Chapter 65 - Officially Dating.

66.5K 758 96
                                    

Sandy thought she played her part well. Hindi nya naman kasi pwedeng ipaalam sa asawa nya na nag-usap sila ni Roberto Santillan at ito ang nagsabi, mas malaking gulo. Mas mabuti na yung nagmukha syang tanga sa harap ni Sophia, although wala talaga syang alam about sa parents ni Prince or sa kung ano ang usapan ng dalawa.

Pinapaayos nya na muna ang papers and all ni Sophia bago ito dalhin sa isa'ng mental institution. Syempre pa at kakausapin nila ang mga tao sa hospital since ang sabi naman ni Aled, ito na ang bahal magsabi sa parents ni Sophia na nagbabakasyon lang ito somewhere.

Hindi nya masyadong kinikibo si Aled. Best actress na ang pakiramdam nya.

"Babe.." Tawag nito sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa kotse at pauwi na. Kapwa sila nasa likod samantalang nagpasama sa isa'ng driver ang lalaki. Marahil ay nais nitong suyuin sya. SANA NGA.

Hindi sya kumibo.

Hinila nito ang kamay nya at hinawakan. "Shopping tayo, gusto mo?"

Muntik na syang mapabunghalit ng tawa. Seryoso ba ito? Pagshashopping ang isusuhol nito sa kanya dahil sa kasalan kuno nito sa kanya?

She composed herself then looked at him. "Sige."

Sa totoo lang ay wala syang pakealam sa mga bibilhin nila. Gusto nya lang ito makasama sa labas. Kung tutuusin this will almost be the first na magkasama silang lalabas ng hindi ito parang leon sa sungit.

He instructed the driver na pumunta sa isa'ng sikat na mall. Nang maihatid na sila ay binigyan na lang nito ng pero ang driver upang mag commute pabalik sa ORION at kinuha nito ang susi. Magkahawak kamay silang naglakad lakad.

"Hindi ka pa ba nakakapili?" Maya maya ay kunot ang noo na tanong nito sa kanya.

"Ha?"

"I though you said yes when i asked you na magsha-shopping tayo?"

"AH! oo. I mean, hindi pa ako nakakapili." Paano sya makakapili kung hindi naman sya pumipili?

"Babe, hindi ka pa nag-aaya pumasok sa kahit na isang stores dito. Paano ka makakapili?" Naiiling na tanong nito.

Natawa sya. "Masyado ka. Eto na po." Hinila nya ito sa isa'ng boutique na kilala ang pangalan.

Automatic na umupo si Aled sa isa'ng couch na malapit sa dressing room. Daig pa ang boyfriend na sanay na sanay maghintay at sumama sa girlfriend nito na ginagawang hobby ang mamili ng damit. Natawa sya sa naisip.

She started browsing over the pa-girl dresses in the racks. Naghahanap sya ng particular color. Napangiwi sya ng makita na halos lahat ng naroroon na design ay backless, spaghetti straps or masyadong revealing ang design.

Muli syang napangiti ng makita na may mga cardigan at bolero naman doon. Two saleslady assisted her. Mukhang alam ng mga ito na madami syang bibilhin.

Hindi nya na mabilang ang mga napili nya na isa-isa nyang sinukat at ipinakita sa asawa. Panay approved sign ang sinisenyas nito, bagamat may tatlong outfit syang sinuot na nakita nyang napangiti ito ng makita sya.

Ilang boutique pa ang pinuntahan nila at natatawa sya dahil hindi man lang talaga ito umaangal o nagrereklamo. Swipe lang din sila ng swipe ng card nito. Hay, the good life.

Pasado alas dos na ng matapos silang mamili. May mall attendant na naglagay ng mga pinamili nila sa kotse. Sinabihan na lang ito ni Aled na puntahan sila sa isa'ng restaurant na nasa mismong mall rin upang ibalik ang susi.

Hindi lang gutom kundi uhaw ang inabot nila.

Ksalukuyan na silang nasa gitna ng pagkain ng biglang magsalita si Aled.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon