Chapter 22

2.4K 65 6
                                    

© Shupershimmer

“Tapusin mo na ang trabaho mo,” payo ni Gio.

Tinaktak niya ang yosi sa ashtray, at tinignan akong maigi. Hindi ako nakasagot pagkabanggit niya, dahil hanggang ngayon, hindi ako sigurado kung kailan ko yun gagawin. Nababawasan na ang two weeks na palugit ko.

“Give me some time.”

“Time…,” sabi niya bago humithit ng yosi. Pagkabuga niya, dumiretso ang usok sa mukha ko. “Adam, nakarating na sa police ang gawain ng HoA. About sa blog na s-in-end ko sayo.”

Di ako nakasagot, kahit alam kong naghihintay siya ng reaksyon ko. Alam kong mangyayari ‘to. Alam kong darating sa puntong maiipit ang admin sa ganito.

He leaned forward, and looked around to see if anybody could hear us, but none seemed to care about us.

“Nagkakagulo na ngayon sa HoA. May isang detective na ang napatay ng isang member. Kailangan nating magtago. Mag-ingat.”

“Yun nga ang sinasabi ko,” sagot ko. “Hindi ko pwedeng patayin si Irish kung ganito. Lalo lang silang maghihinala.”

Natawa siya sa sinabi ko kaya nagsalubong ang kilay ko sa kanya.

“What?”

“Dude, araw-araw may namamatay na babae sa Pilipinas. Napatay mo nga ang last subject mo nang hindi ka nahuli, e. Napagkamalan pang suicide.” Kumuha ulit siya ng panibagong yosi. “Patayin mo na si Irish, hangga’t maaga pa.”

“Hindi ako safe sa ginawa ko kay Selina, Gio. May investigator na nagpunta sa unit ko, naaalala mo?” 

Pagkabuga niya ng yosi, tinignan niya ako nang maigi, at tumango lang.

“Kamusta na nga pala ‘yon? Bumalik pa ba?”

I shrugged. “Ewan ko. Pero sana, hinde.”

Katahimikan. Tinuon ko na lang ang attention ko sa acoustic band na nagtutugtog sa stage, at sa mga taong nag-iinom sa kanya-kanyang mesa. Napalingon ulit ako kay Gio nang magsalita siya.

“Do you care about her?”

“Huh?”

“Irish.” His body became rigid, trying to scare me enough. “Sa car event last time, pwede mo na siyang iwan d’on. Pero niligtas mo siya. That’s stupid, Adam. You lost your chance of killing her.”

“Wag mo nga akong pakialaman sa gusto ko,” I finally snapped. “Trabaho ko ‘to, Gio. Pakialaman mo ang sarili mong subject, hindi si Irish. Sa’kin si Irish. Ako ang may hawak sa kanya. Ako ang magdedecide kung kailan ko siya tatapusin.”

Tinaas niya lang ang dalawang kamay niya, sign of defeat.

Nag-jump ang topic sa ex-fling ni Gio na si Rob. Na-meet niya raw kahapon, at sinabing namatay na ang kaibigan niyang si Shelly sa isang car accident. It happened a day before now.

“Driving under influence of drugs daw,” kwento ni Gio. “Diba nakasama mo ‘yon?”

“We didn’t really talk when you guys left us that night,” I lied.

8 o’clock palang pero nagdadalawang isip akong tawagan si Irish. Sa pagkakaalam ko, nasa birthday party siya ng katrabaho niya, at tumanggi siyang sunduin ko siya.

Nagpaalam si Gio na mag-c-cr siya, kaya kinuha ko ang opportunity para tawagan si Irish. Nagsabi akong susunduin ko siya, at syempre, tumanggi siya, pero sinabi kong may ipapakita ako sa kanya.

Pagdating ng 9 o’clock, nagpaalam na ‘ko kay Gio na busy makipag-usap sa ex-classmate niya raw nung high school. Bumiyahe ako papunta sa restorbar na sinabi ni Irish, at wala pang thirty minutes, nasa labas na ‘ko.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon