Chapter 18

2.6K 65 23
                                    

© Shupershimmer

A rumor about the House of Assassination was quickly spreading.

Wala ni isa sa admin, pati sa mga members ang may idea kung paanong kumalat ang isang blog tungkol sa amin, at sa ngayon, pinag-iingat kami.

Kaninang umaga, nagtext sakin si Gio ng isang URL ng isang blog.

From: Gio

Read, asap.

ineedhelp.wordpress.com

Kaya binasa ko. Hindi ko na babanggitin lahat ng nakasulat dahil masyadong mahaba, at isa pa, mas naalarma ako sa dami ng shares at comments. Marami ang hindi naniwala, pero mas marami ang nakikisimpatya sa nagsulat.

Marami ang galit sa HoA.

Believe what I say... I was one of their subjects.

Binasa ko pa ulit yung linya na 'yon at baka nagkamali lang ako ng basa. Kung isa siya sa mga subjects namin, paanong nabuhay siya?

Sasabihin niyang mahal ka niya, at ipararamdam ang lahat ng gusto mo dahil sa huli... ikaw naman talaga ang pakay. Ikaw ang papatayin. I'm glad I was saved from my killer and I know he's shaking right now cause he thought I died. BUT NO.

But I wasn't shaking or what.

Una sa lahat, sigurado akong napatay ko ang lahat ng subjects ko, at kung totoong subject nga siya, hindi ako ang tinutukoy niya sa blog na 'to. Malabo.

Hindi niya nabanggit ang House of Assassination--which slightly saved us. Pero hindi ibig sabihin non, e, magpakampante na kami. Sa pagkakaalam ko, kami lang ang may tactic na gagawing love-subject ang isang babae bago patayin.

And I'm warning all of those girls who've met, or been dating these guys. They're too attractive that you can't resist them. But they're morbid. They pretend that they love you, and the next day, they'll kill you.

And for you, my killer, I'll find a way to make you beg for me to save your shitty life.

***

"Gusto mo bang makita ang papa mo?"

Tanong ko kay Irish habang nakaupo kaming pareho sa isang bench, sa loob ng center na tinutuluyan ng nanay niya. I'd decided to come with her, just to prove I really like to.

"Ewan ko...," she said through a sigh.

Nakatingin lang kami pareho sa nanay niyang naka-wheel chair habang nakatitig sa isang fountain.

"Gusto mo nga?" Pagpipilit ko.

Tumingin siya saglit sakin, at napailing. "Hindi ko alam bakit natanong mo 'yan. Hindi naman ako nagkkwento sayo about sa papa ko."

"Kaya nga nagtatanong ako." I smiled a little. "Tell me."

"Gusto ko," sagot niya. "Ilang taon nang may kulang sa pagkatao ko. Simula nung nagkamuwang ako, iniisip ko kung bakit... bakit isa lang ang magulang ko."

Bumuntong-hininga pa siya tapos ngumiti habang nakatitig sa sandals na suot niya ngayon.

"Iniisip ko kung hinahanap din ba niya ako... o kung alam man lang ba niya na may anak siyang nag-e-exist. Kahit simpleng detalye hindi ko makuha sa nanay ko. Never naman niyang nasagot lahat ng tanong ko, e."

Doon ko narealize kung gaano kabigat ang nararamdaman ni Irish. Hindi naman sa naaawa ako. Gusto ko lang magkaroon ng hint tungkol sa gagawin ko.

I was wondering... what if she met her father? Would she be after his wealth? Would she chase for his money?

Kung hinde, walang point kung papatayin ko siya. Maisasaksak sa baga ni Miguel ang pera na gusto niya.

"Pwede kitang tulungan."

I almost said it to myself, but she heard it.

"Huh?"

"I mean... maliit lang ang Pilipinas, o kaya Manila. Pwede mo siyang makilala."

Napailing lang si Irish sa sinabi ko.

"Paano? E hindi ko nga alam ang pangalan niya, e. Wala siya sa birth certificate ko. Wala akong alaala niya. Malabo."

"I can," mariin na sagot ko.

Pagkatapos naming dumaan sa center, bumyahe kami papunta sa malapit na SM para mag-merienda. Kumain lang kami ng pizza, at tinanong nya naman ako tungkol sa mga magulang ko.

At dahil iniiwasan ko ang gantong topic, simple lang ang sagot ko.

"Di ko sila maalala."

Pagsakay namin ng kotse, hanggang sa paglabas namin sa parking lot, hindi ko maalis ang mata ko sa rear view mirror.

Ramdam ko kasing sinusundan kami.

"Adam, may sasabihin ako sayo," sabi niya habang nasa byahe na kami. "Pero wag kang magagalit!"

"Go."

I glanced again at the mirror.

"Hm, hindi ko alam kung ganyan ka talaga o talagang..." Nagdalawang-isip pa siya. "Ba't feeling ko nanlalamig ka na sakin?"

"What?"

Kumunot pa ang noo ko, habang nakatingin ulit sa itim na kotseng tinted sa likuran ko.

"I mean, alam ko namang hindi ka Mr. Romantic, pero may mga time na lumilipad ang utak mo pag magkasama tayo. Kagaya kanina."

"Kanina?"

"Oo, tapos palagi ka pang may katext o kaya may kausap sa phone."

"Pinagdududahan mo ba ako?"

I tried to sound so pained, that I had to look at her in the eye.

She pursed her lips. "Hindi naman yun ang gusto kong sabihin... gusto ko lang malaman kung ano bang pinagkakaabalahan mo."

Huminto ako sa stoplight at napatingin ulit sa salamin-- 'yon parin ang itsura ng kotseng nasa likuran ko.

Ang hirap ipakita kay Irish na wala akong problema samantalang alam kong sinusundan kami. Kanina pa.

"It's just my work," I said as I reached for her hand. "At kung iniisip mo na may babae ako... wala. Masaya na 'ko sa'yo. Wag ka ngang praning."

I smirked at my last sentence and so did she.

Pagka-go, inapakan ko agad ang accelerator at humarurot kami. Narinig ko pang sinabihan ako ni Irish na bagalan ko lang pero hindi ko ginawa. Sumunod din ang driver ng nasa likod ko.

"Irish, sinusundan tayo," mabilis na sabi ko sa kanya.

"Ha?!"

"Yung kotse sa likod. Kanina pa siya nakasunod simula nang galing tayo sa unit mo."

Napalingon siya agad sa likod, at humarap.

She froze. I was not looking at her but I know she froze.

Lumiko agad ako sa kalyeng nakita ko at sumunod din naman ang kotseng yon. Dumiretso ako papunta sa di mataong lugar hanggang sa kaming dalawa na lang ang nagmamaneho sa gitna.

"Adam! Please, wag mo nang ituloy 'yang balak mo! Mapapahamak tayo, e!"

Hindi ko pinakinggan si Irish, sa halip, pumreno ako, at agad na lumabas sa driver's seat habang sinasabing: "Dito ka lang. Wag kang lalabas."

Huminto rin ang itim na kotse sa kabila at pagkabukas na pakabukas niya ng pinto, dinukot ko ang baril sa likuran ko.

"Sino ka? Ba't mo 'ko sinusundan?!"

Napataas ang lalake ng dalawang kamay niya nang makitang kinasa ko ang baril habang nakatutok sa kanya. Nag-akala akong isa siya sa mga tuta ni Miguel... pero hinde.

"Relax." Ngumisi pa siya. "Gusto ko lang makausap ang kapatid ko. Si Irish."

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon