Chapter 20

2.5K 66 11
                                    

© Shupershimmer

Ilang beses na binasa ng utak ko ang sulat sa papel, at ilang beses ding parang may nag-echo sa paligid ko habang sinasabi ‘yong ‘You’re freaking dead.’

Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko habang hawak ko ‘yon.

Dali-dali akong pumasok at ni-lock ang pinto. Umupo sa couch, hawak parin sa kanan ang baril habang nakakunot na ang noo ko.

Isa ba ‘tong biro? Prank? Ginagago na naman ba ako ni Gio? Kung hinde, sino namang magbibigay? At kung naging subject ko siya, sino siya sa labingdalawa?

Medyo nabigla pa ‘ko nang biglang umalingangaw ang ring ng cellphone ko sa bulsa. Nilapag ko ang baril saka tinignan ko sino ang tumatawag—si Gio.

Gio: Guess what.

Ako: What.

Gio: I’m going on a date! With my subject.

Ako: Great.

Gio: Wow, salamat sa sobrang saya mong comment. Ano’ng meron at parang badtrip na badtrip ka?

Ako: May pinadala ka bang pizza box sa unit ko?

Ilang segundo bago siya nakasagot kaya in-assume kong siya nga, lalo na nang natawa siya nang bahagya sa cellphone. Lalo akong nainis sa ginawa niya.

Ako: Gio.

Gio: Sorry, sorry (laughs). May nakita lang kasi akong billboard sa dinaanan ko. Nakakatawa lang ang tagline. Ano nga ulit yung sinabi mo?

I sighed, frustrated.

Ako: May pinadala ka bang pizza box sa unit ko. Ngayon.

Gio: Pizza box? Pare, ako magpapadala? Ano ako, sugar daddy? Tsaka, ba’t ako magpapadala, e, hindi ko nga napakain ang sarili ko ng pizza for a week.

Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi niya. May part na gusto kong mag-doubt sa sagot niya, at may part na naniniwala ako sakanya.

Ako: Sure?

Gio: Yup. Why, did someone send you a pizza? Baka naman may stalker ka?

Ako: No. Thanks.

Binabaan ko na siya ng cellphone at napatingin ulit ako sa papel na hawak ko. Hindi ko na sinabi sa kanya kung ano man ang hawak ko ngayon—hindi lahat ng bagay, pwede kong sabihin sa kapwa HoA member.

Bakit? Simple lang. Ayokong ipahamak ang sarili ko.

Kung sakaling totoo man ang note na ‘to, kailangan sarilinin ko lang dahil pag nasabi ko ‘to sa iba—gaya kay Gio—malaki ang possibility na makarating sa admin.

At pag umabot sa admin, patay-patay na ‘ko.

Nilapag ko muna yung note sa pizza box, tapos nagbihis ng T-shirt na puti, at corduroy pants. Habang naglalagay ako ng body spray, nakaharap ako sa bintana, na tapat ng unit ni Irish.

Nakasarado parin hanggang ngayon, kaya hindi ko alam kung natutulog ba siya, o naglilinis ng bahay. Naglilinis ba ‘yon?

At naisip ko, hindi kaya si Irish ang nagbigay ng box?

Napailing ako at umalis sa tapat ng bintana. Unang-una, hinatid ko siya sa unit niya kaya imposibleng siya ‘yon. Pangalawa, wala siyang ideya sa trabaho ko. Halata namang hindi siya.

Lumabas ako sa unit, at naglakad papunta ng elevator. Tinignan ko pa ang paligid ko habang naglalakad kung may tao, o kaya may biglang susulpot para saksakin ako, pero wala.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon