitong palabsain ngayon?

Nag half bath sya at nagpalit ng pantulog. May ilang piraso sya ng ternong pajamas at comfortable naman sya na suot ang mga ito tuwing matutulog sya. Hindi nya alam kung ilang minuto na syang nakaharap sa salamin bago magpasya na payag sya.

"Sleep with me tonight, I'll wait."

"Sleep with me tonight, I'll wait."

"Sleep with me tonight, I'll wait."

Paulit ulit na nag echo sa isip nya ang sinabi nito at ang pag kindat nito.

Nag tootbrush muna sya at nagwisik ng kaunting cologne bago lumabas ng kwarto. Nang nasa harap na sya ng pintuan ng kwarto ni Aled ay napatigil na naman sya. Kakatok ba sya o bubuksan nya na lang ang pinto?

Mahina syang kumatok ngunit hindi sumagot si Aled kaya dahan dahan nya ng pinihit ang seradura at pumasok. Tanging ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob. Nakita nyang tulog na si Aled. Yakap yakap nito ang isa'ng unan nito.

Napailing sya. HIHINTAYIN DAW SYA TAPOS TINULUGAN SYA.

Dahan dahan syang umupo sa gilid ng kama nito. Tila naman naglaan talaga ito ng space kasi nasa bandang kaliwa lang space na na occupy nito sa kama. Pinagmasdan nya ang pagtulog nito. He looks so peaceful. Kung pati ba naman sana pag gising ito eh peaceful rin ito. Pero kabaliktaran.

Dare devil na ang tawag nya rito. He races for fun. Tapos, may underground organization pa ito! Jusko. T_T

Unti unti syang humiga patalikod dito. Makatulog kaya sya?

-------------------------

Ala una na ng maalimpungatan si Aled. Nilingon nya ang kabilang side ng higaan nya at bahagyang napangiti ng makita ang asawa na payapang natutulog. She looks so cute with her floral pajamas on. Pero syempre ay hindi nito alam na ganoon ang naiisip nya rito.

Who would know? He doesn't really like expressing his self too much or explaining his side too. Hindi nya naman inaasahan na maintindihan sya ng mga tao sa paligid nya dahil alam nya na masama na rin naman ang tingin ng mga ito sa ugali nya.

They were fine last week. Umalis lang naman sya para magpalamig dahil bahagyang nakasagutan nya ang mama nya ng dumating ang mga ito. Isa pa, alam nya na kakausapin sya ni Sandy tungkol dito kaya umiwas muna sya. He doesn't really like to be manipulated.

Then, what? Nang umuwi na sya, nalaman nya na umalis si Sandy at nakipagkita kay Prince.

Prince used to be his best buddy but things were different now. Bakit kailangang makipagkita ng asawa nya dito? Mabilis na umiinit ang ulo nya kaya kung ano-ano ang nasabi nya kay Sandy. Damn his impulsiveness. Hindi nya alam kung possessive lang talaga sya o ayaw nya lang talaga na naghahang out ang dalawa.

He feels protective for her. Some informant told him that Sandy went out with her friends and Prince too, and that they also saw some of his Uncle Robert's men. Alam nya na malaki ang possibilidad na saktan ng Uncle nya si Sandy since ito ang naging susi upang makuha nila ang Clandestine at hindi sya papayag.

Kasehodang kamuhian na naman sya ni Sandy.

Pero hinahanap hanap nya ang comfort at magaan na pakiramdam kapag pinapatawa sya nito, kapag malambing ito sa kanya. Hindi nya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman nya tuwing malapit si Sandy sa kanya. Natural lang ba ang lahat ng iyon?

Everything is new to him.

He caressed her face. Bahagya ito'ng gumalaw. He put his arms in her neck and pulled here next to him. Napayakap ito sa kanya, and he hugged her too. He kissed her in the forehead and went back to sleep.

----------------

Alas sais na!

Automatic na nagmulat ng mata si Sandy ng marinig ang alarm ng cellphone nya at nagulat ng ang mga labi ni Aled ang bumulaga sa kanya. They were hugging! Kailan pa?!

Nakiramdam sya. Sya ba ang unang yumakap? Impossible na si Aled ang nag impose. Pero kung sya, bakit hindi nya matandaan? Nawawala ba ang hiya kapag tulog ang isang tao?

They were so close. Bakit sya kinikilig? Bakit sya ngumingiti?

Huminga sya ng malalim bago unti unting inaalis ang pagkakayakap sa lalaki. Muntik na syang mapasigaw ng gumalaw ang kamay nito at muling ibinalik ang brasok nya s apagkakayakap dito.

"Let's sleep for five more minutes." Sabi nito na hindi pa rin nagmumulat.

HANUDAW?!

"Alas sais na. Baka ma-late tayo." Mahinang sabi nya.

"Hindi yan." Halos bulong na lang na sagot nito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Okay, fine. Hindi naman sya ang may kasalanan. Papatidin nya na lang ito kapag nagawa pa nitong buysitin o inisin sya buong araw.

Ilang sandali pa ay tila automatic ito'ng tumayo. He was just wearing a black racer back sando revealing his lean body at piting jogging pants. Gulo gulo ang buhok nito but it made him look more gorgeous. Tumayo na rin sya at inayos ang hinigaan nila.

Ilang sandal lang ay lumapit ito sa kanya at hinalikan sya sa noo at smack sa labi.

"You look stunning." Nakangiti na sabi nito.

Nangunot ang noo nya. "May sakit ka ba?" nagtataka na tanong ko.

He laughed. "No." Ginulo nito ang buhok nya.

"O-okay.." Nagtataka na lang sa sagot nya. Nang tumalikod ito para kunuha ng twalya ay agad nyang dinama ang labi nya. Shet!

"I'll take a bath now. Maligo ka na rin. Let's have breakfast together." Muli sya nitong binigyan ng smack sa labi bago tuluyang pumasok sa sariling banyo nito sa kwarto nito

NAKA DRUGS BA SI ALED?! O.o

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon