Chapter 23

2.2K 59 5
                                    

© Shupershimmer

Pagkahatid ko kay Irish sa trabaho niya sa mall, simpleng goodbye kiss lang ang naging contact namin. Simula nang lumabas siya sa unit niya, hindi siya gaanong umimik.

Hindi rin namin napag-usapan ang nangyari kahapon na nakilala niya ang papa niya. Siguro, dahil hindi ko rin in-open. Siguro, ayaw niya munang pag-usapan.

Kaninang umaga, pagdating ko sa unit niya para sunduin siya, halata ko namang kulang siya sa tulog. Medyo mugto rin ang mata niya, pero hindi ko na tinanong. Wala naman kasi akong pakialam sa dahilan niya. Wala dapat.

Paglabas ni Irish ng sasakyan, nag-stay muna ako ng ilang minuto sa tapat, nang nag-ring ang phone ko sa dashboard.

“Hello?” sabi ko sa kabilang linya.

“Adam.”

I realized he’s Miguel.

“Bakit?” Napatingin ako sa paligid ko kahit alam kong nasa loob lang naman ako sa sasakyan ko at walang nakakarinig.

“Gusto ko lang ibalita na patapos na ang unang linggo ng palugit ko sa’yo.” Tumawa pa siya. “Alam mo kasi, naiinip na ako.”

Hindi agad ako sumagot dahil wala naman kasi talaga akong gustong sabihin sa kanya.

“May itatanong lang ako,” sagot ko. “Paano kung malaman mong hindi habol ni Irish ang kayamanan ng kapatid mo kung magkakilala sila? Gusto mo parin siyang ipapatay?”

I quickly regretted it as soon as I asked it.

“Of course! Sigurado akong kapatid ko pa mismo ang magbibigay sa kanya. Hindi pwedeng mawalan ako. Baliw ka ba?”

Nagsalubong ang kilay ko at humawak ang isang kamay ko sa steering wheel. “I mean, pwedeng ipadala mo si Irish sa ibang bansa. Bigyan ng pera na bubuhay sa kanya. At wag nang magpapakita, at babalik ng Pilipinas.”

“Why, do you want to abort the mission?” There’s a grin in his words. “I’m sad to report this to your admin.”

“I’m not saying I want to abort it. I’m giving you options.”

Gusto ko sana siyang murahin sa phone pera naisip kong ako rin ang talo lalo na’t nabanggit niya na ang admin.

“I hate options, Adam. You know it,” diretsong sagot ni Miguel. “Patayin mo na si Irish.”

“Nababaliw ka na ba?!” I retorted, almost loud. “Alam mo namang alanganin kami ngayon diba? Hinahanap kami ng mga pulis. Pag ginawa ko ‘yon, mapapahamak kami!”

It was just actually an excuse, though it might happen… soon.

“Then, I can throw you out of the Philippines.” He made it sound easy. “Use the money to make a new identity. Akala ko ba matalino ka?”

“Hindi ‘yon gano’n kadali.”

“Two weeks.” Pagmamatigas niya.

“I know.”

“Pag natapos mo ‘to, sisiguraduhin kong matatahimik ang buhay mo.”

Bigla niya akong binabaan. Naihilamos ko na lang ang dalawang palad ko sa mukha at pakiramdam ko, gusto kong matulog nang buong araw. Hindi naman ako masyadong napuyat, pero pagod na pagod ako.

Pagod na akong isipin kung paano tatapusin si Irish.

Pag-angat ng ulo ko, napatingin ako sa rear view mirror, at napalingon agad ako sa likod ko.

Ur just one step away from ur grave.

-ex subject

Isang sticky note ang nakadikit sa labas ng bintana sa likod ng sasakyan ko. Sa pagkakaalam ko, wala yan kanina. Habang nasa byahe kami ni Irish, nakatingin ako lagi sa rear view pero wala niyan.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon