Chapter 30

1.7K 57 6
                                    

I parked my car, a few steps from Gio’s. Nag-park lang ako pero hindi ako bumaba ng sasakyan. Wala naman kasi akong gagawin kung papasok ako sa loob. Wala akong ganang uminom at mag-chill. 

Nakapako ang mga mata ko sa rearview mirror at nakahawak sa manibela. Doon ko kasi makikita kung lalabas na ba siya ng pinto o hindi.

Kailangan naming mag-usap. Kailangan kong magtanong.

Fifteen minutes na ang lumipas, marami na rin ang naglabas-masok, maliban sa kanya. Medyo nainis na ako at na-tempt na tawagan si Jeff para lang murahin dahil sa wrong information, pero pagtingin ko sa rear view, saktong nakita ko si Gio.

I met Gio, a year from now. Kung tutuusin, mas bago siyang member kaysa sakin, at sa maniwala kayo o sa hindi, siya lang ang madalas kong kausap sa buong HoA. He’s the one who always approaches a person as if he knows you very well. Kaya niyang gawin ‘yon nang hindi siya mukhang feeling close.

No wonder more girls prefer talking to him than me. He’s my total opposite.

Pagkalabas niya ng susi sa kotse niya, saka ako lumabas ng sasakyan ko. Nakita niya ako, at huminto siya sa tapat ng driver’s seat.

“Kararating mo lang?” tanong niya habang pinaglalaruan ang susi sa kamay. “Boring. Wag ka nang pumasok.”

He shouldn’t be acting this way. Why is he acting this way?

Hindi ko na napigilan. ‘Yong kamay ko na kanina pa nakayukom, dumiretso sa panga niya at sumalpok siya sa bintana ng sasakyan niya. Bago pa siya makalaban, hinawakan ko ang magkabilang kwelyo niya.

“Ba’t mo ginawa ‘yon?!”

It’s a demanding question; almost a hiss, almost a shout.

Pagkalapit ko sa kanya, naamoy ko agad ang alak kahit hindi pa siya nagsasalita. Namumula-mula rin kasi ang mukha niya.

Sinuntok ko ulit siya sa parte na sinuntok ko kanina. “Tang ina, sumagot ka!”

“Ano bang problema mo?”

Dinikit ko siya lalo sa sasakyan niyang hinding-hindi ko malilimutan ang hitsura. “Gago, Gio, wag mo kong gawing tanga. Nakita kita kanina. Muntik mo nang mapatay si Irish!”

Inismiran pa ako ng mokong.

“Wag mo nga akong tawanan!” naiinis na sabi ko. “Hindi ako nakikipagbiruan, loko. Umamin ka nga. Inutusan ka ba ng nagpapapatay kay Irish?” Hindi siya umimik. “Sumagot ka!”

Tinignan niya lang ako nang masama at piniglas niya nang gano’n kabilis ang kamay ko sa leeg niya. Tinulak niya ako sa balikat, at sinipa sa tiyan kaya napaupo ako sa sakit.

“Kahit ano’ng gawin mo, mamamatay siya.”

Humakbang si Gio palapit at hinila ako sa kwelyo. Isang-kamay.

“Ginigising lang kita sa kahibangan mo, Adam. Kung ako sa’yo, papatayin ko na siya ngayon na.” Lumapit siya sa mukha ko. “Alam mo, dapat ‘di ka na nakialam kanina, e. Edi sana pinasasalamatan mo ‘ko ngayon dahil tinapos ko ang trabaho mo.”

“Trabaho ko ‘yon. Wala kang pakialam.”

“May paki ako.” He gritted his teeth, jaws clenched. “Iniingatan ko ang House of Assassination, Adam. At hindi ako tulad mo. Hindi ko sisirain ang nagpapakain sakin dahil lang sa personal na dahilan! Ano ba naman ‘yong barilin mo siya sa ulo! Kriminal ka, diba?”

Tinulak ko siya saka ako dahan-dahang tumayo.

“At sa tingin mo ba matutuwa ang admin pag nalamang delayed ka na sa deadline mo?” napailing siya. “Pinasok mo ang trabaho na ‘to. Wala kang ibang gagawin kundi sundin sila.”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon