Chapter 53 - Warzone Part 1.

61K 645 42
                                    

Sandy woke up with a sore head.

The moment na bumangon sya at nasinagan ng araw ang mukha nya ay gusto nya ng maduwal dahil sa hilo na nararamdaman nya. Daig nya pa ang naglilihi na agad na tumakbo sa bathroom ng kanyang kwarto matapos bumangon.

This will be the first time na isusumpa nya ang alak. Bamagat hindi nya na alam kung ano ang mga nangyari, kung paano sya nakauwi, ay alam nya pa rin ang puno't dulo kung bakit nya inaya sa Cashlin si Renz.

"Naku senyorita gising na ho pala kayo. Heto ang gamot pati ang shake. Gamot sa hangover." Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Aileen ay agad syang pinuntahannito  sa bathroom.

Naka tungo pa rin sya sa lababo na tila may isusuka pa. Naluluha na sya at pakiramdam nya ay nanghihina na sya. Hinahagpd ni Aileen ang likod nya.

"W-water.." She asked.

Aagd na lumabas sa bathroom si Aileen at ipinasok na doon ang dalang tray. Inabot nito sa kanya ang isa'ng baso ng tubig na matapos nyang uminom ay muli nyang ikinasuka.

"Senyorita naku naman, wala pa ho yata kayong kinakain mula kagabi." Halata ang pag-aalala nito.

"I'm o-okay." Sabi nya. Nang maramdaman nya na ang tila pagtigil ng paghilab ng kanyang tyan ay kumuha sya ng tissue at pinunas sa kanyang bibig.

Naghilamos sya at lumabas na sa bathroom. Si Aileen naman ay sumusunod lang hawak pa rin ang tray. Nang umupo sya sa bed side at sinapo ang kanyang ulo at inilapag nito ang tray sa bedside table at tumabi sa kanya.

"Kumain na ho muna kayo."

"W-wala ako'ng gana. God umiikot pa rin ang paningin ko." Padaskol syang humiga sa kama at pumikit ng mariin. Sa lagay nyang iyon ay alam nyang hindi na sya makakapasok pa. At pasado alas otso na rin naman.

"Lasing na lasing ho kayo kagabi. Ano ho ang nangyari?" Inabot ni Aileen ang banana milk shake ng muli syang tumayo, which she gladly took dahil nanghihina na talaga sya.

"I don't want to talk about it. S-sino pala ang sumundo sa akin? How did i got home?" Sunod sunod na tanong nya.

"Eh..." Yumuko ito na tila pinag iisipan ang sasabihin.

Nangunot ang noo nya. Matapos mainum ang halos kalahati ng banana milk shake ay inilapag nya iyon pabalik sa tray. "Aileen?"

"Si senyorito po." Nakayuko pa rin na sagot nito.

"Damn." Mahinang sabi nya. "Where is he? Pumasok ba sya?" Agad na lumukob ang galit sa kanya ng banggitin nito ang asawa nya. Her cheating husband.

Umiling si Aileen. "N-nasa garahe po-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at bumulaga si Aled.

Automatic na tumayo si Aileen at agad na lumabas ng kwarto nya. Bumuntong hininga sya at umiwas ng tingin rito. Sa totoo lang ayaw nya talaga ito'ng makita. SInampal na lang sana sya nito kesa ang i broadcast nito ang pangloloko nito sa kanya.

"What are you doing here?" Matigas na tanong nya.

"What were you doing at Cashlin last night?" Balik tanong nito sa kanya. He stood in frontof her, his hands on his pockets.

"Uminom." Sagot nya, still not looking at him.

"Yeah, nagpakalango. And what were you thinking?! Hindi ka na halos makapaglakad kagabi, for God's sake! Is that your idea of good time?!" Asik nito.

"What about you, what's your idea of good time? Ang makipag date sa babae mo in public? Ang ipakita sa kanila kung gaano kayo kasaya at ang malaman ng buong school?!" Matigas ang tingin na pinukol nya rito.

"What?!" Bagamat mukhang genuine ang gulat sa mukha nito, what the hell! wala syang pakealam.

"Ow. Nagulat ka? Nagulat ka na alam ko kung sino ang kasama mo kahapon? It's all over the internet! Nasa SB social scene website ang pictures nyo ng babae mo! Mangloloko!" Hindi nya na napigilan ang bugso ng damdamin nya. Tumayo sya s aharap nito.

"What? What the hell! Hindi ko sya babae! I went out with her for business! Ako pa ba ang mangloloko? You were talking with Prince the whole night last last night and all i thought natutulog ka na?" Galit din na sabi nito.

Sya naman ang na shock. "What? What are you talking about? Gumagawa ka ng kwento para ibalik sa akin ang pangloloko mo?!"

"Damn!" Bago nya pa mamalayan ay bigla nya na lang nakita na sinuntok ni Aled ang pader na malapit dito.

Napatigil sya. Her mind went blank all of a sudden.

Hindi na nagsalita ang lalaki. Tuloy tuloy ito'ng lumabas ng kwarto nya without saying a word.

Nanghihina naman syang muling napaupo sa gilid ng kama nya.







Samantala..

Nanggagalaiti sagalit si Sophia habang nilalamukos ang printed copy ng article mula sa website ng Saint Bernard Social Scene kung saan makikita si Aled kasama ang model na si Willa Sparks.

What the hell is with Aled?! Why can't he just date her instead of that slut?!

Hindi pwede to. Sa kanya lang si Aled. No one can have him.

She gathered her men then told them to stalk Willa Sparks and tell her everything about that girl or kung magkikita pa ulit ito at si Aled. She can just easily tell them to kill the poor girl just like how she ordered them to kill Sandy but then, gusto nya pang paglaruan ang mga babae na pumapalibot sa Prinsipe nya.

Ini enjoy nya pa ang sarili bago sumabak sa plano na matagal tagal rin nyang pinagplanuhan.

If Sandy won't die, someone is deffinitely going to.






Hindi lumabas ng kwarto buong araw si Sandy. Dinadalhan lamanh sya ni Aileen ng pagkain at bagamat wala syang gana ay pinilit nyang kumain kahit kaunti. She is very well aware na napapansin na rin ng iba'ng tao na tila pumapayat sya.

Naisip nya na pumunta muna sa kanila pero ayaw nya ng pag isipin ang mama nya at ang mga kapatid nya. May asawa na syang tao. Bagamat bata pa sya, teenager sa paningin ng iba, may asawa na sya. Just like what her mother told her, sya na ang dapat magdala ng pagsasama nila.

She sighed.

Gusto nyang sisihin ang sarili nya. Sa pag-aakala nya na smooth sailing na talaga ang pagsasama nila. Hayun at nambabae ang asawa nya. Wala na ba talagang katapusan ito?


----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon