Chapter 21.

110K 1.4K 12
                                    

Nagsalubong ang kilay ni Aled ng makilala ang bulto ng lalaki na pumasok sa opisina nya. Mahigpit nyang ibinilin sa mga kasama nya na huwag magpapapasok ng kung sino sa opisina nya hanggat hindi nya sinasabi.

"What the hell are you doing here?!" Tanong nya ng makilala kung sino ito.

Tumigil sa tapat ng nakaupo na si Aled si Prince. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Aled. I came here to talk."

"Tss!" Nagpakawala ng nakakaloko na ngiti si Aled. "Talk? May kailangan ba tayo'ng pag-usapan?"

"This is about Sandy." Sabi pa ni Prince.

Mula sa kinauupuan na swivel chair ay napa-tayo si Aled ng marinig ang pangalan ng asawa. "What about her? What about my wife?"

"Roberto might have a plan for her."

Nagsalubong ulit ang mga kilay ni Aled. "Why would I believe you? Bata ka ni Roberto."

Umiling si Prince. "I care for Sandy." Mahina na sabi nito. "I care for her, that's all. A-ayoko syang maipit sa gulo na nangyayari."

Napatigil si Aled. Inaarok ang itsura ng dating kaibigan. "You like my wife." Maya-maya ay mahinang sabi nito.

"N-no, Aled-" Nais pa sanang tumanggi ni Prince.

"It's not a question, Prince." Bumuntong hininga si Aled.

Hindi sumagot si Prince. This is a very awkward situation for him.

"I can take care of my own wife, Mr. Montreal. I advice you do too."

"Listen, Aled. A-about what happened before, I swear I have nothing to do with it. It was just a set up."

Tumayo si Aled at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa. "Don't you think it's a bit late for the explanation?" Walang emosyon na sabi nito.

"I-I know. Sorry. L-like I said, I care for Sandy and I just want to let you know na baka anytime, makuha sya ni Roberto." Pagkasabi noon ay agad nang tumalikod si Prince at umalis na.

------------------------------------------------

Nakatunganga si Sandy nang pumasok sa kwarto nya kinabukasan sila Aileen at Lisa. Dinalhan sya ng mga ito ng agahan. Bagamat wala syang gana ay pinilit nyang kumain. Lingo noon kaya walang magandang palabas sa t.v. Hindi nya na muna pinaalis ang dalawa para may kasama sya sa kwarto.

"May mga goons pa rin ba sa labas?" tanong nya sa dalawa. Bagamat alam nya kahit ang mga ito ay nagtataka, hindi na nagtatanong ang mga ito.

"M-meron pa rin senyorita. Iilan na lang. M-maaga rin umalis si Senyorito." Sagot ni Aileen.

"H-hayaan nyo sya. Ayoko na syang pakealaman." Naiiling na sabi nya.

Nagsalang na lang sya ng chick flick at nanuod silang tatlo. Nagpaluto sya ng French fries at nagpakuha ng mga junk foods sa dalawa. Wala syang balak lumabas ng kwarto nya sa maghapon. Habang hinihintay nya ang mga ito ay tinawagan nya si Renz.

"Nakakaloka ka naman te! Bigla ka na lang nawala! Ano ba nangyari? Sinundo ka daw ng asawa mo sabi ni papa Prince?" Kaagad na bungad sa kanya ni Renz ng mabosesan sya nito sa kabilang linya.

"S-sorry talaga Renz. M-may pinag-usapan lang kami." Dahilan nya.

"Uhum! Ano pa ba magagawa ko?" Humahalukipkip ma sabi nito.

"A-ano'ng sabi nila Beatrice?" Tukoy nya sa mga high school classmates na kasama nila kagabi.

"Syempre nagulat rin. Inentertain na lang kami ni papa Prince."

Napangiti sya. Prince never let her down.

"Sorry talaga ha? Babawi talaga ako. Maybe next week, my treat." Sabi nya na lang. Ngayon nya ramdam ang pagiging mayaman, mapera. Madali nyang nasasabi ang katagang 'my treat' dahil alam nya na kayang kaya nyang ilibre ang mga ito.

"Okay! Asahan namin yan at sana naman, hindi ka na basta basta mawawala! Jusko!"

Matapos nilang mag-usap tungkol sa iba pang bagay ay ibinaba nya na ang telepono at kinuha ang cellphone nya upang tawagan naman si Prince.

Tatlong ulit syang nag dial pero walang sumasagot ng cellphone nito. Binundol ng kaba ang dibdib nya. Possible kaya na may nangyari dito?

She sent him a text message to call him right away after he received her message and that she is worried. Hindi naman sya nabigo dahil makaraan ang thirty minutes before twelve pm ay tumawag ito sa kanya.

"Sorry, kakagising ko lang. May problema ba?" Tila pupungas pungas pa na tanong nito.

She's glad he's okay. "N-no, wala naman. Hindi ka kasi tumawag o nagtext. Nag-alala lang ako." Sincere na sabi nya.

She heared him chuckle. "Nako naman. I can take care of myself and I'll be fine, okay? Don't wory about me. How about you? What happened last night?"

Bumuntong hininga sya. "Hayun, as usual. Nag walk out ako sa kanya. Nakakainis na talaga. Hindi ko na sya maintindihan."

Muli ay tumawa si Prince. "Siguro sa ngayon, kailangan mo na muna syang sundin. Malay mo, para sa safety mo rin yang ginagawa nya."

"Safety? Safety ko? As if may magtatangka sa akin, no! I'm just a nobody. Well, except for a very rich husband and a celebrity friend."

"Oh, kita mo? Ikaw na ang nagsabi. Kaya stay put ka na muna dyan."

"Hay! Nako naman. Hindi pa rin ako sanay ng may mga nakabuntot na alalay sa akin. Kita naman tayo ngayon kung hindi ka busy. Please?" pakiusap nya.

Hindi kaagad nakapagsalita ang lalaki sa kabilang linya.

"What, it isn't a good time?" Tanong nya ulit.

"N-not really. Actually may event kami na dadaluhan sa Cebu today with Freedom. Three days kami mamamalagi doon. Mamayang three pm ang flight namin. Papasalubungan na lang kita." Paliwanag nito.

"Hmm. Sige na nga! Ingat ka!"

Saktong pagkababa ng linya ay may kumatok sa kwarto nya. Si Aileen.

"Eh senyorita, pinapababa ho kayo ni senyorito. Sabay daw kayong kakain." Tila hindi mapakali na sabi nito.

"What?!" Nanlaki ang mga mata nya. "A-ayoko nga! Bahala sya. Naiinis ako sa kanya." Sabi nya.

"You will eat with me whether you like it or not." Mula sa kung saan ay sumulpot ang asawa nya at sinabi iyon.

Nabitawan nya ang hawak na cellphone.



-------------------

Hello! Pa follow. :)

instagram.com/heyleelay

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon