Chapter 5

3.8K 100 10
                                    

© Shuperhimmer


"Pakyu talaga 'tong si Ivan, e," sabi ni Irish pagkalunok ng beer. "Nakalimutan niya raw ang monthsary namin! Tapos nasa Pampanga pa siya ngayon! Kupal talaga."

Sa totoo lang, hindi siya lasing. Sadyang maingay. Kanina pa siya salita nang salita at nabanggit niya na yata ang lahat ng uri ng mura sa Ivan na 'yon.

Base sa naikwento niya kanina—habang nananamantala ako ng mga tanong—nakilala niya si Ivan sa dati niyang inuupahang apartment, isang travelling photographer. Fifth boyfriend niya si Ivan. Nabanggit niya ring four months na sila.

Four months. Jesus. Akala ko pa naman ang tagal na.

"Napaka-ogag niya talaga," inubos niya na ang natitira sa baso. Pati yung bula ng beer, di niya pinatawad.

"Because you're giving yourself. Too much," ako naman ang nagsalita. "Tini-take for granted ka niya dahil alam niyang... okay lang kahit gawin niya 'yon. Na-ma-manipulate ka niya."

Tumawa lang siya bilang sagot.

"Obviously, he doesn't love you," matapang na sabi ko. "Pwedeng nandyan lang siya dahil walang choice, o kaya para lang may matawag siyang girlfriend pag mainit ang katawan niya."

"Parang kilalang-kilala mo si Ivan, ah," sagot niya."Ang lilibog niyo talagang mga lalake."

We drank for the entire night. Actually, she drank too much, that she had to go to CR and vomit. I only had one beer, and she had six.

Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa, at nakita kong pumunta siya sa contacts. Ibig sabihin, magkatabi kami sa counter area malapit sa bartender. Hindi ko alam kung alam niya ba ang ginagawa niya; paulit-ulit lang siya sa pag-scroll.

Maya-maya nilapit niya 'yon sa tenga niya nang medyo matagal. Nakatingin ako sa ice tubes ng baso ko nang marinig ko siya.

"Hoy, Ivan! Break na tayo! Walangya ka!"

I looked at her, through the corner of my eye.

"Sino ka!?" sigaw niya, kaya napatingin na ako. "Iya? O, Iya... haha. I'm so sharreh.

Natawa ako nang bahagya no'ng binaba niya ang phone at tinawagan naman ang number na nasa itaas ng Iya. Mas matagal na nakadikit 'yon sa tenga niya kesa kanina, pero walang sumagot.

"Bwisit," bulong niya. Hindi pa rin sinasagot ni Ivan ang tawag niya.

Hindi na ako nakatingin sa kanya, dahil narinig ko na ang pagsinghot niya. Gaya kanina, lumuluha siya—hindi umiiyak. Nangangamoy alak na siya, at mukhang mali ang ideya kong pinainom ko siya.

Wala sa listahan kong yayain ang subject na uminom. Maraming paraan para magustuhan ako ng isang babae, pero ito lang ang pumasok sa kokote ko kanina.

Para lang makasama ko siya, at makilala niya ako.

Lumabas lang kami ng bar nang marealize niyang alas-onse na. Nakakatawa lang dahil nagkamali pa siya ng tingin sa oras kanina—akala niya 12:55, pero 11:00 naman talaga.

"Bukas pa ba LRT ngayon?" tanong niya sabay tayo.

Kailangan ko pa siyang hawakan sa siko para lang di niya mahalikan ang black tiles ng bar. Nakakahiya. Ayokong magpulot ng babae sa sahig.

"Sa pagkakaalam ko, hindi sila 24 hours," sagot ko at inalalayan ko siya.

Too bad she couldn't remember me, helping her to balance herself. Too bad she couldn't remember anything she drank and talked to me. Too bad she couldn't remember me, being a shitty gentleman.

Hindi na siya sumagot. Sinabi ko sa kanyang ihahatid ko na lang siya at nabigla pa ko dahil inabot niya agad ang susi ng unit niya sakin.

Pinaupo ko na siya sa passenger's seat, at umikot pakabila saka pumasok sa driver's seat. Dinukot ko pa ang susi sa side pocket ko saka in-start ang engine.

"Irish, magkabit ka ng seatbelt," utos ko pero nag-moan lang siya na parang ayaw niyang magkabit ng seatbelt.

"Bilis na," sabi ko pero umiling lang siya habang nakasandal ang ulo sa headrest.

Ilang beses pa lang akong nagkakabit ng seatbelt sa subjects ko; pakiramdam ko napaka-romantic, at nakakakilabot isipin. Korni, for short.

But I did it anyway.

Nag-lean forward ako sa kanya, at medyo nahirapan pa akong dukutin ang dulo ng seatbelt dahil sa braso niya. Naamoy ko na naman ang alak sa bibig niya.

My hands brushed her arms smoothly as I struggled for the seatbelt. Nakayuko ako no'n habang kinakabit dahil gaya ng ibang lalake, iniiwasan kong mapatingin sa dibdib niya.

Wala namang cleavage dahil unang-una, mataas ang neckline ng suot niyang damit. Pero—putapete—tumatagos ang mata ko sa hump ng upper part niya.

I glanced upon her, and she's staring at me.

Hindi gano'n kalapit ang mukha namin, at hindi rin gano'n kalayo. Since, gabi na, at wala namang masyadong tao, nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. As sexy as I could. As tempting as I could.

She bit her lip, like something inside her had to burst. Plus, her almost-shut eyes, and pinkish cheeks due to beers were slightly appealing.

Wala ni isa sa amin ang nagsalita no'n. Basta ang alam ko, hindi ko na pinalagpas ang chance, at nilapat ko ang labi ko sa kanya.

Wala akong balak na halikan siya nang torrid dahil lasing siya at wala namang maalala 'yan pagkagising. Pero siguro, dala na rin ng amoy ng alak galing sa parehong bibig namin, nagpatuloy kami.

Hindi ko alam kung ano bang meron sa alak, at ang daming nawawala sa katinuan pag nakakainom. Buti na lang hindi ko nadamihan.

Good kisser si Irish.

Kung iaayos ko ang listahan ng subjects ko base sa marunong humalik, si Irish ang una. Ni hindi ko nga alam na naglalakbay na pala ang kaliwang kamay ko sa katawan niya.

Nakahawak lang siya sa likod ng tenga ko—ang pinaka-mahinang parte ng katawan ko pagdating sa babae. Bukod sa private part.

Her body was sort of responsive, and I felt her back arching. I buried her lips deeper, and she started making sexy-throaty-noise.

Napahinto lang ko no'n nang umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko agad ang cellphone at narinig ko pa siyang nag-gasp nang ilang beses.

"Bwisit, Gio, ano naman ba!?"


Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon