Chapter 16

2.6K 64 15
                                    

(c) Shupershimmer

"Tara na, umalis na tayo!" 

"Hindi pa bumabalik si Irish. Nasa loob siya."

Kinuha ni Gio ang coat niya na nakapatong sa sandalan ng upuan pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa pinagmumulan ng usok, sabay sabing: "Pupuntahan ko siya."

Pagkahakbang ko, hinablot ni Gio ang sleeve ng coat ko. "Gago ka ba? Gusto mo bang mamatay? Hayaan mo na 'yon! Mamatay na rin naman siya, e!" 

"Gio, wala sa plano 'to!" 

"Tang ina mo naman! Ayaw mo bang mapadali ang trabaho mo!?"

Pagkarinig ko ng malakas na kalabog--na hindi ko alam kung saan galing--may malakas na sigaw ng babae at sigurado akong si Irish 'yon. Kinalas ko ang hawak ni Gio sa sleeve ko at sumama ang tingin niya. Umiling lang siya sabay takbo palabas, kasabay ng iba. 

Paglapit ko sa hallway, hinarang agad ako ng crew. 

"Sir, delikado po, wag na kayong pumasok," sabi niya habang hawak ako sa balikat. 

"Kailangan kong pumasok." 

"Sir, please, lumabas na lang po tayo nang walang maaksidente." 

Sa sobrang inis ko, tinulak ko siya at di hamak na mas malakas naman ako kaya napaatras siya. Inayos ko ang gusot ng damit ko na nahawakan niya saka siya tinignan nang masama. 

"Nasa loob ang girlfriend ko! Pag may nangyaring masama sa kanya, ikaw ang mapapatay ko." 

He froze, and I continued toward the smoke. When I say smoke, it's a mere smoke. Gray na ang kulay ng paligid, at makitid ang daanan. Kinakapa ko ang pader para malaman ko kung lumagpas na ba ako ng hallway. Pinilit kong hindi huminga, dahil once na bumuka ang bibig ko, mahihirapan ako. 

Nakita ko yung sirang pintuan ng storage room--o kung ano man ang tawag nila--at halatang doon galing ang sunog. Sa sobrang itim ng usok, kailangan ko pang pumikit para makalagpas doon. Nararamdaman ko ang pawis sa polo ko. Sobrang init.

I exhaled.

Pagdating sa comforter room area, usok na lang ang nakikita ko, pero naririnig ko sa kisame ang pagbagsak ng mga nasusunog. Anytime soon, malulusaw na ang kisame ng kinatatayuan ko. 

"Irish!" Sigaw ko. "Irish, asan ka?" 

Kinalabog ko ang unang pinto na nakita ko, pero male's CR 'yon kaya tinakbo ko ang kasunod saka nagpaulan ng katok sa may pinto. "Irish!" Inikot ko pa ang doorknob hanggang sa bigla na lang 'yong bumukas. 

"Adam!" 

Bumungad sakin ang mukha ni Irish gaya ng na nakita ko sa police station. Hinawakan ko siya agad sa balikat at naramdaman ko ang panginginig niya sa buong katawan. In a single thought, naisip kong nakita niya ang sunog paglabas ng banyo, at bumalik sa loob dahil iniisip niyang safe siya rito. 

"Adam, umalis na tayo rito..." She managed to utter. "Adam, natatakot na ko..." 

I gulped, and the next thing was I nodded. 

Hinila ko ang kamay niya papunta sa kabilang hallway--baka sakaling may Fire Exit. Pero nang tinunton namin, naka-lock ang exit. Fuck, bakit nila sinasara ang Emergency Exit?! Stupid! Sinubukan ko pang sipain pero wala ring epekto. 

"We're stuck," sabi ko sa kanya at nahalata ko agad ang pagkabigla sa mukha niya. "And there's one way to get out of here." 

"Makakadaan pa ba tayo?" Lumingon si Irish sa likuran niya. Mas makapal na ang usok kaysa kanina. "Delikado na..." 

"Kailangan." 

Tumakbo kami pabalik ng banyo at pumasok. Hinubad ko yung coat na suot ko saka binuksan ang gripo para basain. Nagbukas din si Irish ng isa pang gripo para basain ang damit na suot niya pati balat. Pagkatapos no'n, hinubad niya ang heels saka kami lumabas. 

"Don't panic, okay?" Bulong ko sa kanya. 

We both inhaled deep, and walked against the dark and wild smokes and fire. Hindi ako tumakbo dahil baka lalo lang kaming habulin ng apoy dahil sa hangin. We crouched. Gumapang kami para may konti pang hangin sa baba, pero pagdating sa pinagmulan ng sunog, apoy na mismo ang nakikita ko--hindi na daanan. 

My throat went dry, and was not sure whether to breathe or not. 

The sure thing was, Irish started to cry. 

Siguro nga, kung iniwan ko si Irish dito, mamatay siya anytime soon. Lalamunin ng apoy ang katawan niya, nang wala akong iniisip na problema na baka may makahalata. Siguro nga, kung umalis na lang ako at hinayaan siya rito, baka bukas, bayad na ang kalahati sa trabaho ko. 

Pero nasa akin parin kung sa paanong paraan ko gustong gawin 'yon. Gusto kong ako ang tumapos. 

Hindi ko na siya tinanong. Hinubad ko ang coat ko saka sinuot kay Irish. Binuhat ko siya sa likod ko at kumapit din naman siya sa balikat ko. Paglagpas nito, it's either pareho kaming masasaktan, o maliligtas. Paglagpas nito, okay na.

Tinakbo ko ang hallway, na hindi ko na talaga makita. Pinikit ko na lang ang mata ko, at isang hakbang palang, uminit na ang katawan ko kahit basa pati ang polo na suot ko. My cheeks were puffed, and I persperated so fast. 

May naapakan pa ko sa bandang kanan ng paa ko at naramdaman kong nasunog ang laylayan ng pants ko kaya binilisan ko. 

Kumonti ang init, at naaninag ko sa mga mata ko na maliwanag na at wala masyadong usok. Doon na lang kami bumagsak ni Irish.Huminga ako nang maraming beses, tapos maya-maya, may bumuhos sakin nang malamig na tubig--yung crew, kasama si Gio.

Napatihaya ako sa sahig tapos naramdaman kong hinila ni Gio ang dalawang braso ko palayo sa mga usok. Hinihingal pa rin ako at naghalo ang pawis at tubig sa buong katawan ko. Doon ko lang din naramdaman ang hapdi ng sugat sa paa ko. 

Pumikit ako, at huminga ulit. 

"Okay ka lang, Adam?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Irish. "Adam?" 

"Fuck, Adam,"Narinig kong sabi ni Gio. "Fuck, fuck. You're getting crazy!"

"I'm sorry!" Sagot ni Irish sa kanya. 

"Medic!" Sigaw naman ni Gio. "Hoy, tumawag ka ng medic, ano ba!" 

"Yes, sir!" 

Nakapikit pa rin ako hanggang sa sampung segundo. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si Irish na naka-lean sakin, habang nakaluhod sa gilid ko. Umiiyak na naman siya katulad kanina, at nakahawak siya sa kamay ko. Ngayon ko lang naramdamang kanina pa pala siya nakahawak sa kamay ko. 

"I'm sorry..." Naiiyak na bulong niya. "Okay ka lang ba?" 

Hindi ko siya sinagot dahil hindi naman talaga ako okay. 

"Nasugatan ka ba?" 

"Okay lang ako." 

"You're not," sabi ko sabay tingin sa paso sa may leegan niya. Hindi ko alam kung dahil ba yan sa pagtakbo ko, o kanina pa. 

In less than five minutes, dumating ang medic na naka-service sa event mismo, at sinakay nila ako sa stretcher o kung ano man 'yon. May pinatong pang oxygen mask sa mukha ko. Pagbuhat sakin, nakatingin sakin ang mga tao kaya pumikit na lang ako. Ayokong tignan nila ako na "Baliw ba siya? Bakit sya sumugod sa sunog?" 

Narinig ko sa labas ang sirena ng bumbero, kaya dumilat na ako. Nilingon ko ang ulo ko sa gilid, at halos manlamig pa ako sa nakita ko. 

Hindi ko alam kung baliw lang talaga si Miguel, pero ngumisi siya pagkakita niya sakin. Malayo siya--mga 10 meters--pero alam kong ako ang tinignan niya. For me, it's a sign of victory. 

Did he do this? Did he plan it? 

Bigla na lang akong pinasok sa ambulance kaya hindi ko na nakita ulit ang mukha ng Miguel na 'yon. Hindi ko maintindihan ang gusto niya. Bakit niya pa pinapapatay sakin si Irish, kung siya mismo, kayang-kaya naman? 

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon