Chapter 68 - Blood is Thicker Than Water

63K 817 87
                                    


Monday.

Kasalukuyang nasa classroom na si Sandy ng tawagin sya ng kaklase nya. Andun daw pala si Renz. Nangangamusta. Lumabas sya at nag usap sila sa hallway.

"Nami-miss ko na makipag chikahan sayo te! Jusko. Sa isang linggo, dalawang araw ka na lang yatang pumapasok. Kaloka." Agad na sabi ni Renz.

"Naku, pasensya na. Medyo naging busy lang sa ibang alalahanin. At pasensya na rin kung hindi kita naimbita sa latest opening party ng resort ni Aled." Paumanhin nya. Mas gusto nya kasi na tipong okay na ang lahat at tipong magbabakasyon sila kasama ito, hindi panadalian lang.

"Okay lang, ano ka ba. Hectic rin ang sched ko, may part time job na ako. Pinag iipunan ko yung trip na trip ko'ng scooter. Kapag nakapagbigay na ako ng down payement, pwede ko na magamit. Medyo hassle na kasi yung kotse ko, ayaw ko naman humingi na kila Daddy."

"Ganun ba? Wow. Buti ka pa."

"Ano'ng buti pa ako? Bruhang to! Ikaw na ang buhay prinsesa dyan, ako pa ang sasabihan mo nyan. Kaloka ka." Pumipilantik ang mga daliri nito.

Natawa sya. Nakita nya nang padating ang prof nila. "Osya, text text na lang ulit ha? Nandyan na si prof."

"Okay. Try mo magreply ha? Uso yun. May cellphone ka eh." Pahabol pa nito bago ito tumalikod na ikinatawa nya.

Madaling natapos ang araw. Nagkita sila ni Aled sa parking lot at dumiretso sa Hospital. Malayo layo ang byahe dahil Laguna area pa rin ang hospital na pinagtakbuhan nila kay Dychie. Ayon sa doctor bago sila umuwi ay stable na si Dychie. May internal hemorage daw sa ulo nito pero ang sabi ng doctor ay natanggal na nila ang namuong dugo at wala na sa danger level.

Bagamat nasikmuraan daw si Dychie ay wala naman problema sa liver nito. Ipinagpalagay ng Doctor na once na magising na ito ay doon nila malalaman kung talagang walang damage dito ang nangyari. Wala pang 24 hours mula ng umalis sila doon at nagulat sila kung ano ang naabutan nila.

Madami ding bodyguards sa paligid. Ano to, party ng mga bodyguards? Pulos kasi naka itim, mga datingan ng mga tauhan ni Aled kaya alam na alam ni Sandy. Halata rin naman na hindi ito mga pasyente o mga dumadalaw lang.

Dahil inilipat na nila sa private room si Dychie at glass door ang pintuan, nakita nila na naroon si Roberto Santillan at tila galit na galit ito kay Prince. Naabutan nila na nakahawak sa kwelyo ni Prince ang lalaki.

"You fucking swear to me that you'll protect her! You fucking swear! What the hell happened to my baby, Prince? B-bakit ganyan na sya? Look at her! Hinahayaan ko syang sumama sayo dahil alam ko na kaya mo syang protektahan but this happened!" Bulyaw nito.

Sumuntok ito sa pader. Believe it or not, umiiyak si Roberto. Kitang kita ang paghihirap ng loob nito sa nakikitang kalagayan ng anak nito.. na ngayon nila napatunayan na anak nga nito.

Nakayuko lamang si Prince, hindi kumikibo. Marahil ay nagi-guilty ito. She can't blame him. He's been one of the best in their field. Ito na pati ang may hawak ng Chiamera. Pero hindi nito naprotektahan si Dychie.

Ilang sandali pa at napansin na sila ni Roberto. Galit ito'ng lumapit sa kanila.

"What the hell are you doing here?!"

"D-dinadalaw namin si Dychie." Straight na sagot nya. Baka kasi pabalang pa kung si Aled ang sasagot, eh halata naman na anytime ay parang magkaka gulo na.

"What? And why would you do that?"  Galit na singhal nito sa kanya.

"She's my cousin." This time ay si Aled na ang sumagot.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon