Chapter 15 - How to Break Sandy's Heart

124K 1.5K 74
                                    

Alas tres nang hapon nang araw na iyon nang makatanggap sya nang tawag mula kay Prince. Wala pa si Aled nang oras na iyon at hindi nya naman ito ma contact. Nag-papasama si Prince sa kanya sa isang mall at sa tingin nya naman ay hindi na mag-iisip nang masama si Aled.

Mag-aalas kwatro na nang magkita sila sa isang restaurant. Naka suot ito nang wig upang magmukhang mahaba ang buhok nito at isang puti'ng cap. Nagsuot ito nang salamin ngunit gwapo pa rin ito'ng tingnan bagamat hindi na ito mukhang si Prince Montreal.

"Prince! Na miss kita. Nagpa tan ka na pala. Hindi ka man lang nagpaparamdam." Tila nagtatampo na sabi nya nang maka upon a ito.

"Kailangan medyo summer look na eh. Ano ka ba. Syempre na miss rin kita. Kaya nga inaya kita eh. How's married life so far?"

She shrugged her shoulders. "Okay naman. Hindi na kami madalas mag-away at sweet na sya kahit papaano."

Tumango-tango si Prince. "I see. Mukhang okay ka nga. I can see that you are glowing."

Namula si Sandy sa sinabi ni Prince. "H-hindi naman."

Prince chuckled. "Ang cute mo talaga kapag namumula ka." Hindi nya mapigilang hangaan ang kaharap. "Ang swerte sayo ni Aled."

"S-swerte rin naman ako sa kanya eh." Sagot nya. Sumimsim ito nang orange juice na inorder nya pa kanina habang naghihintay kay Prince.

"Hindi ka na ba nya sinusungitan?" He asked.

Umiling si Sandy. "H-hindi na."

"Good. For two weeks ay naging okay kayo. Ano'ng plano nyo sa birthday ni Aled?"

Nanlaki ang mga mata ni Sandy. "B-birthday?"

Nangunot naman ang noo ni Prince at umayos nang upo. "Yep. Don't tell me na hindi mo alam?"

Napangiwi si Sandy. "I-I forgot. My God. Oo nga pala. "

"Nako. Sa sobrang saya mo, kinalimutan mo na ang birthday nang asawa mo."

"Naku, thank you at ipinaalala mo, ha. Ano kaya ang magandang gift? Gusto ko sana, personalized." Sabi nya na tila nag-iisip.

Ngumiti si Prince. "Marunong ka bang mag bake?"

Umiling si Sandy. "H-hindi eh. Bakit?"

"I think mas maganda kung ipag bake mo sya nang cookies or cupcakes. Mahilig sa ganon si Aled. Mas special kapag ikaw ang nag bake." He said.

"T-talaga? Wow. Mukhang mas kilala mo pa talaga si Alejandro kaysa sa akin." Tila nalungkot sya.

Tumawa si Prince. "Nagtampo ka pa dyan. Magkita ulit tayo kung kaylan ka pwede, pupunta tayo sa kaibigan ko'ng chef nang isang pastry shop. Natuto rin ako sa kanya pero mas okay kung sya rin mismo ang magtuturo sayo."

Natuwa si Sandy sa narinig. "T-talaga?"

Tumango si Prince. "Yes, and for sure ay mag eenjoy ka pa. Nakaka fulfill nang pakiramdam kapag naka gawa ka na nang tama at masarap na cookies or cupcakes."

Na excite sa ideya si Sandy. Naglibot pa sila ni Prince. Inaya nya itong kumain nang street foods at hindi ito tumanggi. Isang bagay pa na gusto nya kay Prince ay ang hindi nito pagkatakot sumubok nang bago'ng bagay o pagkain.

Namili rin sya nang dalawang footwears bago sya nito inihatid sa taxi. Gusto man sya nitong ihatid ay hindi pwede dahil nga baka magalit si Aled. Bago isara ni Prince ang pinto nang taxi ay hindi mawala sa isip nya ang sinabi nito.

"Hindi madali makilala si Aled, Sandy. Madami ka pang hindi alam sa kanya. Mag-iingat ka."

Bagamat nakangiti ang lalaki nang sabihin nito iyon ay alam ni Sandy na may mali. Kung may kailangan pa syang malaman about kay Aled ay siguradong malalaman nya rin. Lalo na at unit-unti na syang nakakapasok sa buhay nito.

"Naku senyorita. Mainit ho ang ulo ni Senyorito no'ng dumating sya. Nagalit rin sya nang malaman na umalis ka. Nakakatakot." Si Lisa iyon.

Pagkababa nya pa lamang nang taxi ay agad syang sinalubong ni Lisa. Sumunod rin dito si Aileen.

"Saan ho ba kayo galing?" Si Aileen naman iyon.

"S-sinamahan ko lang si Prince. Alam nyo ba kung saan rin sya galing? Nag walk out sya kanina pagdating nila mommy Lyn." Papasok na sila sa mansion.

Sabay na umiling ang dalawa. "W-wala po'ng naglakas nang loob na magtanong."

"A-anong gagawin ko? Baka mag-away na naman kami." Unti-unti ay natatakot na rin sya. Hindi nya man alam kung saan ito pumunta o ano ang dahilan nang galit nito ay tila iba ang pakiramdam nya.

"Subukan nyo po kaya kausapin si Senyorito. Baka makinig ho sa inyo." Suggest ni Aileen.

Huminga sya nang malalim. "P-pero.."

"Sige na Senyorita. Kaya mo yan." Sabi pa ni Lisa.

Tumango sya. "S-sige. Nasa kwarto nya na ba sya?"

Tumango ang dalawa.

Agad syang naglakad. Bahala na kung ano ang mangyayari. Aaminin nya na nakipagkita sya kay Prince kung mag tanong man ito. Wala naman silang tinatago ni Prince, ang kinatatakot nya lang ay baka kung ano na naman ang sabihin nang asawa.

Nang nasa tapat na sya nang pinto nang kwarto nito ay tila nagdadalawang isip pa sya kung kakatok o papasok na sya. Sa huli ay nanaig ang biglang pagpasok. Baka hindi sya nito pagbuksan kung kakatok pa sya.

Dahan dahan nyang binuksan ang pinto hanggang sa makasilip na ang kanyang ulo. Nakita nyang naka upo si Aled sa kama, nakasandal ang likod nito sa headrest at may hawak na libro. Masama ang tingin nito sa kanya.

Nakaramdam sya nang kilabot nang tingnan nya ito nang mata sa mata. May mali kay Aled. Nararamdaman nya ang tindi nang galit sa mga mata nito.

Bigla ay parang nanginig ang kanyang tuhod. Hindi nya alam kung papasok pa sya o aalis na lamang. Ilang Segundo rin syang naka silip bago nagpasya na pumasok. Hindi nya alam kung saan sya humugot nang lakas nang loob.

Linapitan nya ito. Nanginginig pa rin ang mga tuhod nya habang papalapit rito. Nakayuko na ito, tila may malalim na iniisip. Huminga sya nang malalim bago sana magsalita ngunit bago pa sya magsalita at nauna na ito.

"Why are you here?" Nakatutok pa rin sa libro ang mga mata at atensyon nito.

"Ah, ano.. kasi.. tatanungin saan kita kung saan ka galing? H-hindi rin kita macontact kanina." Mahina nyang sabi.

"Galing ako sa impyerno. Hindi mo talaga ako maco-contact roon." Matigas at sarkastiko na sabi nito.

Gulat na napatingin si Sandy rito. Wala syang mahapuhap na isagot sa sinabi nito.

"Kung wala ka nang kailangan, lumabas ka na. I wan't to be alone." Matigas na muli'ng sabi nito.

"A-alejandro.." Mahinang usal nya.

"Out." Tinuro pa nito ang pintuan. Seryoso ito sa pagpapa alis sa asawa.

"B-bakit ka ba biglang nagkaka ganyan? What's wrong?" Tanong nya. Gusto nyang ibalik yung nagbago'ng Aled noong mga nakalipas na araw.

"Not because I treat you better these past few days ay may karapatan ka nang pakialaman ang buhay ko. The truth is ginawan lang kita nang pabor. So stop meddling with my own business." Mahinahon ngunit mariin na sabi nang lalaki.

"Asawa lang kita sa papel at alam mo naman na pareho tayong nakikinabang. Matuto ka sana'ng lumugar." Dagdag pa nang lalaki.

Nagpantig ang mga tenga ni Sandy sa narinig na sinabi nang asawa. Hindi kaagad sya nakapagreact. "A-alejandro.." Ang tanging nasabi nya. Nangangatal pa ang mga labi nya.

"Another thing. Stop calling me my real name. Naiirita ako. Ayoko rin nang palagi mo ako'ng tinititigan at pinagsasabihan. Mind your own business from now own. Now, out." Muli nitong itinuro ang pintuan nang kwarto nito.

Tila nais lumubog ni Sandy mula sa kinatatayuan nya nang mga oras na iyon. Parang pinipiga ang puso nya sa sakit na nararamdaman nya nang oras na iyon. Tulala syang lumabas sa kwarto nang asawa nya.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon