Chapter 8.

119K 1.7K 45
                                    

Kapwa sila napatigil. Napa-awang ang mga labi ni Sandy. Hindi sya makapagsalita. Tila iniisip nya pa kung totoong si Aled ang nasa harap nila. Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. Masama ang tingin na ipinupukol ni Aled kay Prince.

Ilang sandali lang ay tumalikod na si Aled at akmang maglalakad pabalik sa kotse nito ngunit hinabol ito ni Prince, sumunod na rin si Sandy.

"Aled, wait." Nahawakan ni prince ang kamay nang lalaki bago ito makasakay sa kotse nito.

Tinabig iyon ni Aled at humarap kay Prince.

"Now what?" Singhal nito.

"I-I was.." Hindi matuloy ni Prince ang sasabihin.

"A-alejandro.." Sabi ni Sandy. Hindi nya rin alam ang sasabihin nya. Alam nyang iba ang iniisip nito dahil nakita nito si Prince sa bahay nila.

Tiningnan rin nang masama ni Aled si Sandy. "Speak." Utos nito, matigas ang boses.

"A-ano. A-anong ginagawa mo dito?" Hindi alam ni Sandy kung bakit iyon ang lumabas sa labi nya.

Sarkastikong ngumiti si Aled. "Great. Hindi ko ba pwedeng madalaw ang soon-to-be wife ko?" Tiningnan nito si Prince. "Oh. But friends are allowed?" May diin ang pagkakabigkas nito sa salitang friends. "That's really great."

"You got it all wrong.." Mahinang sagot ni Sandy. Alam nyang iniisip na naman nito na may namamagitan sa kanila ni Prince. Hindi ito nakikinig s amga paliwanag nya kaya hindi nya na alam ang gagawin nya.

"So, ako na naman ang mali? Bakit, may sinabi na ba ako? Do you know what I am thinking right now?" Sarkastikong sabi pa nito. "Anyway, it seems na nakakaistorbo lang ako sa inyo. I better get going." Tuloy-tuloy itong sumakay sa kotse nito at pinaharurot nang andar.

Naiwang nakatayo ang dalawa habang tinitingnan ang sasakayn ni Aled habang papalayo ito.

----------------------------

"Nag-away ba kayo hija?" Agad na tanong ni Donya Lyn sa dalaga. Kinabukasan ay agad na pumunta si Sandy sa manyson.

"M-may konting di pagkakaunawaan lang ho." Nahihiyang sabi nya rito.

Ngumiti si Lyn. "That's okay. Talk to him. He's in his room." Sabi nito.

"S-salamat ho. Saan ho ang kwarto nya?" Tanong nya pa. Sa dami nang kwarto sa mansion na iyon ay tila kailangan nya pa nang mapa.

Bahagyang natawa ang Donya. "Lisa!" Tawag nito. She rang a bell.

Kaagad naman na lumapit ang tinawag na kasambahay.

"Show her Aled's room please." Utos nito.

"Opo, senyora." Sagot naman ni Lisa.

Sabay silang umakyat sa hagdan. "Nag-away ba kayo kahapon?" tanong ni Lisa.

"Parang ganoon na nga. Bakit alam mo?" nagtatakang tanong nya.

"Pagdating na pagdating nya, pinagalitan nya kaming lahat. Wala naman kaming ginagawa. Nagkekwentuhan lang kami sa kusina. Ang alam kasi naming lahat sa mansion pupuntahan ka nya kahapon."

"G-ganun ba. Nadamay pa kayo." Malungkot na sabi nya.

"Ayos lang, sanay na kami kay senyorito. Medyo lumala nga lang." Sabi nito na napapahagikhik.

Ilang sandali pa ay tumigil sila sa tapat nang isang pinto. Isa iyon sa mga kwarto na nasa dulo nang mansion.

"Ito ang kwarto ni senyorito. Goodluck." Nakangiting sabi ni Lisa bago sya iwan.

Ilang minuto na rin syang nakatayo sa harap nang pinto bago nya napagpasyahan na kumatok na. Kumatok sya nang tatlong beses ngunit walang sumagot. Muli syang kumatok.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon