Chapter 15

3K 74 20
                                    

© Shupershimmer

I stepped on the break and the engine stopped.

“Ready?” tanong ko kay Irish habang nagtatanggal ng seatbelt.

“Not sure.”

“Grace, smile, and watch—yun lang naman ang kailangan mong gawin mamaya.”

Lumabas ako sa driver’s seat tapos umikot pakabila para pagbuksan siya ng pinto. Nagkangitian kami nang magkaharap at halatadong hindi siya kumportable.

Pumunta kami sa mismong event—which was half-outdoor, half-indoor—dahil nga sports car ang pinakaimportante sa gabing ‘to.

Nakita ko na agad si Gio na nakasuot ng plaid polo na nakatupi sa bandang siko niya, habang hawak ang isang baso ng champaigne.

“Yo!” tawag niya sabay lapit samin ni Irish. “Hi, Irish. Glad you came.”

“Hi,” bati ng katabi ko sakanya.

“Adam, gusto mong mag-drive ng mga i-o-auction? Grabe, pre, ang lulupit ng mga sports car at may mga vintage pa.”

I just shrugged. “Sure, why not. Ikaw?”

“Uh, idada-drive ko ‘yon.”—sabay turo sa Jaguar sports car na may white and blue details—“I’ll make a show!”

“Nice,” sabi ko sabay tango sa sports car. “I like that.”

“Then bid.” He grinned.

“Let’s see.” Napatingin ako kay Irish na ang layo ng tingin. Inakbayan ko siya. “Sige, ililibot ko muna si Irish.”

Tumango na lang si Gio at umalis papunta sa isa pang kakilala. Binaba ko ang kamay ko sa balikat ni Irish at tinignan ko siya sa mata.

“Okay ka lang?”

Tumango lang siya.

“Gusto mong kumain?” tanong ko habang nakatingin sa wristwatch. “May thirty minutes pa para mag-start.”

She shrugged, and I led her to the catering. Kumuha lang kami ng fondu at konting dessert total mamaya pa ang main course. May na-meet din kaming kasamahan namin ni Gio, at pinakilala ko si Irish. Shake hands. Chats. Paulit-ulit lang.

Bago ako pumunta sa idadarive kong vintage car—na tinuro ni Gio haabng kumakain kami—kinausap ko si Irish.

“Don’t miss my part,” nakangiting sabi ko sa kanya.

She rolled her eyes, and smiled. “Magyayabang ka, no? Don’t tell me paliliparin mo ang kotse sa harap ng audience?”

“Pwede.” I tilted my head on one side.

“Car racer ka ba dati?”

“Oo, pero hanggang ngayon ginagawa ko—lalo na kung pustahan. It’s exciting.”

“Illegal ‘yon, diba?” tinignan niya ko nang nakataas ang kilay. “Nahuli na ba kayo?”

“Muntik na.” Ngumiti ako. “That’s the most exciting part: Racing without getting caught.”

Tumawa ako nang bahagya tapos umiling siya dahil di makapaniwala. Natahimik kami nang ilang segundo at tumingin lang siya sa mga taong dumadaan-daan sa pwesto naming dalawa.

“Maybe next time, pwede kitang isakay sa mabilis na sports car, tapos gagawa ng exhibitions.” I smirked. “Ano sa tingin mo, Irish?”

Her face became terrified just by the idea of it.

“Ayoko!”

“Yes, you will. Pipilitin kita.”

“Kung mapipilit,” sarcastic na sagot niya.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon