Chapter Five

26.3K 931 153
                                    

Kabanata 5

Miguel Arcega

Pagdating namin ni Jovan sa villa ay naglakad na ako diretso sa ikalawang palapag upang makapagbihis ng pambahay.

Nang makaakyat na ako ay tinungo ko kaagad ang silid ko saka ko iyon binuksan nang bigla na lamang may tumulak sa akin kasunod ng marahas na pagsara ng pintuan.

Marahas din akong isinandal sa pintuan ng kung sino mang pangahas na nagtulak sa akin papasok ng silid.

Gulat akong napatitig sa taong nasa harapan ko ngayon. Kasingdilim ng gabi ang maiitim niyang mata na bumagay sa magandang facial features niya.

Seryoso itong nakatitig sa mga mata ko habang halos magkadikit na ang mga katawan namin dahil sa ginawa niyang pagcorner sa akin sa likod mismo ng pintuan ng silid ko.

"Anong ginagawa mo?" pagalit kong sabi sa kanya. Mahina ngunit madiin ang pagkakasabi ko.

He grinned. "Ikaw dapat ang tinatanong ko Miggy. Anong ginagawa mo sa labas ng silid na iyon. Vacant ng karamihan sa mga gagamit ng building na iyon. Magtapat ka nga. Sinusubaybayan mo ba ako?"

Natawa naman ako sa sinabi niya pagkatapos ay tinangka ko na siyang itulak pero mas malakas siya sa akin at mas lalo pa niya akong ginipit sa pagkakasandal ko sa pintuang iyon.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko kasabay ng pagsinghap nang maramdaman ko sa hita ko ang pagdiin ng matigas na bagay mula sa harapan ng kanyang pantalon.

"Siguro naman ay satisfied ka sa nakita mo. Malaki ang pag-aari ko at wala pang hindi nabaliw sa akin sa mga nakatikim na dito. Gusto mo bang masubukan? Saan mo gusto? Dito ba sa silid mo o doon sa silid ko?" nakangisi niyang bulong sa akin.

"Bastos!" sigaw ko sa mukha niya saka na ako nagpumiglas ngunit mas malakas talaga siya kaysa sa akin at ipit na ipit na ako sa posisyon naming dalawa.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang mas lalo pa niyang idiniin sa akin ang matigas at napakalaki niyang pagkalalaki.

"K-kristoff!" sambit ko.

Tumitig lang siya sa mga mata ko saka siya ngumisi ng nakakaloko. Bigla na lamang niya akong hinila at balewalang inihagis pahiga sa kama.

Halos bumaon ang katawan ko doon dahil sa lakas ng kanyang pagtulak. Sumunod ko na lamang namalayan ay naghuhubad na siya ng pang-itaas niyang damit to my horror.

Muli na namang tumambad sa akin ang magandang hulma ng katawan niya pati na ang tattoo ng pangalan niya sa dibdib niya ngunit natatakot ako ngayon sa maaari niyang gawin sa akin.

"Mahilig ka rin lang naman mamboso. Ipapakita ko sayo ngayon yung katawan na sinisilipan mo kanina." sabi niya saka na siya pumatong sa akin at sinimulan niya akong halikan sa leeg.

"Lumayo ka! Ano ba? Kristoooff!" sigaw ko kasabay ng paglapat ng mga kamay ko sa dibdib niya uoang itulak siya palayo sa akin.

"Kristoff!" anang isang maawtoridad at malakas na tinig mula sa pintuan ng silid ko.

Sabay pa kaming napalingon ni Kristoff doon at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang nakakita sa amin.

Naniningkita ang mga matang pinaglipat-lipat ni Harris ang tingin niya sa aming dalawa ng kapatid niya.

Nakahawak ang dalawang palad ko sa matipunong dibdib ni Kristoff habang siya naman ay nakapatong pa rin padapa sa katawan ko.

"Anong ginagawa ninyo?" galit na tanong nito.

Doon na natauhan si Kristoff at mabilis siyang napabalikwas ng bangon kaya naiwan akong nakahiga sa kama.

"A-ano kasi kuya." ani Kristoff na napapakamot sa ulo niya habang nag-iisip ng ipapalusot. Hindi ko tuloy naiwasan na makita ang makapal na tubo ng buhok sa kilikili niya.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon