Chapter 1

6K 139 11
                                    

Chapter 1

© Shupershimmer

"After injecting herself with silver cleaner, Selina Villegas— heiress of the Successus Group— was found dead in her room, yesterday evening in Manila Hotel, police report says."

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko habang naririnig kong binabasa ni Gio ang headline ng broadsheet na hawak niya.

"You did great," he threw the newspaper away, smirking. "Mukhang malinis ang naging trabaho mo kagabi."

"Ano bang ginagawa mo rito? Diba dapat ginagawa mo ang trabaho mo? Ang aga-aga, nambubulabog ka sa unit ko."

It's obvious that I didn't want him inside my house. Ayokong may kung sino-sino sa unit ko. Isa pa, binulabog niya ang solemnity ng bahay ko. Ni-rape ba naman niya ang doorbell button. Sino ba'ng matutuwa do'n?

"Nasa Japan pa ang subject ko," he grinned, leaning forward as he sat on the couch. "Magkano ang binayad sayo para patayin si Selina?"

Tumayo ako at tinalikuran ko siya para kumuha ng coke-in-can sa fridge.

"Baka mamangha ka 'pag sinabi ko sa'yo kung ilang zero ang laman ng bank account ko ngayon."

I grinned. Bumalik ako sa sala at binato sa kanya ang lata. Binuksan ko ang hawak ko saka ininom.

He groaned. "Ugh, kung alam ko lang, sana ako na ang gumawa. Pero maganda si Selina, at maswerte ka't ikaw ang boyfriend niya bago mo pinatay."

Sumandal ako sa single couch habang nakapatong ang kanang kamay sa head rest. I smiled lopsidedly.

"I can see you're envy."

Uminom muna siya ng coke bago sumagot. "Di na 'ko magtataka kung may nangyari na sa inyo. Magaling ba siya? Wild in bed?" tumawa siya. "Kahit sinong lalake, di tatanggi do'n. Too bad, napunta siya sa'yo."

Natawa lang ako at napailing sa sinabi niya.

"Ilang beses ko bang uulitin sa'yo na hindi ko pinapatulan ang mga subject ko?" my lips curved sideward. "Ang kailangan lang naman, paniwalain ang babae na gusto siya, hanggang sa makuha ko ang tiwala niya... at boom."

Nagkunwari pa akong may hawak na baril at tinutok ko kay Gio. He shook his head in disbelief.

"Seryoso ka, Adam? Kahit isang beses di kayo nag-sex ni Selina?"

I scowled at him. Napakakulit, tanong nang tanong. Ilang beses ba 'tong pinanganak ng nanay niya? Sampung ire? Sinabi na ngang wala, pinipilit pa rin. Palibhasa, gawain niya.

Tumayo ako at binuksan ang pinto para palayasin na siya.

"Well, she tried to seduce me once, but it didn't work. Umalis ka na sa unit ko, Gio bago pa magdilim paningin ko sa'yo."

"Okay, okay," lumabas siya sa pinto at nagsabing: "Try mo minsan. Masarap sa pakiramdam."

At padabog kong sinara ang pinto sa harap niya nang hindi siya sinasagot. Umupo na lang ulit ako sa upuan ko kanina, inabot ang remote at binuksan ang TV.

Alas onse ngayon ng umaga, at kaninang umaga ko lang nabalitaan sa TV na patay na si Selina. Sayang, hot pa naman siya. Pero wala naman akong magagawa dahil 'yon ang kapalaran niya. She's meant to die.

She was my 12th subject, and I am waiting for another to come.

As of now, may appointment ako sa isang matandang hukluban at may ibibigay daw siyang trabaho. I can't wait to hear it.

Nag-shower ako matapos kumain ng brunch, nagbihis ng moss green long sleeves polo at black pants. Pagbaba ko sa parking lot, sumakay ako sa black Chevrolet at humarurot palabas.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon