Chapter 62 - Just "LIKE" Married.

65K 775 29
                                    

Dychie woke up when they ray of light from the sun hits her face.

Sapo ang kanyang ulo na bumangon sya at umupo sa gilid ng kama. Parang pinupukpok ang ulo nya sa sakit. Hindi pa sya makadilat ng maayos. Gusto nyang bumalik sa pagkakahiga ng muntik ng mapasigaw sa nakita.

Si Prince. He was with her in the bed!

Noon nya lang na realize na nakatapis lang sya ng kumot. So is Prince. Bagamat naka higa ito patalikod sa kanya ay hindi sya tanga para hindi maisip kung ano ang nangyari. Nanghina sya ng makita ang stain ng dugo sa bedsheet.

"Fuck." She cursed her self.

Did she really do it? Did they really do it?

Pumikit syang muli at pilit inalala ang mga nangyari. Sana, hindi. Sana panaghinip lang ang lahat at sana, magising sya.


Muli nyang nilagyan ng scotch ang baso ng lalaki ng makitang ubos na iyon. Paubos na ang isa'ng bote at kataka taka na tila hindi pa sya lasing. Hindi pa rin slow motion ang galaw nilang dalawa. Nilagyan naman nito ng dalawang ice cubes ang baso.

Kinuha iyon ni Prince at muling sumimsim sa baso.

"Aba, at talagang ang lakas mo uminom." Sabi nito.

"Oo naman, nagte-training 'to." Biro nya.

"Ang daddy mo, malakas rin uminom. Nakikipagsabayan sa aming mga bata pa. May pinagmanahan ka talaga." 

"Oo nga, eh. Si mommy, patikim tikim lang yun ng alak pero hindi nya naman ako pinagbawalan uminom kahit noon pa, alalay lang talaga." Kwento nya.

"Maybe isa na iyon kung bakit hindi ka lumaki ng rebelde." Sabi nito.

"KUng may kapatid sana ako, edi sana palagi ako'ng may ka jamming sa mga ganito."

"What about you friends?" Tanong nito.

Nagkibit balikat sya. "In Paris, i had a lot of friends there, mas comfortable ako sa kanila, but here, kahit ilang buwan na ako rito, I meet some people pero hindi ko rin sila gaano nakaka close. More of the gimik type sila. Ako kasi, variety."

"Looks like it." Sabi nito.

"Kaya mas convenient sana kung may kapatid ako." Nakangiti na sabi nya.

"About that, pwede mo naman ako'ng ayain kung hindi ako busy. I would love to." Sabi pa nito. Nakangiti at maaliwalas ang mukha ng lalaki. Kung ganito ito palagi, malamang na bumalik ang pagkaka gusto nya rito... teka, nawala nga ba?

"Really?" Natuwa sya sa narinig.

"I would invite some of my friends too para makilala mo rin sila, kung okay lang sayo?"

Tumango sya. "Oo, naman."

Ilang sandali pa at naubos na nila ang isa'ng bote. Tumayo na si Prince.

"I think i better get going, Dychie. Thanks for your time."

"Ah, w-wala yun. I-ikaw nga dapat pasalamatan ko. Nakatakas ako kay Daddy dahil sayo."

Natawa sila.

"I'll walk you to the door." Sabi nya.

Naunang naglakad si Prince papunta sa pinto. Ipinihit na niyon ang seradura bago muling tumingin sa kanya. She was still wearing her stiletto at marahil ay dahil sa biglang pagtayo ay natapilok sya at napa sandal kay Prince.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon