Epilogue (Finale)

102K 1.5K 288
                                    

1 year later 


"Ate! Aren't you coming with us?"

Nilingon ni Sandy ang kapatid na si Carina. Nasa likod nito ang mama nila at ang bunso nilang si Chloe. The three of them were wearing fuschia dresses.

Ngumiti si Sandy at tumango. "Susunod na lang kami." Itinuro nya ang kotse nya. Kasalukuyan pa ito'ng nililinis.

Nagkibit balikat si Carina. "Okay. See ya!" Kumaway na lang din ang mama nila at si Chloe.

Inilibot nya ang paningin sa paligid. Pakiramdam nya ay maaliwalas ang umaga na iyon, tila kumakanta ang mga ibon. Bagong gupit ang mga halaman sa malawak na garden ng mga Santillan.

Nang tumama ang mga mata nya sa pintuan ay napangiti sya ng makita ang asawa. He was wearing a tuxedo and he looks very dashing with it.

Kaagad nya ito'ng nilapitan at hinalikan ng mabilis sa labi. "Ang gwapo gwapo naman ng asawa ko." Sabi nya at yinakap pa ito.

"I know." Sabi naman ni Aled. "So, shall we?"

Humiwalay sya rito at tumango.

They headed to the car. Tapos na ito'ng linisan at sumakay na rin ang driver nila.

They were going to a very special occasion.

Ilang minuto na silang nasa byahe ng iharap sa kanya ni Aled ang cellphone nito. Makikita na tumatawag doon si Dychie.

Napangiti sya at inabot ito mula sa asawa. Sya na ang sumagot.

"Hey.. kamusta?" Masiglang sagot nya.

"I'm fine, a bit nervous. What's taking you so long?" Tila anytime ay magbabato na ng tantrums na sabi ni Dychie.

Natawa sya. "Don't worry, on the way na kami. Natagalan mag ayos ng buhok si Aled." Sabi nya.

"Okay, good. Sila tita Lyn? Sila Carina?"

"Kanina pa umalis sila Mama Lyn. Sila mama naman, nauna lang sa amin ng ilang minuto. Ano ka ba, huwag ka ngang kabahan." Natatawang sabi nya.

"Hay, dalian nyo na ha."

"Oo, wala naman traffic kaya makakarating kami dyan agad."

Nang maputol na ang linya ay iniabot nyang muli ang cellphone kay Aled. Kinuha nito iyon ng hindi tumitingin sa kanya. Tila may malalim ito'ng iniisip. Dalawang beses nya pa ito'ng kailangan tawagin bago ito tumingin sa kanya.

"What are you thinking?" Nagtataka na tanong nya.

"Wala naman." Umiling ito.

Nagkibit balikat na lang sya. Ani na buwan na ang nakakalipas mula ng matanggal ang cast sa braso nito at naging fully functional na ulit ang braso ng asawa. Kahit ano'ng pilit nya ay ayaw nito sabihin kung paano ito nagka tama.

Pero syempre, dahil mukhang mas loyal na sa kanya si Wilson ay ito ang nag kwento. Matapos kasi mabaril ni Ysabelle si Julie ay nakita ito ni Keith at akmang babarilin na sya when Aled jumped out. Wala na syang malay noon. Traumatic ang eksena na nakita nya nung kay Ysabelle at Julie kaya natural na na-shock sya. Then, Keith fired the gun, natamaan si Aled sa braso but then, naroon sila Wilson at sila ang bumaril kay Keith.

Sa pito'ng myembro ng team ni Keith, which is sumama lahat sa katrayduran nito, apat ang patay. Buhay ang tatlo ngunit puro mga sugatan. Nasa kulungan na ang mga ito. Naging maingay ang pangalan nilang mag-asawa for a while, damay na ang mga parents ni Aled ngunit naging maayos ang lahat.

Naging aware sila Donya Lyn at Don Renato sa violence na kinasangkutan nila ngunit hindi pa rin alam ng mga ito ang tungkol sa Orion. Walang naka alam sa mga bawal maka-alam. Nagkaroon ng kaunting pagsermon. Marahil ay hindi na talaga napigilan ng mga ito na pagsabihan si Aled, at sya.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon