Chapter 27

2K 66 2
                                    

© Shupershimmer

Matagal-tagal bago ko napakalma si Irish. I even had to send her to her unit just to be safe. Pagbalik ko, nag-report ako sa security ng building at iniimbestigahan na raw nila ang nangyare.

Mga ilang oras din nila akong ininterview tungkol sa insidente—nagtanong ng mga bagay-bagay.

Pagkatapos ng interrogation, nag-lunch lang ako sa labas at pumunta sa Racer Club para mag-drive nang mag-drive kahit paikot-ikot ang course. Gusto ko lang mabawasan ang stress na naramdaman ko.

I kept on thinking who was behind it-who tried to kill me. Unang naisip ko si Miguel—baka may inutusan siya—pero parang hindi. Siya pa nga mismo ang humikayat na tapusin si Irish in two weeks. Imposible ring si Christian—mawawalan siya ng pera kapag binaril niya ‘ko.

Of course, I guessed it was somehow connected to the pizza box and the sticky note I just received.

Bumalik ako sa bahay nang wala paring balita sa resulta. I assumed na wala silang magagawa pa dahil walang evidence na nakita. Isa pa, nagsinungaling ako nang tinanong nila kung may nakaaway ba ako noon. Dahil pag sinabi kong meron, baka kalkalin nila ang buhay ko.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, tumunog ang doorbell sa pinto ko kaya napalingon agad ako.

“Sino ka?”

Ngumisi ang lalaking bumungad sa pinto ko, sabay nilabas niya ang ID niya. “Ferdinand Ong, investigator.”

“Ano’ng kailangan mo?”

“Kailangan ko lang sana ng interview tungkol sa…,” nagpamewang pa siya, habang napapaisip. “…ilang pangyayaring konektado ka.”

I found it absurd. Dati, detective ang pinadala nila, ngayon investigator na. Di pa ba sila kuntento? Patay na si Selina; kahit ano’ng gawin nila, di na siya mabubuhay.

“Hadn’t I made myself clear about that?” seryosong tanong ko. “Sa pagkakaalam ko, sarado na ang kaso ni Selina, bakit ka pa nandito?”

“Unfortunately, hindi ang kaso niya ang pag-uusapan natin. If you won’t mind, kailangan kitang tanungin privately.”

Lumingon ako sa paligid, at kaming dalawa lang ang nasa hallway. Wala rin ako sa mood na mag-entertain ng ibang tao dahil sa nangyari kaninang umaga. Isa pa, kailangan kong malinis ang pangalan ko sa hindi mamatay-matay na problemang ‘to.

“We’re talking privately. Ask.”

Bakas ang frustration sa mukha ni Ong. Bumuntong-hininga na lang siya saka kumuha ng notebook at ballpen.

“Kilala mo ba sila?”

Naglabas siya ng limang picture ng babae. Obviously, hindi ko sila kilala lahat, pero ‘yong isa, nakita ko na. Subject ni Gio dati.

“No.”

“Ito ang pictures ng mga babaeng namatay sa loob ng nakaraang buwan. Halos lahat ng kamag-anak nila, walang idea kung bakit bigla nalang namatay ang mga ‘to.”

“Ano’ng gusto mong sabihin?” naiinis na tanong ko. "They have nothing to do with me."

"They were killed by either gunshots, or poisoning. Worse was, this girl was raped to death." .

May pinakita siya sakin na isa pang picture ng hubad na katawan ng babae, punong-puno ng pasa at sugat.

I just stared at him.

“May balita ka ba sa mga kumakalat na blog? Nakaraan lang, may kumalat sa Facebook na site kung saan naka-post ang confession ng isang babaeng nakaligtas sa taong papatay sana sa kanya. At nakaraang linggo lang, isang babae ang nagsabing may kaibigan siyang nabiktima ng ganitong modus.”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon