Chapter 64 - Mind Games.

62.9K 718 33
                                    

Dahan dahan na pinihit ni Sandy ang seradura ng pinto papasok kung saan nila idinala si Sohpia. Dahan dahan nya rin ito'ng sinara ng makapasok na sya. Ang sabi ni Wilson, may dalawang camera sa loob at once na may gawing masama si Sophia, papasok sila, but she doubt it. Nakaupo ang babae sa isa'ng steel chair kagaya ng noong na kidnapped sya.

"So. The wife is here. Bakit hindi nyo pa ako patayin?" Mula sa pagkakayuko ay unti unting tumingin sa kanya si Sophia. She looked wicked. Gulo ang buhok nito at nagkalat ang eyeliner sa mga mata nito.

"I- We won't kill you." Sagot nya.

"I know. Because you're weak."  Sabi nito pagkatapos ay tumawa. "See? Look at your wife, Aled!" She was staring at the camera in that room. "I told you she's weak! Hindi sya pwede sayo! Hindi sya pwedeng maging asawa mo because she's weak!"

"Sophia, stop it! Asawa ko na si Aled. Tumigil ka na!" Sigaw nya rito. Sophia was really crazy!

"So bakit ka andito? at bakit ako nandito?"

"I want to talk to you out of it. Wala kaming gagawin sayo, just let it go. Pabayaan mo na kami ni Aled, please." Kung kailangan nyang makiusap, bakit hindi?

Instead, she laughed. "You're crazy, for thinking i'll just let it go. I have been rooting for you husband since i wasn't even suppose to like somene. Nothing can stop me, no one can stop me." She even said fiercely.

Marrin syang pumikit. She don't think she's strong enough to get a hold of her, or to kill her. Hinding hindi nya gagawin iyon, or ipapagawa sa kahit na sino doon na sanay na sanay ng pumatay ng tao. She just can't.. Alam nyang obsessed lang talaga ang babae sa asawa nya.


"Wala ka na bang sasabihin? Wala ka ng itatanong?" Tila may kahulugan na tanong nito.

Bumuntong hininga lang sya. "You're crazy. You need help. I'll send you to a nearby mental institution." Imbes ay sabi nya, akmang aalis na sa kwarto.

"Oh. I guess, a crazy person like me knows where Prince's parents are.." Ikinalingon nya ang sinabi nitong iyon. "You know, your Prince." Ngumiti ito ng nakakaloko.

"What are you talking about?"

"Don't you know she saw me when he rescued you when you were kidnapped?"

Pumiyok piyok sya.

"You don't even know that he saved you? poor Cassandra. Your husband might have been jealous he never had the time to tell you a story.. or is he?" She was smiling, as if enjoying this mind games.

Hindi sya makapagsalita. Sasakyan nya na lang ito.

"I told him not to tell you, or Aled that she saw me for the prize of telling him where his real parents are. But i guess, he's stupid enough not to care to anyone but you. That bastard!" Nakita nyang nag-iba ang reaction nito, tila galit na galit.

"Is this your way of--"

"Oh yes, it's my way. I have my ways, Cassandra. You can kill me now or expect me to bother you and Aled for the rest of your lives!" Tila tuwang tuwa talaga ito sa ginagawanito.

"Shut up!" Ang tanging nasabi nya. It all came back to her. The way Roberto told her this, and all things about Prince and her sacrifice.

"Can't bear what you hear, my dear? it's real. Si Prince ang nagligtas sayo, sya ang naunang dumating bago ang asawa mo. Didn't anyone told you that?"

Bago pa sya makapagsalita ay bumukas ang pinto at iniluwa si Aled.

"W-what are you doing here?" Agad na tanong nya.

"Let's go." Walang ka-abog abog na hinila nito ang kamay nya palabas. Agad na inilock ni Wilson ang pinto ng makalabas na sila.

"Let me go! What are you doing here? Didn't i--" Binawi nya ang kamay nya sa pagkaka hawak nito.

"Don't listen to her, okay? She's playing with you!" Nang makita nya ang mukha ng asawa ay bumalik sa ala-ala nya ang mga panahon na seryoso ito at walang pakialam sa mundo.

"What the hell! What are you doing" Agad na tanong nya. Biglang nag-iba na naman ang lahat, parang nung dati lang, nung dati na palagi silang nagsasagutan.

Tumingin ito sa taas bago muling nagsalita. "Let's talk at my office." Imbes ay sabi nito.

"Andun na ako eh! Naniniwala na syang wala ako'ng alam." Upset na sabi ni Sandy. Plano nyang paniwalain ito na mag aaway sila ni Aled or what.

"Ano ba ang purpose mo?"

"Eh bakit ka ba nakekealam? Ako ang in charge diba?" Naka nguso na sabi nya.

Bumuntong hininga si Aled. "Okay, okay. Hayaan mo na. Tutal naman eh nakapag decide ka naman na idala sya sa isa'ng mental institution."

Wala syang nagawa at sumunod na lang dito.






Luminga linga si Dychie ng makarating na sya sa looby ng hotel. Pilit nyang sinusuyod si Prince. Nang makita nya ito ay parang wala lang na umupo sya sa harap nito.

"What do you want?" Tinapangan nya ang boses.

Ibinaba nito ang naka dekwatro nitong paa at binabasa na magazine.

"I want to be responsible for what happened last night." Pormal ang boses nito.

Oh yes! Kung ibang babae lang ang sinasabihan nito ay malamang na nagtatalon na sya sa tuwa. Pero hindi sya 'ibang babae' lang. May feelings sya dito. At alam nya na si Sandy ang mahal nito.

She tried to smile. "A-ano'ng sinasabi mo?"

"C'mon Dychie. We're both adults now. I know what we did. I knew what happened. We both know it." Mariin ang huling kataga nito.

"Ano ba ang dapat mo'ng panagutan? Am i pregnant? People always do it with everyone, i know you know that." Imbes ay sabi nya.

Ngumiti ito. "We both know it's true, yet, we both know that i'm the first."

Napa traight face sya sa sinabi nito. "W-whatever."

"Huwag mo akong wina-whatever whatever dyan, ha." Nakangiwi na sabi ni Prince.

Tinaasan nya ito ng kilay. "Eh ano ba ang gusto mo? it's not like i'm pregnant now."

"What if you'll be?" Seryoso na tanong nito.

Nanlaki ang mga mata nya. Agad nyang binilang ang araw mula ng matapos ang kanyang menstruation. Nakahinga sya ng maluwag ng malaman na within the not fertile days nila ginawa 'iyon'.

"No, i won't be pregnant. Rest assured. You don't have to take responsibility. Ikaw na ang nagsabi, we are both adults now. I can take care of myself."  Sabi nya na lang dito.

Bumuntong hininga ito. "Whatever you say, we'll be exclusively dating, okay?"

"What? Ano to, baliw-baliwan ka na naman?" Hindi nya mapigilan na tanong. Umarangkada na naman ang bibig nya.

Napakamot ng ulo si Prince. "Saan mo na naman napulot yang word na yan?"

"It doesn't matter! Balik ka na naman sa pagiging bossy at pakealamero?"

Imbes na sumagot ay tumayo ito. "Check out then come home to your pad. Expect me to be there three times a week or more." Kumindat pa ito bago sya iwan doon.

Anak ng pating! It's just sex! bakit parang pinapalaki nito ang issue? O baka naman gusto lang talaga sya nitong gamiting panakip butas sa pinaka mamahal nitong si Cassandra?

"AAAh! Buysit!" Mahinang usal nya.

----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon