Chapter Thirty Six

20.1K 675 82
                                    

Kabanata 36

Miguel Arcega

Ilang sandali kaming nagkatitigan ni Harris. Nakikita ko ang galit sa anyo niya ngunit sinisikap niyang kontrolin iyon.

Hindi nagtagal ay nagsimula na silang maglakad ni Kristoff palapit sa amin ni Tim saka niya pinagmasdan ang boyfriend ko mula ulo hanggang paa bago siya seryosong sumulyap sa akin.

"Hindi mo nabanggit sa akin na may darating ka palang bisita." sabi sa akin ni Harris. Mahihimigan pa rin sa tinig niya ang pagkairita. "Di sana ay naipaghanda natin siya ng masasarap na pagkain na hindi niya natitikman sa Maynila."

Natawa naman si Timothy dahil mababakas sa tono ni Harris na hindi siya masaya sa nadatnan niya ngayon dito sa bahay.

"Hindi ka pa rin nagbabago pare. Masyado ka pa ring mayabang." sabi ni Tim.

Mabilis na kinuwelyuhan ni Harris si Tim na ikinabigla naming lahat. "Huwag mo akong mapare pare. Hindi kita kumpare. At baka nakakalimutan mo kung saang teritoryo nakatapak ngayon yang mga paa mo." galit na sagot ni Harris na kababakasan ng tono ng pagbabanta.

Mabilis naman namagitan si Kristoff at pinigilan niya ang kapatid niya sa pagpitsa nito kay Timothy. "Kuya tama na yan. Huminahon ka, ano ba?"

"Napakayabang kasi ng isang ito. Kung umasta akala mo kung sino na nasa teritoryo niya. Kung alam ko lang na darating ka ngayon, sa bukana pa lamang sana ng hacienda ay ipapaharang na kita sa mga tauhan ko." sagot ni Harris kay Kristoff.

Mabilis ko namang nilapitan si Harris saka ko siya iniharap sa akin. "Makinig ka sa akin, Harris. Hayaan mo na muna kaming makapag-usap ng maayos ni Timothy." pakiusap ko sa kanya.

Ilang sandali muna niya akong pinagmasdan. Mababakas ang pag-aalangan sa kanyang gwapong mukha.

"Kuya hayaan mo na sila." bulong ni Kristoff sa kapatid niya.

Matagal muna akong pinagmasdan ni Harris saka siya matalim na sumulyap kay Tim bago siya muling bumaling sa akin.

"Kung mag-uusap kayo ay dalhin mo sa labas ng hacienda yang mayabang na lover mo. Hindi ako papayag na maglabas masok siya sa lupaing pag-aari ko. Hindi siya welcome dito sa Hacienda Buenavista." malamig na sabi niya sa akin.

Marahas niyang binawi ang braso niya na hawak ni Kristoff saka na siya nagmamadaling umakyat sa itaas.

Naririnig ko pa ang malakas na tunog ng mga sapatos niya habang humahakbang siya sa hagdan na para bang napakabigat ng mga paa niya.

Nagkatinginan kami ni Kristoff at nakakaintinding tingin ang ipinukol niya sa akin.

"Irespeto mo na lang ang desisyon ni Kuya, Miggy. Sa bayan na kayo mag-usap ng bisita mo." sabi niya saka niya sinulyapan ang ngayon ay nakangisi na Tim na para bang natutuwa pa sa nangyari.

Tumango na lang ako kay Kristoff saka na siya sumunod kay Harris sa itaas.

Hinarap ko si Tim saka ko na siya inalok na magtungo sa nag-iisang class na kainan sa bayan upang doon na lang ituloy ang pag-uusap namin.

Matagal na kaming nakaupo sa pandalawahang mesa ng restaurant na iyon nang sa wakas ay magsalita si Tim.

"Hindi ko gusto ang ugali ng stepbrother mo na iyon, Miggy." simula niya dahilan upang mapatingin ako sa mga mata niya.

"Hindi mo masisisi si Harris kung naging malamig man ang pakikitungo niya sayo. Sa Maynila pa lang mula nang sunduin niya ako ay binabastos mo na siya." mabilis na sagot ko na siya namang totoo.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon