Chapter 61 - Chances.

66.1K 863 42
                                    


Okay na ang lahat. They are together again, they're crying and hugging.

He even heard them said their I LOVE YOU'S!

Prince couldn't bear the sight. Unti unti syang tumalikod at naglakad palabas sa gate ng Orion kung saan naka parada ang kanyang escalade. Hindi nya talaga ipinasok sa loob upang hindi na mapansin pa ng iba at madali sya makauwi. Hindi nya na rin naman inaasahan na sya ang mag hahawak ng mission.

Bamagat hindi na kasing sakit ng dati, masakit pa rin. He can't torture his self anymore. He's moving on now and he plan to succeed.

Ipapasok nya na sana sa ignition ang susi ng kotse nya ng bumukas ang pintuan sa passenger's seat ng escalade. Tumambad sa kanya ang nakasimangot na si  Dychie.

"Iiwan mo ko, seriously?" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito.

Yeah, he forgot. "Aw. I'm sorry. Hop in." Sabi nya na lang bago tuluyang i-start ang kotse.

Nang makita na maayos na ang pagkakaupo ng babae ay pinaharuruot nya na ito. Gusto nyang mawala pansamantala. Kung hindi nya siguro kasama si Dychie ay sa airport na sya dumiretso. Idadaan nya na muna ang babae sa pad nito bago bumalik sa pad nya at mag empake.

"Ano'ng plano mo ngayon?" Maya-maya ay tanong nito.

Nangunot ang noo nya at sinulyapan ito saglit bago muling ibalik sa kalsada ang tingin. "What do you mean?"

"I mean, o-okay na sila ulit.." Hindi na nito matuloy ang sasabihin nito.

Bumuntong hininga sya. "Yeah. I wish them the best. I just have to unwind. Pagkahatid ko sayo, mag eempake lang ako then i'll go somewhere."

"Saan naman yang somewhere na yan?"

Nagkibit balikat sya. Hindi nya pa rin naman alam. Bigla bigla na lang syang nagdedesisyon ngayon. Bahala na.

Hindi na ulit nagtanong si Dychie.

Nang marating na nila ang building ng pad nito ay pinilit sya nitong bumaba at uminom. Alam nyo yung feeling na kahit ano na lang, basta may magawa? That's what he feels that time. Para syang wala sa sarili. Bahala na lagi ang sagot nya.

Ginusto nya na rin naman uminom. Kailan ba nasayaran ng alak ang lalamunan at tyan nya? Last week? 2 weeks ago? Hindi nya na matandaan. Halos lahat ng oras iginugugol nya sa Chiamera at negosyo.  Kaya nagulat rin sya ng tawagan sya ni Dychie at nagpapasundo.

Naghahanda na sya noon para pumunta sa mansion ng mga Santillan, since gusto rin nito pumunta doon, sinundo nya ito. Kasama nito ang daddy nito and turns out, niregaluhan nito ang anak nito ng house and lot. Hindi lang masyado na aappreciate ni Dychie dahil nag-aalala rin ito kay Aled.

Sa dami ng iniisipi nya ay sumagi rin sa isip nya kung ano ang gagawing paliwanag ni Aled o ni Sandy kung bakit andoon ang lalaki? Magsasabay ba ang mga ito umuwi? Haay. Kung nakakapagod magmahal, mas nakakapagod mag move on habang nag-aalala ka sa taong gusto mo ng pag move-on-an.

Nang makapasok na sila sa pad nito ay ihinagis sa kung saan ni Dychie ang dala nitong clutch bat at dumiretso sa bar. Kaagad din ito'ng kumuha ng dalawang baso at nilagyan ng yelo bago namili ng alak. Scotch na naman ang napili nito.

Umupo sya sa sofa at nagmuni-muni habang hinihintay ito. Ilang sandali pa at dumating si Dychie na may dalang tray. Andun na ang isang bote ng scotch, yelo, dalawang baso at isang bowl ng falvored chips.

"Hayan. Iinom na lang natin yang nararamdaman mo." Masiglang sabi nito. "And para magpasalamat na rin ako sayo sa ginawa mo'ng favor."

Umiling sya. "Walang kaso sa akin yun." At agad na tinungga ang laman ng hawak na baso. Ah. Napakapait noon pero kakaiba ang dating sa kanyang lalamunan. Siguro kasi sabik lang talaga sya sa alak.

"So. If you want to have a vacation, i suggest Batanes..."

Madaming litanya si Dychie. Pero isa lang ang napansin nya. Kakaiba ang aura nito that particular moment. Parang nahahalina sya...





"Hello, Santillan Residence!" Attentive na sagot ni Aileen sa telepono.

"AIleen. This is Aled." 

Nanaki ang mga mata ng katulong ng marinig ang boses na iyon. "S-senyorito?"

"Yes. I'm fine. Are they there?" Kunyari ay tanong nito.

"O-opo! Nasa kwarto na po sila senyora at senyor. pero si Senyorita, nasa hotel ho tumutuloy."

"Okay. Tell them i'm fine and that i'll go home in a while. Ipatigil na nila ang pulis sa paghahanap sa akin."

"P-po? senyorito?"

"Just do it. What hotel does Cassandra stays in?"

"S-sa La Vera ho sir."

"Okay. Just thell them that now. Uuwi na ako mamaya, susunduin ko si Cassandra."

Yun lang at nawala na ito sa kabilang linya.

Agad na tumakbo si Aileen paakyat upang ibalita sa mag-asawa ang magandang balita.

Ilang sandali pa at ang lahat ng tao sa mansion ay gising na.



"Are you sure this will be fine?" Mahigpit ang pagkakahawak ni Sandy sa kamay ng asawa habang papalapit na sila sa mansion.

He smile and nodded. "It's okay. Don't worry." He drawn her near and kissed her in the forehead.

Pauwi na sila. Ito ang nag-isip ng paraan. Kunayri ay tumawag ito sa mansion para tanungin kung saan sya tumutuloy, para walang duda kung bakit magkasama na silang uuwi. ANg gusto nya nga ay mauna na ito at kunyari ay patawagan na lang sya para sabihin kunyari na nandoon ito, pero sinunod nya na lang ang lalaki.

Ayaw nya daw mapeke ang pagkikita na naganap sa kanila kanina.

Yeah, ang magical na moment na iyon kung saan walang kiyeme na sinabi nyang mahal na mahal nya ito at kung saan sumagot rin ito na mahal rin sya nito. Ayaw nya rin mapeke iyon kaya sumunod na lang sya.

Nang makita ito ng mag-asawa ay mahigpit itong niyakap ng dalawa. Namumugto pa ang mga mata ng Donya. He explained simply na may gusto nga kumidnap dito at nakatakas tio bago maisakay sa sasakyan at nagpasyang magtago at huwag munang umuwi upang masiguro na makakauwi sya.

Aled maintained his cold expression, pero hindi nya maisip na ipinapakita rin nito na hindi ito skilled pagdating sa ganoong sitwasyon.

Ang mag-asawa na ang tumawag sa mga police upang sabihin na naroon na ang anak ng mga ito. Hindi rin sila nagtagal at umakyat na sila. Hinila sya nito sa kwarto nito.

Pagkasara na pagkasara ng pinto, hindi nya inaasahan ang sumunod na ginawa nito.

He pulled her then kissed her torridly and deeply. 

Bago nya pa mamalayan, he's all over her. Then she returned the heat.

And the rest?

It's history... 


----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon