Chapter 4

4.2K 99 4
                                    

© Shuperhimmer

"Ba't na sa'yo 'to?"

Nagsalubong ang kilay ni Irish pagkahablot ng wallet niya sa kamay ko. Balak ko pa sanang ilapag sa mesa, pero nakita niya agad na hawak ko.

"Snatcher ka ba?" hinanaan niya ang boses niya, pero suspicious parin ang tono.

 I wet my lips for a while, feeling dry of all of sudden. Then, I smiled at her scowling face.

"Wala naman akong nakuha," sagot ko. "Nakita ko 'yan kahapon. Pag-alis mo."

Di niya ako pinansin; busy siya sa pagbukas at pagkalkal sa mga laman ng wallet niya. Too good I returned it to their exact places.

"Nakakatakot ka, ha," bulong niya habang tinitignan ang namepin niya."Kaya pala nalaman mo na nandito ako. Sana naman hindi mo tinitigan ang pictures ko."

She looked up at me, and raised her eyebrows. I couldn't help but smirk sarcastically. Hindi ko naisip na may ganyan siyang ugali. Pero, nakakatuwa.

"I did," I firmly replied.

Dumating ang inorder namin, at natahimik siya. Diretso lang ang mga mata niya sakin dahil sa sinagot ko, habang ako, busy sa pag-inom ng tubig. Saka siya nagsalita nang nawala ang waiter.

"Ano'ng sinabi mo?"

"I did," nilapag ko ang baso sa puting tela ng mesa. "How should I know you're the owner if I didn—"

Natigilan ako nang mapansin kong naningkit ang mga mata niya habang nakapatong ang dalawang kamay sa gilid ng pizza plate niya.

"Just be glad I returned it," I snapped and started to eat.

Nanahimik siya at nagsimulang hiwain ang pizza niya.Ako naman, kakain saglit, at titignan siya. Napapangisi lang ako sa kanya, everytime na makikita kong nakatingin siya sakin habang ngumunguya.

This was why I hate dates.

"May lahi ka bang American?" tanong niya. "English ka nang english."

Umiling ako habang nakasalubong ang kilay."Pinoy ako. Mas mataas lang siguro ang English proficiency ko kaysa sa'yo."

Umismid siya at tinusok ang tinidor sa pizza crust. Ang wirdo talaga ng Irish na 'to. Ngayon lang yata ako nakakilala ng taong may split personality. Araw-araw, iba-iba ang ugali niya.Kahapon, nanigaw siya, tapos bumait.Ngayon, napakamatanong niya.

Ako ang nagbayad ng bill. Ang nakakatawa lang, nag-eexpect akong mag-rereact siya o tatanggi na ako ang magbabayad, pero pagkaabot ko ng pera sa waiter, parang wala lang.

"I hope, hindi ito ang huling pagkikita natin," sabi ko sakanya habang nilalagay ang wallet sa back pocket ko.

Inayos niya ang buhok niya. "Ano bang dahilan para makita ulit kita?"

Now, she's acting bitchy. Para siyang high school girl na nam-bu-bully ng isang nerd sa loob ng campus. Ang pinagkaiba lang, hindi siya nakamake-up. Nonetheless, her lips fit mine. I wanted to try it.

I leaned forward. "I can make reasons to see you."

Natawa siya nang bahagya, at napailing. Sinandal ko na lang ulit ang likod ko sa upuan, at inayos ang polong suot ko.

"May crush ka ba sakin?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng butones sa sinabi niya. Bigla akong ngumiti, at tinignan siya.May utak naman pala siya kahit paano.

"Crush?" I beamed. "Teenager ba tayo? Highschool students?"

"I'm sorry, pero kapareho mo ang iba. Sa mga titig mo sakin simula kanina hanggang ngayon, alam ko na ang bottomline ng usapan na 'to."

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon