Chapter 19.

114K 1.4K 40
                                    

Halos lumuwa ang mata nang limang babaeng kasama ni Renz nang makita nang mga ito ang bago nyang itsura at syempre, ang kasama nya na si Prince.

Kinikilig na nakipag kamay ang mga ito sa lalaki. Si Prince naman ay tila bata na nahihiya pa. Agad naman nitong sinasagot ang mga tanong nang mga kaibigan nila.

"Grabe ka, Sandy. Ang ganda ganda mo na lalo ngayon. Ang gwapo na nga nang asawa mo at mayaman, close mo pa si Prince Montreal." Kinikilig na sabi ni Beatrice, ang class valedictorian nila nang sandaling umalis si Prince upang magbanyo.

Ngumiti lang sya. Alam pala nang mga ito na nag-asawa na sya. Sabagay, sikat ang pamilya ni Aled kaya malamang ay alam nang karamihan. "Sinwerte lang." Sinwerte nga ba? Bawi na tanong nang kabilang utak nya. Nagkibit balikat sya.

"Oo nga, Sandy. Ano ba ang sikreto mo?" Si Rose Anne naman iyon. Dati itong tahimik pero ngayon ay out going na.

"I share mo naman, huwag kang mag damot, Cassandra." Natatawang sabi pa ni Clara. Isa ito sa mga close nya noon. Nawalan lang sila nang communication.

Natawa sya sa mga ito. "Hoy, ano ba kayo. Wala ako'ng sikreto, no."

"So, kamusta ang married life plus a hot celebrity as a close friend?" Si Beatrice ulit iyon.

"Okay naman. Nasasanay na ako nang buhay may asawa." Kaswal na sagot nya.

"So, ginawa nyo na ba? I mean, baby, you know.." Si Leslie naman iyon. Ito ang pinakapilya sa mga kasama nila nang gabi na iyon.

Nanlaki ang mga mata nya. "Hoy, grabe ka. Hindi pa no. Bata pa ako."

Nagtawanan ang mga ito.

"Hay nako. Tigilan nyo na si Sandy, parating na si Prince. Behave." Singit naman ni Renz.

"Did I missed something?" Nakangiting tanong ni Prince nang maka upo na ito sa tabi ni Sandy.

"Medyo. We we're asking Sandy kung nagawa na ba nila nang husband nya yung alam mo na. Pag gawa nang baby." Si Leslie ulit iyon.

Naghagikhikan ang mga ito. Si Sandy ay na aamuse sa mga ito. Tinampal ni Renz ang kamay ni Leslie na katabi nya lang.

"Umayos ka nga Leslie. Hindi pa nga daw diba?" Bagamat ay natatawa rin si Renz.

"Hoy, wag nyo naman ako'ng pag tripan. Pag kayo nag asawa na, kayo naman ang pagtitripan ko, sige" Nakangiting sabi ni Sandy.

Si Prince naman ay hindi na lang kumibo.

Nang matapos ang pagkain nila ay si Sandy na ang umako nang bill, na ikinatuwa nang mga kasama nila. Katwiran nya ay minsan nya lang malilibre ang mga ito kaya hayaan na nang mga ito.

Sina Rose Anne, Leslie at Clara ang sumabay sa kotse ni Renz samantalang sila Beatrice at Maizy naman ang sumabay kila Sandy at Prince sa kotse nang lalaki. Nag convoy na lamang sila papunta sa club.

Madali silang nakapasok dahil nasa guestlist naman sila. Ipinalista sila ni Renz na kakilala ang may production nang gabi na iyon. Kaagad silang inassist at nakaupo sila agad. Umorder na sila nang alak at pulutan. Kaunti pa lamang ang tao, mamaya pa raw dadagsa sabi ni Renz.

Umagaw nang pansin ang pagpasok nila dahil kasama nila si Prince. Polite na nakikipag 'hello' at 'hi' ang lalaki kapag may pumapansin rito. May iba pa na sinasadya ito sa upuan nila para kunan nang picture ang lalaki.

"My God. Ang daming kinikilig sayo dito." Sandy exclaimed.

Tumawa si Prince. "Iisa lang naman ang may hawak nang puso ko eh." Sabi nito.

Nagulat si Sandy. "May girlfriend ka na?" napabalikwas ito nang upo.

"Ah, h-hindi. Wala. May gusto lang ako'ng babae. I mean, mahal ko na. Matagal na pero hindi nya alam." Tila pinagpawisan ito nang malapot.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon