Chapter 18.

111K 1.4K 13
                                    

Umaga na nang umuwi si Sandy matapos ang pag-uusap nila ni Prince. Ikalawang araw na nang hindi nya pagpasok. Hindi na nagtanong ang guard nang pag buksan sya nito nang gate. Muli ay sinalubong sya ni Aileen at Lisa. Iniwan nya ang dala nyang bag kay Prince.

"Senyorita, bakit ngayon ka lang umuwi? Ano ho ang nangyari?" Tanong ni Aileen.

"Nag-alala ho kami. Hindi pa nga ho kami nakakatulog eh." Si Lisa naman iyon. Halata sa mga eyebugs nang mga ito ang sinabi'ng iyon ni Lisa.

"S-sorry ha. Nag unwind lang ako. Okay na ako, don't worry. Matulog na muna kayo, wala naman kayo masyado gagawin, diba?"

Tumango ang dalawa.

Dumiretso sya sa kanyang kwarto. Naligo at nag ayos sya nang sarili. Ipinangako nya kay Prince na magiging matatag sya. Gusto nya sanang umuwi sa kanila ngunit sabi ni Prince ay mag-aalala lamang ang mama nya kung uuwi sya sa ganoong kalagayan at biglaan.

Tama ito. Ayaw nya nang ma involve ang mama at mga kapatid nya. Tatahimik sya kung ano man ang nalaman nya tungkol kay Aled. It scared the hell out of her. Hindi nya akalain na ganoon ang asawa nya. Ngayon ay kusa na syang lalayo rito kahit mahal na mahal nya na ito.

Wala syang choice. Kahit sabihin nang puso nya na kailangan nya si Aled ay iba ang dinidikta nang isip nya na sinag-ayunan nya. Hindi nya kayang pumasok sa mundo ni Aled, at ito na mismo ang nagsabi na lumugar sya.

Matapos mag ayos nang sarili ay bumaba sya upang kumain. Nahilo sila ni Prince sa ininom nilang beer in can. Naka tig tatlo sila at nakatulog sila sa kotse nito. Nagising sila nang mag uumaga na. Hinatid sya nito sa highway at pinara nang taxi.

Nagpapasalamat sya at nakilala nya si Prince. Ito ang nagsilbing kuhaan nya nang lakas nang gabi na iyon. Dahil rin dito ay nakilala nya ang totoong Aled. Hindi nabawasan ang pagmamahal nya sa lalaki sa kabila nang mga nalaman nya. Kinailangan nya lang umiwas rito upang hindi na sya masaktan.

Wala syang aasahan rito, kaya mas mabuti na ang lumayo. Ang purpose nya naman talaga ay ang mabuhay nang maayos ang mga kapatid nya at mama nya kaya sya nagpakasal sa lalaki. Wala sa plano na ma inlove o magka gusto sya rito. Kasalanan nya ito.

Matapos kumain ay nagbasa sya nang libro sa library sa mansion. Sabi nila Lisa ay pumasok raw si Aled nang araw na iyon kaya malaya syang makaka gala sa buong mansion nang hindi matatakot na baka makasalubong nya ang lalaki. Nang matapos basahin ang isang libro ay nagpasya syang mag computer.

Nag download sya nang mga bagong kanta sa kanyang mp3 player. Iniisip nya mas simple ang buhay kapag ganoon ang routine nya. Ganoon naman talaga ang routine nya noon pa man, nagbago lang nang makilala nya at noong naging okay sila ni Aled.

Nagulat sya nang makatanggap nang isang text message mula kay Renz. Matagal tagal na rin silang hindi nag uusap at nagkakatext nito. Nag aaya ito nang gimik sa darating na sabado. Bale reunion raw iyon nang mga kaklase nila noong highschool na nacontact nito.

Nagpasya syang sumama. Nireplyan nya ito na sasama sya. Kailangan nya nang ibang pagkakalibangan para hindi nya na madalas maiisip si Aled. Nagagawa nya na naman na ang gusto nya, lalo na at wala na naman ang mag asawa. Kapag naroon ang mga ito ay hindi rin naman sya pinaghihigpitan nang mga ito.

------------------

Sabado nang umaga. Tatlong araw na ulit sila'ng nagsasabay ni Aled pagpasok ngunit wala talagang imikan. Kanya-kanyang baba at pasok sila. Perehong tatlong subject lang ang papasukan nila nang araw na iyon. Nagulat sya nang sabihin nang driver na hindi raw sasabay pag-uwi si Aled dahil may pupuntahan ito.

Nauna syang umuwi. Naghanda sya para sa reunion na magaganap mamaya. Inaya nya si Prince at pumayag naman ito. Sikat ang club na pupuntahan nila at may mga artista rin daw na pumupunta roon kaya hindi na nito kailangan mag disguise.

Matapos maka kain at makapag bihis ay nagpasama sya kila Aileen at Lisa na bumili nang damit na isusuot nya nang gabi na iyon. Ang pagbili nang damit at accessories isang beses sa isang lingo lang naman ang luho nya. Minsan, kumakain sila ng mga street foods o nagvivideoke.

Gamit ang tips na binigay sa kanya ni Ethan, ang stylist nang mommy Lyn nya ay natututo na syang pumili nang damit depende sa okasyon at pupuntahan. Nagpapatulong sya pumili nang kulay at accessories kila Aileen at Lisa.

Agad silang nakapili nang damit. Isa iyo'ng itim na tube dress na pabuka ang laylayan na hanggang kalahati nang hita nya, papatungan nya na lamang iyon nang itim na bolero na ginamit nya rin noong pinuntahan nya si Aled sa pagkakarera nito.

Isang black and white na stiletto ang binili nya para sa paa nya. Bumili rin sya nang bagong pouch bag. Gawa ang pouch na nabili nya sa balat nang isang ahas kaya may kamahalan ito pero bumagay sa outfit nya.

"Bongga na naman ang itsura mo kapag naayusan at kapag suot mo na yan, senyorita." Sabi ni Aileen.

"Kayo ang nagpapa bongga sa akin, no." Sabi nya naman sa mga ito. Kasalukuyan silang kumakain sa isang fast food chain. Na mimiss nya na kasi ang pagkain sa mga fast food chain dahil pulos mamahalin ang kinakainan nila mula nang ikasal sya kay Aled.

Isa pang dahilan kung bakit gusto'ng gusto nyang kasama ang dalawa ay napaka natural nang mga ito. Hindi nya rin kailangan mag panggap pa kapag ang dalawa ang kasama nya. Napapatawa pa sya nang mga ito kaya masaya ang lakad nila.

Alas tres na nang hapon sila nakauwi. Lulan na sila nang kotse pauwi nang tumawag si Renz upang ipa alala ang pagkikita kita nila mamaya.

"Oo naman. Pauwi na nga ako, eh. Kakabili ko pa lang nang damit para mamaya. See you later. Bye." Sabi nya sa bakalng kaibigan.

Hindi nya pa ito nakakasama sa kahit ano'ng pag gimik. Noong highschool ay naka inuman nya na ito one time pero hindi na iyon naulit dahil nga hindi naman sila nito close dati.

Nang makarating ay nanuod muna nang t.v si Sandy sa kanyang kwarto. Alas siete pa naman sila magkikita kita sa Shangri-la plaza. Doon na raw sila kakain nang hapunan bago tumuloy sa club.

Tinawagan nya si Prince.

"Oh, bakit? Afraid na baka makalimutan ko ang lakad natin?" Halata ang sigla sa boses nang lalaki.

Tumawa sya. "Hindi no. Kakamustahin lang kita. Alam ko naman na hindi mo kakalimutan ang lakad natin dahil alam mo na magtatampo ako." Sabi nya.

Si Prince naman ang tumawa. "Maysado ata kitang ini spoiled eh."

"Dapat lang. Para mo na ako'ng little sister no. Wala kang choice kundi ang pagbigyan ako." Pa cute na sabi nya rito.

"Nagpa cute ka pa, hindi ka naman cute. Ay nako Cassandra." Natatawa pa rin si Prince.

Natigil ang pagtawa ni Sandy nang marinig ang itinawag sa kanya si Prince. Naalala nya si Aled. Ito ang tawag nito sa kanya. Iba pa rin pala talaga kapag ito ang tumatawag sa kanyan nang buo nyang pangalan.

"Sandy? Andyan ka pa ba?"

Bumalik ang huwisyo ni Sandy. "Ah, o-oo. Sorry. S-sige, mag ready ka na. See you later!" Pinasigla nya ang boses bago ibaba ang linya.

I Married the Ice King (Published)Where stories live. Discover now