Chapter 26

2.1K 62 6
                                    

© Shupershimmer

“Alam mo, gusto kong mag-out-of-town,” sabi ni Irish sabay paikot ng mga kamay niya sa bewang ko.

Kasalukuyan kasi akong nagluluto ng breakfast naming eggs and bacons. Naramdaman ko ang paglapat ng katawan niya sa likod ko, tapos nginitian ko lang siya.

“Talaga?”

Naramdaman ko’ng pagtango niya. “Masyadong nakaka-stress dito sa Manila. Ikaw, di ka ba nabobored sa buhay mo?”

Nilipat ko sa plate ang huling set ng bacons. I smirked before answering. “Di naman ako nabobored sa’yo, e. Unless gano’n ka sakin.”

Bigla niya akong hinampas sa likod tapos narinig ko na natawa siya. Pinatay ko ang electric stove saka siya bumitaw para umupo sa dining table.

Sa totoo lang wala pang ligo si Irish—sa unit niya na lang daw siya mag-sho-shower. Nakasuot lang siya ng bathrobe ko, at naka-bun ang buhok niya. Kahit siguro plastic garbage ang suot niya, maganda parin siya.

Habang kumakain kami, nagsalita naman siya.

“Um, sa’n mo gustong pumunta?”

I shrugged, no idea at all. “Ikaw?”

“Gusto ko sana sa beach. O kaya kahit saan na malawak, at may tubig.”

Di ako sumagot. Hindi kasi nagreregister ang mga sinasabi niya ngayon sa utak ko—masyadong magulo ang utak ko ngayon.

“Alam mo bang one time, sinama ako ni Ivan sa Palawan dahil may photo project ang team nila do’n?” Todo kwento pa siya. “Grabe! Super ganda, at ang linis ng tubig. Nakakuha pa nga ako ng mga sea shells, e, nakadisplay sa bahay. Tapos nung second month namin, dinala niya ‘ko sa Laguna.”

Tumahimik si Irish nang mapansin niya na nanahimik na lang ako, at uminom ng tubig.

“Pagkatapos ng nangyari sa’tin, ikkwento mo ang ex mo sa harap ko?” mahinang sabi ko kay Irish.

“I’m sorry.”

“Wala akong paki kung sa’n ka niya dinala. Nasa’n ba siya no’ng kailangan mo?”

Hindi sumagot si Irish sa sinabi ko. Tumikom lang siya habang kumakain. Pagkalipas ng isang minuto, saka lang din ako umimik.

“Sabihan mo na ang manager mo na magli-leave ka nang three days.”—sabay tingin sa kanya—“Nakapag-reserve na ‘ko sa Batangas.”

Kahit hindi ako direktang nakatingin pagkatapos no’n, kitang-kita ko na umangat ang ulo niya at bigla siyang napangiti. Sa totoo lang, wala pang reservation—imbento ko lang ngayon—pero madali na lang ‘yong asikasuhin mamaya.

“Weh?”

I heard the happiness in her voice. Irish.

“O…o,” nag-aalangang sagot ko.

“Kinikilig ako,” bulong niya. “Adam, nag-iimprove ka na!”

Napakunot na ang noo ko sa sinabi niya. “Nag-iimprove?”

Ngumiti na naman siya, kaya pinagpatuloy ko ang kinakain ko para di makita. “Nag-eeffort ka na.”

“You mean to say, naging wala akong kwentang partner?” tanong ko kay Irish.

Umiling siya. “I mean, gumagawa ka na ng way para magkaroon tayo ng time sa isa’t isa. Gaya nito.” She waved her hand. “Gaya ng sinabi mo na pupunta tayo sa Batangas. Nakakakilig kaya!”

Pagkatapos no’n, ngumiti ako.

“Aw, nagba-blush ka? Seryoso ba ‘to?” biro niya.

“Di ako nagba-blush,” naiinis na sagot ko agad.
“E ba’t ka namumula?”

Inismiran ko siya at tumayo para kumuha ng fresh milk sa refrigerator. Alibi na rin para hindi niya makita ang mukha ko. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niyang namumula ako, pero kung totoo man, hindi na tama ‘to.

Nung mahimasmasan na ‘ko, bumalik ako sa mesa at kinain ang natitira sa plato ko.

“Akala ko dati, wala nang progress satin.”

Sabi ni Irish habang nakapatong ang dalawang siko niya sa mesa, at naka-fold ang mga kamay. Di na lang ako umimik.

“Akala ko di ka na magbabago. Alam mo ‘yon? Palagi ka kasing seryoso, tapos walang ka-sweet-an sa katawan. Bilang na bilang ko lang kung kailan ka nagsabi na mahal mo ‘ko. Hindi mo ginagawa ang gawain ng normal na boyfriend… inisip ko pa nga na baka niloloko mo lang ako.”

“Kumain ka lang ng itlog nabaliw ka na.”

Pagkasabi ko no’n, bigla kaming nagkatinginan, at tumawa siya nang malakas kaya pati ako napailing na lang.

“Pero alam mo… nagbalak akong makipag-break.”

“Kailan?”

“No’ng isang araw lang. Naaalala mo no’ng sinundan tayo ni kuya Christian at muntik pa kayong mag-away?” hinawi niya ang nag-dangle na buhok sa tenga niya. “Inisip ko na baka wala naman point ‘tong relationship, dahil hindi ko maramdaman na mahal mo ‘ko.”

“Ba’t hindi mo sinabi sakin?” tanong ko.

“Hinihintay kasi kitang gumawa ng way.”

I tightened my lips then replied, “Hindi mind readers ang mga lalake. Kayo lang may ability na gano’n.”

“Ewan, naparanoid lang yata ako dahil sa past ko. Naexperience mo na bang maloko ng babae, Adam? ‘Yong tipong isang araw nalaman mong nagsinungaling siya… or what.”

Umiling ako. “Hindi pa naman.”

Natawa siya nang bahagya. “Siguro ikaw ang gano’n.”

I just smirked and crossed my arms. Pinagmamasdan ko lang si Irish kahit na dalawang talampakan lang naman ang pagitan namin sa mesa. At bigla akong nakaramdam ng bagay na hindi ko naman na-experience sa past subjects ko.

Sa gilid ng mukha ni Irish, natanaw ko ang bintana ng kitchen ko na nakaharap sa sunrise. Pagka-adjust ng mga mata ko sa view, bumalikwas ako sa pagkakaupo at sumigaw.
“Irish, yuko!”

At biglang umalingawngaw sa loob ng bahay ko ang basag na salamin ng bintana.

Narinig ko ang pagtili ni Irish pagkarinig niya ng putok ng baril. Nagtago kami sa ilalim ng dining table pero isang putok lang ang narinig namin. Ilang minuto akong nakiramdam sa paligid bago nagtanong si Irish.

“Ano’ng nangyari?!” sigaw niya habang takot na takot. “Sa’n galing ‘yon?!”

“Galing sa rooftop ng convenience store…,” hinihingal na sagot ko sa kanya sa ilalim ng table. “Dito ka lang.”

I crouched as I went to my room and got my own weapon just in case. Paglabas ko, nakita ko ang tama ng baril sa salamin ng bintana, at saglit na sinilip ang rooftop na malayo-layo kung tutuusin.

Hindi ko nakita ang shooter—hindi ko rin alam kung babae o lalake. Masyadong mabilis lahat ng nangyari.

“Clear. Lumabas ka na d’yan Irish.”

Lumabas si Irish sa ilalim ng mesa at lumapit siya sakin na halos mangiyak-ngiyak pa siya. Pagkakita ko sa mukha niya, niyakap ko siya agad para kumalma.

“It’s okay, I’m here. I’m protecting you.”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon