Chapter 17

2.6K 67 19
                                    

© Shupershimmer

Binuksan ko ang pinto ng unit ko at nauna si Irish na pumasok sa loob. Nakaalalay siya sakin dahil may bandage na nakapaikot pa sa paanan ko. Alas-dose na rin at pag-alis namin kanina, fire-out na ang sunog.

Hanggang ngayon, 'yon parin ang suot namin at halos natuyo na lang dahil sa aircon ng sasakyan ko. Buong byahe, di kami nagkausap.

Pagod? Siguro. Pero buong oras sumasagi sa isip ko 'yung nangyari. 

"Matulog ka na, para makapagpahinga ka," sabi niya sakin pagkalapag niya ng susi ko sa lamesa.

"If you want, you can sleep here."

Natawa siya nang bahagya at winasiwas ang kamay sa ere.

"Ano ka ba, sa tapat lang bahay ko. Uuwi na ko, tsaka maaga pa pasok ko bukas."

"Good night," I said, gazing at her eyes.

She smiled, and her eyes shone despite the dim light of my room.

"Good night...." Nabigla pa 'ko nang humakbang siya palapit sakin at pinaikot ang dalawang kamay niya sa tagiliran ko.

"Go home now, or I won't let you," I whispered against her hair.

Nagdalawang-isip pa akong yakapin din siya, pero ginawa ko na rin. Pinatong ko ang isang kamay sa likod niya, nang nagsalita siya.

"Adam, thank you talaga." Naramdaman ko na ang buong katawan niya dahil hinigpitan niya ang yakap. "Siguro kung di ka dumating, baka na-stranded ako... o kaya nasuffocate. Sorry kung napahamak ka pa dahil sakin."

I nearly choked.

"It's alright." We kissed, and she left.

And I stood astonished all of a sudden.

***
Kinabukasan, ti-next ko si Irish na hindi ko muna siya mahahatid sa trabaho niya dahil may aasikasuhin ako. Business stuff. Pagkatapos no'n, nakausap ko naman si Gio sa cellphone.

Gio: You okay?

Ako: Fine. Inalis ko na 'yung bandage.

Gio: Anyare kagabi? Di mo na dapat ginawa 'yon. You almost died. (Giggled) Mukhang first time in history na mamamatay ang killer kesa sa subject.

Ako: I'm alive.

Gio: Kaya nga, pero di mo masasabi. Puta, akala ko kagabi kung ano na nangyari sa inyong dalawa.

Ako: I think it's arson.

Gio: You mean, hindi lang aksidente ang sunog? E sabi kagabi ng mga bumbero, galing daw sa stock room.

Ako: Kahit ako hindi ko maintindihan. Nasa event kagabi ang nagpapatay sakin kay Irish. We met last night.

Gio: What?!

Ako: Malakas ang kutob kong sinadya niya 'yon. Alam niyang nandoon si Irish nung oras na 'yon, Gio.

Ang tagal bago nakasagot si Gio sa kabilang linya.

Gio: Kung ganun, edi dapat sana pinasalamatan mo siya.

Ako: Gio, trabaho ko 'yon. Ayokong pinakikialaman.

Gio: Why do I have this feeling that you want to save her life? Baka nakakalimutan mong kailangan mo parin siyang mapatay.

Ako: I'll confront him.

And that's the mere reason why I was standing in Miguel's office room. Nakita ko pa sa tapat ng pinto na may nakasabit na:

Miguel Guillermo

Executive Director

Binuksan ng secretary ang pinto at bumungad sakin ang likod ni Miguel na nakaharap sa malaking-malaking bintana.

Hinintay ko munang sumara ang pinto bago ako nagsalita.

"Ano'ng ibig sabihin no'n?" tanong ko.

He looked over his shoulders, but not to my eyes. "Talagang hindi uso ang 'hello' sayo, ano?"

Humarap siya at naglakad papunta sa mesa niya nang nakapamulsa. I squinted.

"Bakit ka nagpakita kahapon? Bakit kailangang magpakita ka kay Irish? At bakit ka nakikialam sa trabaho ko?"

Natawa siya nang bahagya at nag-gesture pa siyang maupo muna ako bago makipag-usap, pero di ko siya pinansin.
"I'll answer the questions." Lumapit siya sa tapat ko. "I was invited to come last night, kaya may karapatan akong pumunta. Ni hindi ko nga alam na makikita ko kayong dalawa, e. Ngayon ko lang nakita si Irish kaya kinausap ko siya..."

"Ikaw may gawa ng sunog diba?" I said through gritted teeth.

"How bad of you to accuse your benefactor," sagot niya tapos natawa na naman siya.

Sa sobrang inis ko sa asta niya, kinuwelyuhan ko siya gamit ang dalawang kamay ko, pero mukhang di siya natinag. Natawa lang siya sa ginawa ko kahit gustong-gusto ko na syang balatan nang buhay.

"Sumagot ka sabi!"

"Ikaw ang tatanungin ko, Adam." Naningkit ang mata niya. "Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya niligtas? Kung tutuusin oras niya na 'yon. Kung tutuusin, bayad ka na sana ngayon. Pinahihirapan mo 'ko, e."

He smirked and I pushed him.

"Wag mong iniiba ang tanong, gago! Kung gusto mo siyang patayin, sana hindi mo siya binigay sa'kin! Ako ang may control sa trabaho ko—hindi ibang tao. Hindi ikaw!"

He looked past me, as if to think what to say.

"Sad to say, hindi ako ang may gawa ng sunog. I heard it's an accident." He cocked his head on the other side. "Kung alam ko lang na makikita ko siya, edi sana napaghandaan ko 'yon. Ba't di ko naisip?"

Gamit ang kaliwa ko, hinablot ko ang necktie niya at nakaamba na ang kanan ko para suntukin siya.

"Pag di mo pa natapos ang trabaho mo within two weeks, ako na mismo ang papatay sa kanya—kasama ka."

Natigilan ako.

Tinapik ni Miguel ang kamay ko sa necktie niya saka inayos ang gusot sa suot niya. Sumeryosong muli ang mukha niya at nakikita ko ang pagkikiskisan ng bagang niya sa may pisngi.

"Kung ako sa'yo, mag-iingat ako sa ginagawa ko. After all, business is business. Gawin mo ang pinagagawa sayo, gustuhin mo man o hinde. Tandaan mo, binayaran na kita."

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon