Chapter 3

4.7K 109 16
                                    

A/N: Salamat sa magandang feedbacks.

© Shupershimmer

ATM card, ID, namepin, dalawang 100 pesos, at picture—'yan ang mga nakita ko sa loob ng wallet niya pagkauwi ko sa unit ko. I was looking for some hints but I didn't find any.

Hindi ko alam kung may boyfriend ba siya. Hindi ko alam kung baka engaged na siya, o kaya may anak. Pero dahil wala naman akong nakita sa laman ng wallet, nag-conclude akong safe ang trabaho ko, at madali lang matatapos.

"Irish Jane," I mumbled as I leaned my hip on the counter of the kitchen.

Nakapatong ang wallet sa glass dining table, at inobserbahan ko. Animal-printed ang wallet, so mahilig siya sa any dark colors—black, gray, blue at kung ano pa. Nakakatuwa lang dahil malinis ang laman ng wallet niya—hindi siya makalat na tao. Masinop.

Lumapit ako sa mesa at dinampot ang namepin na nakapatong.

Louisana's

Irish

Waitress

I just smiled out of nothing. Tinabi ko na lang ang wallet sa gilid ng kama ko, naligo saglit, humiga para itulog at palipasin ang araw.

Bukas na bukas, makikita ko rin siya.

Pumunta ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Nasa loob 'yon ng isang magarang mall, at ten-minute ride galing sa bahay ko. Noong una, hindi ako pumasok. Tumingin lang ako sa salamin na dingding, at hinahanap ko si Irish.

Hindi ko naman kasi alam kung shift ba niya ngayon, o baka mamayang gabi? Wala akong idea—gaya ng sinabi ko, mahirap siyang hanapan ng detalye. But just my luck, I found her.

She's busy, wearing a purple blouse, and black skirt, her hair in a tight bun.

Nakatalikod siya sa pwesto ko, kaya direto ang tingin ko sa kanya. Medyo masikip ang blouse niya, kaya humagod 'yon sa hugis niya. I even admired the curve of her hips beneath the bouncy skirt. She's sexy, may I add.

"Let's go," bulong ko saka binuksan ang salamin na pinto papasok.

Pumwesto ako sa table na mapapansin niya 'ko. Kaya lang, abala pa siya sa paglilinis sa unahang table, kaya naka-bend siya nang konti. Hindi ko kasalanan 'yon, pero alam kong nakatitig ang mga mata ko sa mga binti niya.

Kung kanina niya pa alam na nandito ako, iisipin kong nang-se-seduce siya; pero dahil wala siyang ideya na nasa likuran niya 'ko, pagbibigyan ko na lang. I might as well enjoy the view, in the meantime.

"Sir, ano pong order n'yo?"

Nawala ang atensyon ko, at napalingon sa isa pang waitress na nasa tabi ko na may hawak ng menu. Parehas sila ng uniform ni Irish.

Sinandal ko ang likod ko nang makita kong bigla siyang ngumiti pagkatapos magtanong. Kung tutuusin, creepy 'yon para sa isang costumer. Ganyan ba sila magtanong sa costumer? Mas mukha siyang nagpapapansin.

Alam ba ng mga babae na nakaka-turn-off kapag sila mismo ang nagpapa-cute sa mga lalake? Pero syempre, iba ako.

Pinatulan ko naman. "I am looking for a delicious  and saucy food. Meron ba kayo no'n?"

My eyes ran down—from her eyes to her waist, and back to the eyes. I inwardly giggled when she bit her lower lip and looked at the menu.

"Ah, s-sir," hindi na siya makatingin sakin nang diretso. "Kung gusto niyo po, i-try n'yo ang bestseller namin—"

"Thanks, hindi muna ako oorder," I became bored so I stopped. "Isa pa, gusto kong makausap si Irish."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, sabay tingin kay Irish na papunta na sa trash bag. 'Yung reaction niya, parang di siya makapaniwalang si Irish ang pinunta ko—hindi ang pagkain. Hindi siya.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon