Chapter 6

4.3K 86 5
                                    

© Shupershimmer


"Papatayin kita, Adam," sinakal niya ako bigla sa leeg. "Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa'kin..."

I woke up after such a nightmare. Napaupo ako sa ibabaw ng kama ko, at naihilamos bigla ang palad sa mukha ko. Uminit bigla. Hang over; it sucked. Inalis ko ang pagkakataklob ng kumot sa binti ko, at naglakad papunta sa kusina.

I was walking half-naked, and boxer's the only cloth on my body. Selina interrupted my mind. She interrupted my deep sleep.

Hindi ito ang unang beses na nananaginip ako tungkol sa previous subjects. Maraming beses na. A week, or two, after I killed them, they always appeared in my dreams.

Pero, sanayan na lang siguro. Wala na akong pakialam. Patay na sila.

Uminom ako ng konting tubig, at bumalik sa sala para tignan ang wall clock na nakasabit. 9:00. Pumasok na ba si Irish sa trabaho niya? Hinde, masyado siyang lasing.

Naalala ko bigla no'ng hinatid ko siya paakyat sa unit niya. Akay-akay ko siya sa balikat habang naghihintay sa elevator nang maalala kong ayaw niya do'n. Ang problema, 511 ang unit niya. Fifth floor.Sino'ng magtityagang i-hagdan yon?

"Ayoko ng elebeytorrr sabi!" tinulak niya ako.

Pasalamat lang talaga siya at wala kaming katabing sasakay sa elevator. Sinabi ko pa sa security guard na boyfriend ako ni Irish, at kailangan ko syang ihatid sa kwarto niya.

"Stupid, nasa fifth floor ang unit mo, gusto mo ba akong patayin sa pagbuhat sayo?" naiinis na sabi ko. "Kung di lang kita subject, baka iniwan na kita sa kalsada kanina pa."

Nakapikit na siya no'n, at bagsak ang ulo habang nakatayo—hinde, nakasandal pala siya sa braso ko.

Pinilit ko siyang makasakay sa elevator, at nagsisisigaw na naman siya na parang baliw. Ang malala, sumuka siya. Buti na lang sa sahig, at hindi sakin. Pag nagkataon, baka dumiretso na 'ko sa level 5 ng plano. Tapos na sana siya.

And I remember I was living in a condominium, just right in front of Irish's cheap condotel.

Inalala ko rin ang pagkakapwesto ng bintana ng unit niya. Malaki ang posibilidad na nakatapat sa condominium ko.

Pumunta ako sa dingding at hinawi ang malaking dark-brown curtain sa bintana. Sumalubong sakin ang mataas na sikat ng araw, at kailangan ko pang takpan ang mukha ko.

Noong pumunta ako sa unit ni Irish kagabi, hindi ako makapaniwalang may nag-e-exist na gano'ng unit. Walang aircon, walang shower—gripo lang ang meron—at hindi ganoon kalinis. Napakaliit pa.Sa tingin ko, kasinlaki ng unit niya ang bedroom ko. Hindi kasama ang banyo at iba.

Gaano ba siya kahirap? Hindi niya man lang ba alam na heiress siya ng isang matandang malapit ng mamatay?

Pagtingin ko sa bintana, nakita ko na ang condotel sa harap—tapat sa isang kwarto doon na nasa fifth floor. Hindi ko lang alam kung kay Irish nga 'yon, pero sana.

Ilang minuto ang lumipas, nakita ko ang isang matandang babaeng nagpapapagpag ng basahan niya sa labas ng bintana. At biglang may nag-pop sa utak ko.

Siya 'yung matandang nabulabog ni Irish kagabi habang nag-iingay siya no'ng nasa tapat pa lang kami ng unit niya. Magkapit-bahay sila.

Tinignan pa ako nang masama ng matandang 'yon kagabi dahil nakita niyang hawak ko si Irish sa ilalim ng kili-kili niya. Na parang may balak akong rape-in ang babaeng 'to.

Naglakad ako papunta sa kabilang part ng unit ko, at hinawi ang isa pang malaking kurtina. Ngumisi ako bigla nang mapansin kong bukas ang bintana at nakilala ko ang mga gamit na nakita ko sa loob. Kay Irish nga 'yon.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon