Chapter 14

2.9K 72 6
                                    

© Shupershimmer

I was awaken by a sudden doorbell about 6 am.

“Bwisit, ang aga-aga,” bulong ko habang sinisipa ang comforter bago tumayo.

Nagsuot ako ng tsinelas at tinignan ko sa likuran ko si Irish na natutulog sa kabilang side ng kama. Nakadapa siya habang nakatakip sa mukha niya yung buhok. Suot niya ngayon ‘yong lumang jacket ko.

Binuksan ko ang main door at muntik pang mapamura nang makita ko si Gio na nakasuot ng T-shirt at pantalon. Mukhang bagong ligo pa.

“Ano na naman?” naiinis na tanong ko. “Kakabulabog mo lang kagabi, Gio, nandito ka na naman? Mahal na mahal mo bahay ko, ah.”

“Atleast, nag-door bell ako,” he said, grinning.

“May sasabihin ka ba?”

“Meron, kung papapasukin mo ‘ko.”

Tinalikuran ko siya nang bukas ang pinto tapos dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagharap ko, nakasandal ang hip ni Gio sa kitchen isle habang nakatingin sakin.

“Ba’t di mo sinabi sakin kahapon na pinuntahan ka pala ng pulis dito tungkol sa pagkamatay ng last subject mo?” napatingin siya saglit sa likod at humarap sakin. “Nasaan si Irish?” bulong niya.

Tumango lang ako para sabihing tulog ‘yon kaya di niya narinig ang sinabi ni Gio.

“How was it?” asked Gio.

“Good,” sagot ko. “Normal as ever. At hindi siya pulis, Gio, detective siya. Nag-hire yata ang lintek na magulang ni Selina tungkol don.”

“Pinagsususpetsyahan ka ba?”

“Teka, pa’no mo ba nalaman?” nagsalubong naman ang kilay ko. “Di ko naman sinabi sa’yo, e.”

“Galing ako sa HoA kanina.”

Naglakad ako papunta sa bungad ng kusina para tignan yung pintuan sa kwarto ko—sarado pa rin naman.

Hininaan ko parin yung boses ko. “Tinanong ako kahapon kung nasaan ako nung oras na nagpakamatay si Selina.”

“What?”

“Naniniwala naman siguro ang kupal na ‘yon na suicide. Ang problema, tinanong niya kung ako raw ba ang dahilan. Nag-away daw ba kami. Sabi ko, hinde. At hindi naman talaga namin mahal na mahal ang isa’t isa.”

Umiling si Gio at nagpamewang.

“Nag-report na ko sa HoA,” sabi ko. “Sila na bahala na malinis ‘yon.”

He shrugged as if to drop the topic and went outside to sit on the couch. He switched the TV on and shuffled on the channels.

Habang nakatayo parin ako sa bungad ng kusina, nag-creak ang pinto sa kwarto ko at lumabas si Irish nang naka-jacket at maikling boxer shorts lang. Medyo nabigla pa siya sa biglaang presence ni Gio dahil napasuklay siya ng buhok.

“G-Good morning,” sabi niya. “Hi, Gio?”

Nag-wave lang si Gio sabay lingon sakin nakataas ang kilay. I knew what he meant. Tinignan niya ako na parang akala-ko-ba-ayaw-mong-may-babae-sa-kama-mo?

Inismiran ko lang si Gio at kinuha sa fridge ang kalahati sa cake na binigay niya kagabi. Kumuha ako ng tatlong plate, tinidor, at nilabas sa may sala. Ginawa pa kong katulong. Hanep.

Habang nasa banyo si Irish, at naglalagay ako ng cake sa table, sinipa ako ni Gio sa may pwetan.

“Ano ba!”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon