Chapter 24

2K 54 6
                                    

©Shupershimmer

That struck me bigtime.

Parang tumigil ang mundo. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa narinig ko. Paano niya nalaman?

Nag-relax ako at huminga nang malalim, saka humarap kay Christian. “What do you mean?”

He smirked evilly. “Wag na tayong maglokohan, Adam. Narinig ko lahat-lahat. Alam kong papatayin mo siya. Alam kong may nag-uutos sa’yo. Alam kong mamamatay tao ka.

“Ano’ng ebidensya mo?” Nakangiting tanong ko.

Ngumisi ang loko, at umiling-iling pa. Dito ako lalong nainis. Nakabilog na ang dalawang kamao ko, at bumibilis ang paghinga ko.

“Mahalaga pa ba ‘yon? Di mo ba iniisip na pwede kong gamitin ‘yon laban sa’yo?” Tumaas ang isang kilay niya. “Paano kung malaman ni Irish? Paano ka pag nahuli ng pulis? Tsk, tsk.”

Tumingin ako sa gilid. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

Tumawa siya nang malakas, at nag-echo na naman ‘yon sa parking lot. “Talaga bang magdedeny ka? Nahuli ka na! Narinig ko sa bar kagabi ang lahat-lahat! Wag mo nga akong gaguhin!”

Naglakad ako nang mabilis papunta sa kanya at sinunggaban ang kwelyo ng jacket niya.

“Sinusundan mo ba ako!?” I asked against his face. He didn’t answer and I pushed my hands harder. “Sumagot ka. Sinusundan mo ba ako?!”

Humawak siya sa kamay ko. “R-Relax. Mapag-uusapan pa naman ‘to, e. Alam mo naman… kung ano’ng magpapatahimik sa’kin.”

With that, I punched his face. Bumagsak siya sa sahig, at lumingon sakin nang dumudugo ang ngipin. Bago pa siya makatayo, hinila ko ulit ang kwelyo ng jacket niya.

“Tang ina, magkano ba ang kailangan mo?” I said through gritted teeth.

Ngumiti pa si Christian. “Nakakalat ang CCTV sa parking lot na ‘to. Gusto mo bang magkaproblema ha?” Binitiwan ko siya at tumayo ako mula sa pagkakaluhod.

Dumukot ako sa wallet ng eksaktong sampu na tig-iisang libo saka binato sa mukha niya.

“Wag na wag ka nang magpapakita sakin, at kay Irish,” banta ko. “Pag nalaman kong ginawa mo ‘yon, makikita mo ang killer na hinahanap mo.”

Nahirapan pa siyang umupo sa lupa at inisa-isa ang nagkalat na one thousand sa sahig. Iniwan ko na siya nang nagpupulot ng kakarampot na pera.

***

Habang nagluluto ako ng dinner para sa pagpunta ni Irish, lumilipad ang isip ko. At the same time, pinagpapawisan ako nang matindi. Was I that careless? Dati safe ang trabaho ko. Dati malinis ang lahat. Bakit ngayon?

Naalala ko nung gabing magkausap kami ni Gio. Masyadong magulo ang gabi na ‘yon para pansinin ko pa kung sino ang nagmamanman sakin.

Hanggang sa nasugatan ko ng kutsilyo ang daliri ko, imbes na ‘yong sibuyas.

Binuhusan ko agad ng alcohol ang sugat, at halos mapa-impit ako sa hapdi. Pagkatuyo, binalutan ko ng band-aid, saka tinuloy ang niluluto ko.

But still, I hadn’t thought of killing her. I was too occupied.

Maya-maya pa, may nag-door bell na sa pinto, at nakita ko si Irish sa labas. May dala pa siyang bote ng alak, at tinaas bago ngumiti sakin.

“Hi,” bati niya sabay lumapit sakin at humalik. “Masyado ba akong maaga?”

Napatingin ako sa apron na suot ko, at umiling sa kanya.

“No. Actually nag-struggle lang ako sa pagluluto.”

“Nagluto ka pa talaga?” Nakangiting tanong niya habang papasok. “Sana nagpa-deliver ka na lang. Pinahirapan mo pa sarili mo.”

“I only do it for special someone.”

She stopped walking, and brightly smiled. The next thing I knew, I was unconsciously smiling—too.

“Mukhang masarap; pwede na bang tikman?” I nodded. “Kailan ka pa natutong magluto?”

I shrugged boastfully. “Given.”

Pagkatapos naming kumain ng dinner, pareho kaming nakaupo sa couch—nakapatong ang ulo ni Irish sa balikat ko, at nakapatong ang mga paa niya sa couch—habang pinapapak ang French fries na niluto ko rin. Kasama na rin ang alak.

This time, walang TV, walang movies, walang music. Kaming dalawa lang ang maingay sa loob ng unit.

“Di parin ako makapaniwalang… nahanap mo ang Papa ko,” sabi niya habang hawak ang mangkok ng fries.

“You’re welcome.”

“Actually, gusto ko siyang makita ulit, pero parang… ayoko.” She looked up. “Paano kaya pag nalaman niya na anak niya ako?”

I shrugged. “Hindi ko alam. Gusto mo ba siyang makausap?”

Matagal bago siya makasagot. Napansin ko sa mga mata niya na nag-iisip pa siya. “Hindi rin ako sure.”

Hindi na ako sumagot. Nakikain na lang din ako ng fries. Hahalikan siya sa pisngi, sa leeg, sa ilong. Iinom ng alak. Habang namomroblema.

“Ano’ng ideal age mo para magpakasal?”

Nagulat ako sa tanong na ‘to ni Irish. Hindi naman nanlaki ang mata ko, pero matagal bago nag-register ang sense ng tanong.

“B-Ba’t mo naman natanong?”

“Naisip mo bang ikakasal ka sa isang tao?” kumunot ang noo niya. “Nag-plano ka ba minsan na magkaroon ng family?”

I hadn’t. To be honest.

“Uh. I’m not sure,” mahinang sagot ko.

Naramdaman kong nadisappoint siya sa sagot ko. Yumuko kasi siya, at lumuwag ang yakap niya sa likod ko. Hindi ko alam kung paano babawiin.

“I’m sorry.”

“It’s okay.”

“Marriage, I think, is only a matter of papers, and… 'title,’ mahinang sabi ko. “Kung kaya namang mag-stay nang walang marriage, why not?”

Hindi siya sumagot.

“Why, do you want to get married?”

Umiling lang siya. “Siguro later on, makakakilala ka rin ng partner na papayag sa terms and conditions mo.”

Napatingin ako sa kanya nang diretso.

“Nakikipag-break ka ba sa’kin?”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon