Chapter 8

3.9K 92 10
                                    

© Shupershimmer


Tumalikod agad ako nang makita kong nilingon ni Irish ang ulo niya sa kinatatayuan ko. Nakapamulsa akong naglakad pabalik sa loob habang nakatayo siya malapit sa isang fountain. Pagsilip ko sa gilid ng mata ko, hawak na niya ulit ang wheel chair ng nanay niya.

I didn't know what to feel in the first place.

Sinundan ko lang ang mga inikutan nila, at masasabi kong napakaboring ng lugar na 'to—para sa mga taong walang sakit sa isip. Puro halaman, at bulaklak ang nakikita; sino'ng di masisiraan ng bait?

I was sitting on an old wooden chair, a few meters away from Irish, and I could see the back of her whole body. The sun's too bright that I had to wear my sun glass—aside from hiding my face and identity.

Through the dark sun glass, pinagmasdan ko kung paano niya amuin ang babaeng nasa edad 50 pataas na nakaupo sa wheel chair. Kinakausap niya, kahit hindi naman sumasagot o nagrerespond.

Tinulak niya si Irish, at medyo nag-stiff ang katawan ko bigla. Hindi ko alam kung bakit, pero tipikal na 'yon sa mga gaya niya. Akala ko, gano'n lang, pero mas malala pala yung mga kasunod.

Nagsisisigaw ang nanay niya—rinig ko kahit napakalayo ko—habang tinutulak-tulak niya si Irish sa iba't ibang bahagi ng katawan. She tried to be close again, but she failed.

Mas lumakas ang tulak na halos matapilok na si Irish sa pagkakatayo niya sa bricks na sahig. Doon na ako naglakad nang mabilis papunta sa kanya.

"Nurse," I raised my hand to call the attention of a nurse wearing a colorful uniform.

Hinawi ko ang dalawang balikat ni Irish palayo sa hampas ng nanay niya, habang busy ang nurse sa pagpapakalma. Maraming sinabi ang babae kay Irish, pero isa lang ang naintindihan ko.

"Wag na wag kang magpapakita sakin!"

***

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Irish.

Huminga muna ako, at sumandal sa upuang inuupuan ko kanina. Matapos pakalmahin ng nurse ang nanay ni Irish, at pabalikin sa kwarto, pinaupo ko muna siya sa isang tabi. Though, napalilibutan kami ng limang baliw na paikot-ikot.

Tinanggal ko ang suot na sunglass, sinabit sa kwelyo. "Hinahanap kita."

Natawa siya na parang di siya makapaniwala. Nakuha pa niyang umiling at ngumiwi.

"Graduate ka siguro ng AB Stalkering," sarcastic na sagot niya habang nakatingin siya sa sandals niya. "Paanong nasundan mo ko rito?"

"Hindi kita sinundan," sagot ko. "Magkaiba ang sinundan sa nahanap."

She puffed her cheeks and breathed out. "So, paano mo 'konahanap?"

"Importante ba 'yon?" medyo nagsalubong ang kilay ko pagharap sa kanya. "Ba't hindi mo sinagot ang tawag ko? Ba't ka nag-resign?"

Natawa na naman siya kagaya kanina. "Seriously?" umiwas siya ng tingin. "Ano bang pakialam mo kung ano'ng gusto kong gawin?"

"May paki ako." dahil subject kita.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya sa harap ko. "Okay, okay. Adam, hindi kita kilala, at hindi mo 'ko kilala..." kilala kita. "Isa pa... masyado akong stressed sa tirik ng araw, kaya wag ka nang dumagdag."

"Break na ba kayo ni Ivan?" iniba ko ang usapan.

Hindi siya nakasagot, at napaisip pa."H-hindi ko alam.Hindi na niya ako tinatawagan nang ilang araw."

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon