Chapter 3

590 18 9
                                    

(c) Shupershimmer

Thank you sa mga comment. Di ko na nareplayan isa-isa but all are appreciated. xoxo

***

Nakasandal lang ang ulo ni Diana sa pader habang nakaupo at naghihintay sa loob ng ospital. She's not familiar with the place at hindi ito ang lugar na inaasahan niyang kahahantungan ng bakasyon niya mula sa Singapore.

Napalingon siya nang lumabas ang doctor at kinausap si Red na nakatayo sa bungad ng Operating Room. Pagkatapos ay umalis ito at nilingon siya ni Red.

"What happened?" tanong niya.

Red sighs with a hint of smile. "He's alive. Inalis nila ang bullet sa balikat niya." Sabay upo nito sa tabi niya. 

"Is he awake?"

"Nah, maybe a few hours later, magkakaroon na siya ng malay." Tinignan siya ni Red at nahalata nitong pagod na siya sa paghihintay. "You look tired. You can go back to our hotel if you want."

Tumaas ang kilay ni Dianna. "What do you mean if I want? Don't tell me mag-i-stay ka rito? We do not even know that guy." Red gives her a look. "What if he's a bad one, kaya siya may tama ng bala? Or a killer. Wala siyang identity--no ID, or phone, or anything."

Tinignan niya Dianna si Red at bumuntong hininga lang ito. "Fine, we'll go back to our place... but, we'll leave a contact number just in case."

Nag-iwan si Red ng contact information at ibinigay sa nurse na naka-assign sa pasyente na natagpuan nila sa dagat. Nalaman din nilang inilipat na ito ng kwarto pero di pa rin ito nagkakamalay.

***

"Ang tahimik mo yata, Red. What's wrong?"

Umupo si Dianna sa tabi niya habang nakadungaw ang pinsan niya sa bintana ng van. Natapos na ang 3-day vacation nila at maya-maya lang ay babyahe na sila pabalik ng Maynila.

"Iniisip ko lang kung ano'ng nangyari kay Bullet Guy."

The night they went back from the hospital, they were talking about him. At dahil hindi nila alam ang pangalan nito, they named him Bullet Guy. It was Dianna's idea.

"Ah," sagot ni Dianna. "That guy. Baka tumawag na sa kamag-anak niya or something. You know what, stop being so overly concern with him. He did not even call us to say thank you for saving his life kahit nagbigay ka ng calling card sa nurse."   

Red does not talk back. Dianna's right. For three days, wala silang nabalitaan sa lalaking tinulungan nila. Not even a call kahit may phone number silang iniwan. She does not even know why she's bothered about it. Na-spoil ang bakasyon nila dahil sa lalaking di niya naman kilala.

But Dianna does not know what Red did yesterday. Habang nagpapa-massage si Dianna sa isang spa, sumaglit si Red sa hospital. Baka sakaling naka-confine pa si Bullet Guy o kaya naman ay nag-iwan ng mensahe sa mga nurse.

Nawala raw itong bigla. Sabi ng nurse na nakausap niya na siya ring pinagbigyan niya ng calling card, matapos daw itong magising at painumin ng gamot, ilang oras lang ay nawala rin ito.

Naisip niya na baka tama si Dianna sa hinala nito.

Red is awakened by Dianna's pat. She sees her house outside the car and realizes it's already night.

Hindi niya namalayan ang byahe dahil sa sobrang pagod nila sa pag-iikot kahapon at pamimili ng souvenirs. Binitbit niya ang mga bagahe niya na nasa backseat at binuksan ang pinto.

"Thank you. Ingat sa pag-uwi, Dianna."

"You, too, ingat sa pagpasok ng bahay," sabay tawa nito. "Good night, Red."

"Good night."

***

Maaga pa lang, busy na si Red sa tambak na trabahong gagawin niya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. She does not know if it's because she had a leave or her job is just plain demanding.

She's working under a female shoe brand Hermosa which is  known in the Philippines and the rest of Southeast Asia and Europe. Bukod sa nagdedesign si Red ng hills and stilettos, nag-momonitor din siya ng mga stock at sales.

Red has made many designs of ladies' shoes already and two of it became in demand internationally. And that's one of the reasons kung bakit siya na-promote six months ago at kung bakit tambak ang trabaho niya ngayon.

Habang nakaupo si Red sa table niya at nagtitingin ng proposal designs, tumunog ang telepono ng office niya. Kinuha niya ito para sagutin.

"Hello?"

"Good morning, Ma'am. This is Celine from the Information Desk. May gusto pong kumausap sa inyo. Sabi niya wala raw siyang appointment but he wants to talk to you, Miss Red." 

Habang pinapakinggan ni Red ang tawag, di niya naiwasang mainis dahil sa dami ng kailangan niyang tapusin.

"What's his name?"

"Ma'am ayaw niya pong ibigay."

Red sighs. "Tell him I'm busy."

Saglit na tumahimik sa kabilang linya at bumalik din naman. "Ma'am, paalis na po siya." Patlang. "Kayo raw po ang nagbigay ng calling card sa kanya three days ago sa isang hospital, eh. Do you remember po ba? Baka kasi isa 'tong modus na--"

"What?" Bago pa makapagsalita ang babae, nagpatuloy ulit si Red. "Matangkad ba siya? Na maputi? May benda sa balikat?"

"Uh... yes, ma'am, pero di ko alam kung may benda since naka-T-shirt siya."

"Did he leave already?"

Di maiwasan ni Red ang magpanic sa kadahilanang baka si Bullet Guy nga ang dumating. Di niya rin alam kung bakit nag-panic siya bigla at ngayon ay nakatayo na siya habang hawak ang telepono. 

"Kalalabas lang po."

She turns down the phone and goes out of her office. She stands still to stay calm. It's not like you're going to die later, she thinks. But her nerves does not follow.

Habang nakasakay siya sa elevator galing 3rd floor, sinubukan niya ulit huminga nang malalim at mabilis siyang naglakad paglabas dito. Dumaan siyang information desk nang di lumilingon hanggang sa makarating siya sa main entrance.

Wala siyang nakita kundi kalsada at mga sasakyan.

Di niya maiwasang mainis at tumalikod na lang para bumalik nang biglang may humawak sa braso niya. Nabigla si Red at agad niya itong nilingon.

"Bullet guy?"

 

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon