Chapter 52 - Just Like Yesterday

69K 703 27
                                    

(School bell ringing)

Saglit na tiningnan ni Sandy ang school tower kung saan nakasabit ang school bell. Dahil sa ke 'elite-an' ng school nila, meron silang taga ring ng bell tuwing umaga, tuwing lunch at tuwing 6am ng hapon. Hindi naman sya typical na bell kagaya ng tunog ng sa simbahan at ng sa typical na highschool bell. It comes out with a soft melody.

Bumuntong hininga sya at nagtuloy-tuloy ng lakad papasok sa room nila.

Dalawang araw syang hindi pumasok and it seems like forever. Pakiramdam nya, wala na syang kwentang tao dahil sa dami ng tila katatamaran at kakalimutan nya, ang pag-aaral nya pa! She knows how her mother and father wanted her to graduate and have a good life.

Alam nya rin na sa Filipino culture, ang panganay na anak ang talagang inaasahan ng mga kapatid at magulang nito. And now what is she doing?

Tahimik syang pumasok at umupo sa upuan nya.

As usual ay nagchichismisan na naman ang mga kaklase nya. Wala sya sa mood makipag daldalan sa mga ito. Si Julie naman ay hindi na sya masyado ginugulo, which is mabuti sa kanya dahil hindi nya na gusto na dumagdag ito sa listahan ng mga tao na pinoproblema nya.

Tiningnan nya ang kanyang relo. Thirty minutes pa bago mag seven pero halos lahat na ng mga kaklase nya ay naroon na, Tumingin sya sa parking lot sa bintana. Parang bumalik sa isip nya ang eksena tuwing bumababa ng kotse si Aled noon. Mga babang studyante na nagkakandarapa sumilip sa lalaki at sa mga bodyguard nito na tila artista kung bantayan ang binata.

Bagamat may mangilan ngilan pa rin ang lantaran sa pagpapahayag ng pagkagusto nila sa asawa nya, hindi na sila katulad ng dati na tila may fans club pa.

Those were the days na wala sa hinagap nyang magkakakilala sila, na magiging mag asawa pa pala sila. Aled is the type of man na 'perfect' para sa mga kababaihan. Gwapo, matangkad, mayaman. Pero naisip nya, kung hindi sila mag-asawa ngayon, ano kaya ang buhay nya?

"Ang lalim ng iniisip mo, ha."

Napalingon si Sandy ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Renz!" Napangiti sya at hindi napigilan na yakapin ang kaibigan. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

Tumawa ito. "Kinakamusta ka. Mabuti at natyempuhan kita ngayon. Dalawang araw kang hindi pumasok."

Muli syang umupo sa upuan nya at pinaupo ito sa spare chair na nasa gilid ng room.

"Okay lang yun. Nako. Para namang hindi ko nasubaybayan ang love story nyo ng asawa mo. May paiyak iyak mode ka pa dati, hindi ba?" Natatawa na kwento nito.

Natawa sya sa sinabi nito. yeah, she remembered when Maricar bashed her at hindi sya umurong. Clinic ang kinabagsakan nya, plus sinermunan pa sya ni Aled. "Oo nga eh. Pasensya na rin at hindi na ako masyado nakikipag communicate sa inyo. Ang hirap ng buhay may-asawa." Sabi nya na lang.

"Keri lang naman. We understand. Okay ka na ba ngayon?" Halata ang pag aalala nito.

Tumango sya. "Yes, I'm fine."

"Let's hang out again with Prince if you're free." Sabi pa ni Renz.

The moment she heard Prince's name, tsaka nya naalala na tatawag nga pala dapat ito sa kanya kaninag madaling araw! Pero wala naman record ng 'missed calls' sa cellphone nya ng buksan nya. Naisip nya na lang na dahil sa kalasingan ay natulog na ito agad.

"S-sure." Sabi nya sa kabila ng pagtataka.

"So kamusta naman kayo ng husband mo? Naging busy na rin kasi ako sa mga projects eh."

She shrugged her shoulders. Tama bang sabihin na parang may away na naman sila mamaya? "O-okay naman so far. Hindi na sya kasing suplado ng dati."

Tumango tango si Renz. "Mabuti naman. Mukhang pumapayat ka ata?" Ngumiwi ito.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon