Chapter 39 - This Means War?

86.7K 1K 22
                                    


"Looks like the two of our youngest gentlemen both wanted the necklace for their lovely ladies!"

Umalingawngaw sa hall na pinagdadausan ng auction ang boses na iyon ng auctioneer.

Tila naging tambol kalakas ang pintig ng puso ni Dychie ng mag sink in na sa utak nya ang nangyayari. Prince and the guy, who introduced his self as ALED are having a conversation with their eyes. She has to move!

Hinawakan nya ang kamay ni Prince.

"Just give it to them, i can pick another item anyway." Bulong nya rito. Tense na tense na sya. Aled looked dangerous and snob. Malay nya ba na gusto rin nito o nang 'asawa' nito ang necklace parure na iyon ni Mary Boleyn?!

Nilingon sya nito.

"I can get it for you." Mahina at kalmado ang pagkakasabi nito pero halatang determinado.

Umiling sya. "It's alright. I don't really like it anyway." Tanggi nya.

"So.. am i hearing seven point five million? Anyone? Anyone?" Muli ay nagsalita ang auctioneer.

"Eight million!" Muli ay sumigaw si Prince.

Hinila nya ang coat na suot ng lalaki. "What the hell. I told you not to get it anymore! It's too expensive and i told you, i don't really like it. I just loved the way it's name sounds.." Kunwari ay sabi nya.

"Nine million!" Muli ay sigaw ni Aled.

She looked at him, and the girl she is with. Kalmado ang itsura ng babae. Hindi man lang ba nito sasawayin ang asawa nito? NINE MILLION na ang halaga ng necklace parure at mukhang wala rin balak magpa talo si Prince!

"Damn it Prince! If you don't stop bidding, i'll walk out of here and i'll leave you alone!" Matigas na sabi nya. Wala na syang pakealam kung marinig man iyon ng mga taong naka upo malapit sa kanila. Nainis na naman sya sa lalaki.

"Am i hearing nine point five million? Anyone from here? From here?" Muli ay sigaw ng auctioneer.

Laking relief ang nadama nya ng umiling na si Prince sa auctioneer.

"No more other offer! Mary Tudor-Brandon Parure necklace was won by the gentleman holding number 29!"

Maririnig ang hiyawan sa paligid.

Nakita nya na nakatingin sa gawi nila ang asawa ni Aled. Straight face iyon kaya hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng tingin nito. Is she making her feel that she won? Hindi nya tuloy alam kung ano ang dapat nyang maramdaman para sa babae.

Hindi nya ipagkukumpara ang itsura nila dahil bukod sa hindi naman sya mahilig makipag kumpitensya ay magkaibang magkaiba ang tipo nila. The girl seem to be well mannered, bagay na bagay sa asawa nito na mukhang snob at unexpected ang bawat galaw.

Samantalang sya, hindi man sya galawgaw ay hindi nya lang siguro maisip ang sarili bilang ganun ka well mannered. She do whatever she likes at isa pa, pinalaki rin naman sya ng mama nya na lady like, tapos dumating pa ang daddy nya, that made her more aware of their family's status.

Nilingon nya si Prince.

Nakayuko lang ito, kuyom ang mga kamao na naka patong sa dalawang hita nito.

Galit ba ito?




*FLASHBACK*

"Kamusta ka na?" Prince broke the silence first.

"I am okay.." Halos hindi rin lumabas sa labi ni Sandy ang mga kataga na iyon.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon