Chapter 25 - Danger Zone

116K 1.4K 22
                                    

"You go ahead, I have to talk to someone." Mabilis na bumaba sa kotse si Aled nang marating na nila ang parking lot sa school. Hindi sila nagpahatid noon. Ito ang nag drive at medyo nagkwentuhan sila habang nasa byahe.

"S-sige." She was hoping pa naman na kagaya dati ay ihahatid sya nito sa mismong class room nila.

May mga kaklase pa rin sya na fascinated sa pagiging misis nya ni Aled. Aminado ang mga ito na crush pa rin nila ang asawa nya at tinatawanan nya na lang ang mga ito. Judy, on the other hand, seemed too aloof of her mula ng mangyari ang eksena noong may race.

Kabi-kabila rin ang invitation sa kanya para sa debut ng mga kaklase nya o mga iba pang studyante. Sinasabi nya na lang na hindi sya sigurado pero pipilitin nyang pumunta. So far ay sa anim na nag invite sa kanya, dalawa na ang hindi nya na attend-an.

Lunch break. Natural na silang dalawa na naman ni Renz ang magkasama.

"Teka lang ha. C.r muna ako." Paalam nya ng makaramdam sya ng urge at para na rin makapag retouch. One thing na natutunan nya sa pagiging asawa ni Aled ay ang image na kailangan nilang alagaan. Kung dati ay kahit haggard at ngarag sya ay pwede na, ngayon, it's a big no-no.

Nakahinga sya ng maluwag ng makitang lahat ng cubicle ay bukas.

"Do you think magtatagal sila?" Sabi ng boses ng babae na kakapasok pa lang.

"I don't know. Lahat naman tayo nauubusan din ng swerte. Malay mo, yung babae na kausap ni Aled kanina yung totoong mahal nya." Sagot naman ng isa.

Binundol ng kaba ang dibdib nya ng marinig ang pangalan ni Aled at may babae raw ito'ng kausap!

"Mas katanggap tanggap kung yung babae nga na kausap ni Aled ang totoong mahal nya. She looks so elegant! Tsaka alam naman natin na hindi basta basta nangkakausap si Aled, right?" sabi ulit ng isa.

"Right! Pero mukha talagang familiar yung girl kanina." Sabi pa ng isa.

"Maybe she's a model. Maliit nga lang sya but I think papasa syang model ng mga magazine. O baka commercial model!" Exclaimed nung isang babae.

"Is Aled cheating? I mean, alam kaya ni Sandy?" Maya-maya ay tanong ulit ng isang babae.

Hindi makahuma si Sandy sa narinig.

"I don't know. Pero kung ako sa kanya, magwawala ako."

Sabay na tumawa ang dalawa habang nagpe fade ang yabag ng mga ito.

Nanghihina na napaupo sya ulit sa toilet bowl. Possible kaya na si Sophia ang babae na kausap ni Aled? By the way those girls describe her, malamang na si Sophia nga iyon. Hindi na sya magtataka kung paano ito nakapasok dahil malamang na sinabi nito na kilala nito si Aled.

Parang maiiyak na lumabas sya ng c.r

Bakit ganoon? Ang sweet ni Aled nung umaga na iyon tapos biglang nagtatagpo pala ito at si Sophia? Akala nya, nang sabihin ni Aled na sa hotel na ito tutuloy ay doon na matatapos ang kalbaryo nya pero mas malala pa pala. Nakita pa ito ng ilang studyante.

"What happened? Para kang naluging businesswoman?" Tanong ni Renz ng makabalik na sya sa tinatambayan nila.

"M-may nakakita kay Aled na may kinakausap syang babae. By the way they describe her, mukhang si Sophia ang babae na kausap nya." Malungkot nyang paliwanag.

Umikot ang eyeballs ni Renz. "Nag-uusap lang naman pala! Tsaka ikaw na ang nagsabi na family friend nila ang Sophia na yun." Nakanguso na sabi ni Renz.

Hindi sya sumagot. Pakiramdam nya ay pinagtataksilan sya ni Aled kahit wala syang proweba. At hindi ba ay ito na ang nagsabi na porket pinapakitaan sya nito ng maganda ay may karapatan na syang makealam sa buhay nito? >.<

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon