Chapter 71 - Almost.

59.6K 723 99
                                    

"S-sandy? Are you alone? Where's Aled?" Gulat na tanong ni Prince.

Sandy was on the door, and instead of answering, dumiretso ito sa loob upang tingnan sa kama nito si Dychie na noon ay himbing na himbing na sa muling pagtulog.

"Totoo bang nagising na sya? Ano, is she okay?" Tanong nito.

"Y-yes, but teka nga. Asaan si Aled? Bakit mag isa ka lang?"

"W-well. Apparently, busy sya." Ang tanging sagot nito. Dumiretso ito sa sofa at naupo. "I can stay here naman, diba?

Tumabi sya sa babae. "Teka nga, don't tell me, nag away na naman kayo or had some kind of petty misunderstanding?" Kunot ang noo na tanong nya.

Umiling ito. "Wala. Busy nga sya." Sagot nito.

Yeah, as if maniniwala sya. Hindi ito madaldal ngayon at walang glow ang aura. Usually ay magkekwento ito. Kung may reklamo man ito tungkol kay Aled, tiyak na magkekwento pa rin ito.

Nagkibit balikat na lang sya. Hinayaan nya na lang ang babae. Ayaw nya naman tawagan si Aled dahil baka nga 'busy' ito or ayaw nyang sya ang magsabi rito dahil mukhang hindi alam ng lalaki na narito ang asawa nito.

"So.. ngayon na lang tayo makakapag usap." Sabi nito. She was smiling now. Totoo ang sinabi nito. Medyo umiiwas na sya rito, at madalas nito kasama ang asawa nito. No, palagi nitong kasama ang asawa nito.

Natawa sya. "Oo nga eh. Pero baka pagalitan ka ni Aled ha? Mukhang hindi nya alam na umalis ka. Lagot ka." Biro nya.

"Hayaan mo sya. Busy sya." Halatang nagtatampo ang loka

Napailing iling sya. "Bahala ka na nga. Mukhang malakas ka naman na sa kanya."

"Change topic na nga." Naka nguso na sabi nito.

Natawa sya.

Ilang sandali pa ay sumeryoso na ang mukha ng babae.

"Ah ano. Gusto ko sanang magpasalamat sayo dahil ikaw yung unang dumating para ma rescue ako when i was kidnapped." Sabi nito sa kanya.

Tila nag froze ang katawan nya ng sabihin nito iyon. Alam na nito? Kailan pa? Edi alam na rin nito na alam nya na si Sophia talaga ang may pakana? Hindi ba dapat ay galit ito dahil hindi nya agad sinabi kung sino?

Hinawakan ni Sandy ang kamay nya. "And.. don't worry. I am not mad or what dahil hindi mo agad sinabi. I understand na ginamit ni Sophia ang mga magulang mo."

"No, Sandy. Sa una pa lang kasi, hindi ko na dapat pinaniwalaan si Sophia. I was so stupid. Na kidnapped pa tuloy si Aled bago ako gumawa ng hakbang." Yumuko sya. Nahihiya talaga sya sa babae. "P-paano mo nalaman?"

Umiling si Sandy. "No, Prince. You did what you have to do. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo. And.. yung pag kidnap naman ksi kay Aled, talagang matagal ng pinagplanuhan yun ni Sophia kaya hindi natin alam na dadating yun. And actually, It's Roberto who told me."

Nanlaki ang mga mata nya. "W-what? Roberto? The Roberto Santillan?" His jaw dropped.

"Well, yeah. I had to talk to him behind Aled's back. I asked him directly kung sya ba ang may pakana ng lahat. Hindi lang sya tumanggi, he explained and told me everything.." Ngumiti ang babae.

"Everything?"

"Yes, everything."










Napabuga ng hangin si Aled sa kawalan. He was staring at the city lights in his condo's glass wall. His hands were on his pant's pockets.

He was wearing St. Bernard's Uniform, and he was thinking about Sandy. Kahit kanina lang sila nagkita sa mansion, miss nya na ito. She's probably sleeping now. There's this part of him na gusto ng umuwi at matulog kabang katabi at kayakap ang asawa nya.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon